Chapter 38

881 39 3
                                    

Dedicated to avryLvente salamat po sa pagbabasa po at pag vo-vote po. Thank you po talaga pati na din po sa patuloy pa din pong binabasa tong di kagandahang story ko. Salamat po

//

Janielle's Pov

Nakakaloka naman sa bahay na to ang boring. Yung yaya naman dito di nagsasalita may dila naman tapos si chase laging wala.

Ang boring!!!

Matawagan na nga lang si brian baka hindi sya busy.

Dinial ko yung number ni brian maya maya lang sumagot na din sya agad.

//
"Bakit po Miss Janielle?", tanong ni brian.

"Wag mo nga akong ma miss miss dyan tsaka yung 'po' pakitanggal po please", pagbibiro ko.

"Haha ok janielle", ang ganda pala ng boses ni brian tapos yung tawa nya ang manly.

"Ah, busy ka ba ngayon?", tanong ko sa kanya.

"Hmm, bakit?", tanong naman nya.

"Ang boring kase eh, may amusement park ba dito sa cereko?", tanong ko.

"Meron, gusto mo ba pumunta?", waahh ang manly talaga ng boses nya. Hehe pero may steven na ko eh.

"Syempre naman!", masayang sabi ko.

"Sige, antayin mo ko dyan susunduin kita",

"Ok, bilisan mo ha", utos ko then pinatay na yung call.

//

Nag ready na ko, sinuot ko yung jeans ko na maroon ang kulay tapos black na sando then red black na checkered at yung sapatos ko naman color white na converse.

Nag ipit ako ng buhok since matagal na kong di nag iipit simula nang mapunta ako dito. Tinira ko yung full bangs ko pero sa magkabilang gilid may konting mahaba.

Nag lip tint lang ako na red then konting powder, baka sabihin nyo di ako naligo. Ligo na ko, kanina pa.

After a minute nakarating na din si brian, di na sya pumasok nakaabang lang dun sa kotse nya.

"Mga ate aalis na po muna ako, pagdumating si chase pakisabi po na wag magalit", pagpapaalam ko sa dalawa. Alam kong magagalit si chase pero di naman hawak ni chase ang buhay ko tsaka napaka boring na kaya.

Lumabas na ko nang bahay, nakita ko si brian na nakasandal sa kotse nya, nginitian ko sya nung nakalapit na ko sa kanya gumanti rin sya ng ngiti tapos pinagbuksan ako ng pinto.

-----

"Nandito na tayo janielle", sabi ni brian, napaka manly talaga nito.

Tumingin ako sa labas, waahh ang ganda ang daming rides para syang Enchanted Kingdom pero di ko alam kung alin ang mas malaki kase di ko pa naman to napapasok.

Nandito pa din kami sa kotse kase naghahanap pa nang paparadahan si brian.

"Alam mo janielle", napatingin ako kay brian nang magsalita to "si Queen laging seryoso pero sobrang ganda pero may mas igaganda pa pala sya kapag ngumiti", sabi nya. Hindi ko sya masyadong maintindihan, eh magkamukang magkamuka naman kami. Pinag co-compare ba nya kami?

"I mean, nakikita ko kase sayo si Queen pero di yung seryoso. Sinasabi ko lang na Ang ganda nyo pareho", pagpapaliwanag nya. Nakita nya siguro yung expression ng muka ko kanina.

"Ah, haha. Nakakapagtaka no? Di kaya kambal kami? Haha", nasabi ko na lang tapos tumingin na ulit sa labas.

"Tara na janielle", sabi nya. Para kaming magkabarkada ni brian, hindi yung ang turi nya sakin superior kundi isa lamang barkada. Mas masaya sa feeling, ang formal kase nila lahat pagdating sakin.

"Brian, sakay tayong roller coaster", request ko kay brian. Napangiti naman sya then nag umpisa na kaming pumila.

Bago kami pumasok dito sa loob pumila muna kami sa labas at bumili na din ng ticket, pang lahatang rides na yung binili namin.

"Wah brian na eexcite ako", sabi ko sa kanya habang nandito na nakaupo sa ride na roller coaster.

------

"Brian ang sakit ng ulo ko", sabi ko sa kanya tapos umupo sa bench na malapit lang samin.

"Hahaha ang sakit sa tenga ha", sabi ni brian na natatawa.

"Wala eh di na napigilang sumigaw", sagot ko.

"Tara kain tayo", yaya ko kay brian.

Tumayo na ko at nag simulang maglakad hindi ko na inantay pang sumagot si brian pero nakaka ilang hakbang palang ako ng may hunawak sa braso ko. Paglingon ko biglang nanigas ang katawan ko at halata ang gulat sa mata ko.

Nakatingin sya sakin na walang emotion at sobrang cold na mata at may nakakatakot na aura.

"If you want to go outside, go out with me not with other man", sabi nya ng cold. Napaawang nang bahagya ang labi ko. Not With other man? Si brian yung kasama ko hindi other man yun.

"A-ah excuse me lang ha", sabi ko kay chase tapos hingit yung braso ko mula sa kanya, humihigpit kase ulit.

"Look chase, si brian ang kasama ko hindi other man. How can you say that in your friend?", kahit na natatakot ako kay chase sinagot ko pa din sya. Sa kanya ako sasama? eh? Eh busy nga sya lagi.

"Let's go", plain na sabi nya tapos hingit ako. The heck?! Yun lang ang sasabihin nya?

Napatingin ako kay brian at nakangiti sakin este samin pala ni chase. Ngiting nakakaloko, inirapan ko sya at sumabay na lang sa lakad ni chase.

"Hey! Bakit ako sasama sayo?", tanong ko kay chase pero para akong sira dahil hindi ko sya pinipigilan na kaladkarin ako.

"I am your guardian", sabi lang nya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Guardian your face!", malakas na sigaw ko sa kanya at binawi na yung kamay ko.

"Guardian? The heck! Chase! I know its dangerous to go outside without anyone with all of you but please lang chase, can you allow me to go outside without you?! Your suffocating me, your not acting as my guardian! Your acting as if you hold my life!", galit na sabi ko sa kanya, hindi ako masyadong sumigaw dahil nakakahiya yun. Now, i hate chase. He changed hindi sya yung chase na kilala ko.

Tinignan ako ni chase sa mata, gusto kong umiwas dahil nakakatkot yung titig nya at kinakabahan ako. Pero in the end nakipagtitigan din ako sa kanya na may galit.

After a few minutes, oo ganyan katagal yung titigan namin na wala namang kwenta. After a few minutes nag umaiwas sya ng tingin.

"Gusto ko ako lang kasama mo, Wala nang ibang lalaki", mahinahon na sabi nya pero sa ibang direksyon naka tingin, biglang kumabog yung dibdib ko nang malakas.

"A-ano?", gulat na tanong ko. Anong pinagsasabi nito?

"Don't get me wrong, pag na sakin akin lang", sabi nya tapos hinila ulit ako.

so in the end pride pa din talaga ang pinapairal nya. And so? Mas matino pa ding kasama si brian.

Chase Anson!!! Damn You!

========

A/N: ok lang ba? Hehe.

Please vote and comment po😊😊

The Queen of Badass and The Queen of KindnessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz