Chapter 15

1.2K 37 0
                                    

===Janielle===

"Hello steven, i'm sorry baka ma late ako mamaya, inutusan kase ako ni daddy na kunin yung kontrata sa ka business partner ni mommy", sabi ko kay steven na nasa kabilang linya.

"Saan ba yan?", Tanong nya.

"Sa Zeiriya's", sabi ko.

"Alam mo na ba yung papunta dun? Kabisado mo na ba ang daan? Hindi ka na ba maliligaw?", Napangiti ako dahil sa sunod sunod mga tanong ni steven.

"Wag ka mag alala kabisadong kabisado ko na ang daan papunta dun", sabi ko kay steven. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang napaka misteryong lugar na yun.

"Sige mag iingat ka ha", may pag aalalang sabi niya.

"Opo, sige na bye na para makarating ako ng maaga dun",

"Sige bye. I love you", napasinghap ako sa sinabi nya.

"I love you too", sabi ko. Kinikilig talaga ako sa tuwing sinasabi nya ang salitang I love you.

Nag da-drive na ko ngayon papunta sa zeiriya's ang layo pa naman nito nakakaasar baka malate pa ko sa date namin mamaya ni steven.

After a couple of minute nakarating din ako sa zeiriya's ipinarada ko na ang sasakyan ko sa may parking lot at bumaba na.

Tiningnan kong mabuti ang kabuuan ng restaurant na to, talagang napakalaki nya aabutin siguro ako ng isang araw para maikot ang buong restaurant na to but still... Napaka misteryo ng lugar na to.

Pagpasok ko sa loob nakita ko na naman ang mga takot na muka sa mga waiter and waitress akala ko ba ok na kami? Nakausap ko pa nga sila nung party pero bakit bumalik na naman sa dati?

"Ahh hey excuse me", sabi ko dun sa isang waitress, tumigil naman sya agad sa ginagawa nya halata ang takot sa mata nya kaya kumunot ang noo ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Where is Mr. Salazar?", Tanong ko sa waitress.

"A-ah n-nasa reserve table po s-sa may dulo", sabi nya. Napairap na naman ako. Nakakaasar, na bi-bwiset na naman ako.

Naglakad na lang ako muli at di na pinansin ang mga nakakabwiset na tauhan dito. Swear lumalabas na naman ang pagka maldita ko.

Pagdating ko sa may table na sinabi nung waitress nakita ko agad yung Mr. Salazar naka upo na at halatang inaantay ako, parang may pagkahawig ang suot nyang uniform sa mga waiter at waitress dito.

Pagkalapit ko sa kanya binasa ko ang tag name nya may nakasulat na manager. Ahhh kaya pala.

Nung makita nya ko bigla syang napatayo at halata sa mga mata nya ang gulat at takot. Asar!

"Where's the paper?", Inis na sabi ko, nakakainis naman talaga. Wala ka namang ginagawa sa kanila pero kung umasta sila kala mo papatayin ko.

"A-ah eto po... Q-queen", sabi nya.

What? Did she call me queen? How did she know that i am the queen? And sa school lang ako kilala na queen, how come?

"What did you say?", Tanong ko sa kanya.

"Ang alin po? Dun po ba sa signing contract?", Tanong nya, so kanina pa pala nya ko kinakausap.

"No, the... Queen", sabi ko. Napatakip naman sya ng bibig dahil sa gulat.

"S-sorry po Queen... I mean Miss. Deinielle", nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Deinielle? Tinawag nya kong dienielle? Queen? Deinielle?.

Queen Deinielle?

Magtatanong pa sana ako sa kanya kaso biglang may tumawag sa kanya na isang waiter na nagulat din ng makita ako.

"I-i'm s-sorry que-- Miss Dinielle may c-costumer pa po ako", sabi nya tapos lumakad na ng mabilis palayo sakin.
Ako? Eto naiwang tulala. Shit? Who's that deinielle? Bakit kinakabahan ako?.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant