Chapter 51

854 27 5
                                    

Steven's Pov

"Are you ready to die?",

Argh! Naiinis na talaga ako! Nag bibiro lang sya diba? Papatayin?  Ako?

Oo nga pala, baka nga libo libo na ang napatay nya eh so wala lang sa kanya kapag namatay ako, lalo na't wala akong laban sa lagay ngayon.

"Yes", seryosong sagot ko. Ngumisi muna sya bago nagsalita.

"Oh so you are willing to die just to know the truth...", nakangising sabi nya, wala akong pakielam sa mangyayari sakin basta malaman ko lang ang pagkatao nya. "I am~~~", tinitigan nya ko ng seryoso. "I am the queen of all gangs, the queen of badass. The one who save diane's life and alice's life",

Queen of all gangs?

The queen of badass?

Awtomatiko na napa awang ang bibig ko, hndi ko akalain na mas higit pa sya sa inaakala ko.

"Y-you are the queen?", gulat na tanong ko. "You mean... You are the member of demon fang gang? And...", hindi talaga ako makapaniwala, "the queen of all gangs?",

"Don't make me repeat myself", plain na sabi nya.

"P-pero ano yung kanina?", nauutal na tanong ko, hindi lang ako makapaniwala na ang kaharap ko ay isa talagang demonyo.

Marami akong nababalita patungkol sa queen, na sa isang iglap kayang patayin ang buong angkan. Yung queen na nababalitang nagpabagsak sa maraming organisaayon dahil lang sa nalaman nila ang pangalan nya. Yung queen na kinakatakutan ng lahat, mapa-gobyerno man o hindi, yung queen na yon? Ay eto... Nasa harap ko at matagal na pala naming nakakasama.

I can't believe it!

"Yung humahabol ba sakin?", napa-tango na lang ako sa tanong nya.

"Hmmm...", panandalian syang nag-isip, "since mamatay ka na din maya maya, sasabihin ko na", nakangising sabi nya, oo aaminin kong kinakabahan ako. Sino ba namang hindi kakabahan na makaharap ang queen?. "Ngayon kase, nagsimula na ang The Greatest Gang Fight, na kung saan pwede kang pumatay ng kahit sinong gangster, kapag mahina ka, talo ka", sabi nya sakin ng naka ngisi.

"Haysss nakaka antok naman", humihikab na sabi nya. "At isa pa, may bounty na ang mga ulo namin, kapag nakapatay ka ng gangster na amy bounty, may pera ka na... May points ka pa. Tataas ang rank mo", pag e-explain nya.

"Gaano kalaki ang bounty mo?", tanong ko sa kanya. Nakangiti sya ng hindi ko maintindihan, natutuwa sya sa nakikita nya sakin, ngiting hindi mo mapagkakatiwalaan ang bawat sinasabi nya.

"One hundred thousand dollars", nakangising sabi nya. O-one hundred thousand dollars? Hindi ako umimik.

"Now, are you ready to die?", nakangising tanong nya, kumabog ang dibdib ko, to-totohanin talaga nya?

"Marami ka nang nalalaman, don't worry i'll make fast, just one shot", nakangisi pa ring sabi nya. Tumayo sya sa higaan nya at may kinuhang baril sa ilalin ng unan nya. Hindi ko alam ang gagawin ko, ayokong pumikit at ayoko ding mamatay. Bahala na, tinitigan ko lang sya habang nakangising nakatutok ang baril sa may noo ko.

"Say goodbye", natutuwang sabi nya, she's really a demon. Sinamaan ko sya ng tingin. Nagbilang muna sya bago pindutin yung trigger.

"1... 2... 3... Click! Hahahahaha", tumawa sya ng malakas na parang demonyo, lalo ko syang sinamaan ng tingin. Nung pinindot nya yung trigger walang balang lumabas. "I guess you are a lucky one",sabi nya tapos nag shrug, pumunta ulit sya sa kama nya at umupo.

"I'll let you pass, just make one thing for me", seryosong ani nya. "Are you agree?", seryoso pa ding tanong nya.

Anong gagawin ko? Hindi naman akong takot mamatay, pero sige. Marami pa kong gustong malaman.

"Ok, what is it?", seryosong tanong ko.

"Keep my identity's a secret and act like nothing happened",

Simple lang naman ang pinapagawa nya pero kapag nadamay na ang buhay ng mga kaibigan ko, ako mismo papatay sa kanya.

"Walang problema, wag lang madadamay ang mga kaibigan ko",

"Sure, they're safe as long as they with me, don't worry no body knows about my identity. Only the peoples whom i trust and the people who are scared", napangisi sya sa scared but i don't care, napa nod na lang ako sa sinabi nya. "Leave", plain lang na sabi nya.

Umalis na nga ako sa kwarto nya, she's hot tempered and moody, i knew it.

Since may sakit pa sya, mukang hindi kami agad makakaalis dito at isa pa, bumabagyo pa din.

----

Deinielle's Pov

Stupid

Natatawa ako sa reaction nya kanina, he's scared but he didn't want to let me see it.

Kakagising ko lang, medyo sumasakit pa din ang ulo ko. Buti nga na kaya ko pa kanina.

Kailangan na din naming umalis as soon as possible. Hindi na isang magaan na problema to, isang malaking problema na. Halos dumadami na ang nakakakilala sakin at hindi ko alam kung paano, na sisiguro kong may kinalaman ang babaeng laging tinutukoy ng mga nahuhuli ko ngunit walang makapag sabi ng itsura nya at kung sino sya.

Isa lang ang kilala kong babaeng kumakalaban sakin, at iyon ay ang walang kwenta kong pinsan na si ellis. Oo kalaban ko sya sa gang world pero hindi nya kilala ang tunay na ako o baka naman nag pre-pretend lang syang hindi ako kilala?

Kailangan ko syang ma dispatya agad kung ganoon nga.

Naagaw ang atensyo sa bumakas na pinto at inilabas nito si steven.

"Anong iniisip mo?", tanong nya, napakunot ako ng noo, wala syang pake kung ano man ang iniisip ko. Pero dahil nagkaron ako ng bright idea, masabi nga.

"Yung mga di-dispatyahin ko", nakangising sabi ko. Alam kong magugulat sya haha.

"Ok", sagot lang nya.

"We need to go", sabi ko tapos tumayo sa pagkaka-upo ko sa kama, kinuha ko din ang dalawang baril na nasa ilalim ng unan ko.

"Where are we going?", takang tanong nya.

"Aalis na at babalik sa lugar mo", sabi ko at nilampansan sya. Hindi na naman sya nag salita. Pumunta muna sya sa kwarto nya tapos bumalik din agad, sya na din ang nag drive samin.

"Queen! King!", mangiyak ngiyak na sabi samin ni alice. Nandito na kami sa condo ko dahil nag text ang grupo na nandito daw sila.

"Di manlang kayo nagyaya, talagang nag solo kayong dalawa", sabi ni dwayne. Kung alam nya lang.

"Mauna na ko", walang emotion na sabi ni steven tapos lumabas na.

"Ano yon? LQ kayo?", sabi ni diane.

"Nagsama nga buong gabi, LQ din naman", sabi naman ni echo.

"Hindi kami LQ, at ano ba yung LQ na yan?", tanong ko sa kanila.

"Weeeee???", sabay sabay nilang tanong, except syempre kanila amada at calix, oo nandito din sila.

"Ano ka ba queen, LQ, lovers quarrel", napakunot ako ng noo sa sinabi ni alice. Ang korny! Pwe!

"Inaantok ako, mag si alis kayo!", pagtataboy ko sa kanila.

"Ay ayaw mag kwento, tara na nga", sabi ni dwayne, parang babae psh.

"Magbabati din kayo nyan queen", pahabol ni calix tapos nag wink. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Nice queen, may pataas taas ka na ng kilay ah", sabi naman ni amada na nakangisi, ibang queen na ang tinutukoy nila ngayon.

Hindi ko sya pinansin, malakas kong sinara ang pinto at pumasok sa kwarto para magpahinga, nakakahilo din kahit papano.

========

A/N: Thank you!!!

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now