Chapter 25

1.1K 36 9
                                    

===Janielle===

It's been a month simula nung accident at ang pagpapanggap ko, miss na miss ko na talaga si mommy at daddy pati na rin sila manang salume at syempre ang lalaking mahal na mahal ko si steven.

"Deinielle pinapatawag ka nang head sa office nya", sabi sakin ni ac na kakarating lang.

"Bakit daw?", tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam eh, bilis na lagot ka dun kapag tumagal ka pa", sabi ni ac, tumayo naman ako agad at nagpaalam na.

Ano naman kaya ang problema sakin ni Mrs. Adamson, simula nang lagi akong nakaka highest sa section namin lagi na nya kong pinapatawag.

Nung unang araw ko nga dito nagulat ako nung tinawag nilang King si Chase tapos tumitili tili pa sila, may royalties din pala dito pero kung sa MA yun bawal sumigaw dahil kay steven.

Tapos Si Keisha naman lagi akong inaaway, di ko na lang pinapansin dahil sayang oras ko tsaka hindi rin naman nya ko masaktan saktan dahil may resbak ako... ang section ko.

Basta simula nung mga ilang araw na ko dito unti unti ko na silang nagiging close.

Tok tok tok

katok ko sa pintuan ng office ni Mrs. Adamson.

"Come in", sigaw nya mula sa loob, pumasok naman ako.

Pagpasok ko nakita ko ang CGA Royalties na sina Prince Drake, Princess Jane, Queen Keisha at King Chase. Anong meron? tsaka bakit napakalawak ng ngiti ng mokong na si chase tapos si keisha halos mapatay na ko sa tingin.

"Congratulation babe", sabi sakin ni drake. Close na din kami kahit papano. Anong meron?

"Don't call me babe", sabi ko tapos inirapan sya.

"Oo nga", sabi naman ni chase.

"Congrats", Nakangiting sabi naman sakin ni jane

"Huh? ano ba meron?", tanong ko sa kanila, bakit nila ko binabati?

"Miss Parkinson i'm glad to say that... you are the new Queen of Capulet Grand Academy", napanganga ako sa sinabi ni Mrs. Adamson, napatingin ako kay keisha na ang sama sama ng tingin sakin.

"Paano si Keisha?", tanong ko.

"Hindi ko kailangan ng awa mo! Plastic", sabi nya tapos lumabas ng office na to.

"Miss Parkinson you are overqualified to be a Queen of CGA, bukod sa maganda at matalino mabilis mo din nakuha ang loob ng halos estudyante ng school na to", sabi sakin ni Mrs. Adamson. May magagawa ba ko?

"And also starting tomorrow section 1 ka na together with ac", sabi ni Madame or Mrs. Adamson.

"Nice my babe", sabi ni drake sakin tapos inakbayan ako.

"Hep hep bawal tsansing", sabi ni chase tapos pinaghiwalay kaming dalawa.

"Gago ka King tapos ikaw papalit?", sabi ni drake kay chase pano kase sya naman ngayon ang nakaakbay sakin.

"Aray!", sigaw ni chase tapos inalis ang pagkakaakbay sakin.

"Bakit mo ko kinurot sa tagiliran queen?", gulat na gulat na tanong ni chase.

"Gusto ko bakit ba?", pagtataray ko.

"Oops! Magsilabas na kayo ang ingay nyo", sabi ni madame, nagsilabasan naman kami tapos nagba-bye na sila kay madame.

"Celebrate tayo", masayang sabi ni jane.

"Sige tara", sabi ni chase.

"No! May klase pa po tayo", sabi ko sa kanila.

"Grabe naman queen minsan lang eh", sabi ni drake.

"Oo nga matalino ka na naman, halika na queen", sabi naman ni jane.

"Oo nga queen, nakakatakot kaya si Sir Aly", sabi pa ni chase. Ayy kaya pala nagyaya etong mga to para makaiwas kay Sir Aly.

"Tara na Queen, nakakatakot pa naman ang Terror Teacher na yun", sabi ni jane. Royalties ba talaga sila ng school na to? diba sila ang role model sa school na to? pero sila pa ang gumagawa ng kalokohan.

Kung sa MA yan nako, si dianne lang ang nagyayaya ng ganitong bagay. Pero sa bagay madalas din wala sa klase ang apat na sina dianne, dwyane, echo at steven.

"Wag mo silang isipin ma mi-miss mo lang sila lalo", sabi sakin ni chase ng pabulong habang naglalakad kami.

Medyo tumaas ang balahibo ko dahil naramdaman ko ang mainit na hininga nya sa pisngi ko.

"O-opo" nasabi ko na lang, na ilang tuloy ako bigla kay chase.

Maya maya lang nakarating din kami sa isang fast food na medyo malayo sa school nagkanya kanya na kami ng upo. May napansin ako sa labas na babae yata naka hood sya kaya hindi ko maaninag ang muka, sure na sure akong nasaakin ang tingin nya. May bangs din sya at medyo mahaba ang buhok.

"Hoy Queen! ano nangyari sayo? kanina pa ko salita ng salita dito di ka naman sumasagot", sabi ni chase sakin.

"Ahh ikaw na bahala, alam mo na naman mga gusto ko eh", sabi ko kay chase, tumango na lang sya tapos umalis na din kasama si drake. Tumingin ulit ako sa labas para makita yung babae kaso wala na sya.

"Queen ano bang tinitingin tingin mo dyan sa labas?", tanong ni jane sakin.

"H-huh? wala naman masarap lang talagang tumulala", palusot ko sa kanya, tumawa lang sya ng mahina.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa dumating na sila chase dala ang pagkain namin.

Nagsimula na kaming kumain, ang daldal nga nung tatlo eh. Ang saya nilang kasama nakakalimutan ko kahit papano ang mga taong na mimiss ko, nasasanay na rin ako sa kanila, kahit papano masaya pa din ako napunta ako sa buhay na to.

Habang kumakain ako nakita ko si chase na nakakatitig sakin nung magkatinginan kami iniwas nya bigla yung tingin nya, hindi ko alam pero biglang uminit ang buong katawan ko na prang walang hangin dito sa loob.

Nasasanay na din ako sa presensya ni chase at nasasanay na din ako sa madalas nyang pag mumura siguro nga nakasanayan na nya yung ganun. Sa iisang bahay lang din kami nakatira sa bahay ni deinielle... binanbantayan nya talaga ako.

Minsan ng hindi ko maintindihan ang nangyayari saming dalawa eh, pagsabahay minsan nag iiwasan kami, pagmagkasama naman kaming na nonood ang awkard, minsan din nahuhuli ko syang tumitingin sakin at higit sa lahat paulit ulit kong nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa bahay kaming dalawa yung feeling na nakakahiyang bumaba kase nakakailang tapos ngingiti sya sakin bigla then nagkakagulo naman ang nararamdaman ng puso ko.

Bakit ganun? basta pag si chase ang laki ng impact sakin.



=====

A/N: sino gusto nyo mag partner si Chase at Deinielle? o Si Chase at Janielle?

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now