Chapter 28

1K 33 0
                                    

Dedicated to Iam_DeAngel salamat sa pagbabasa at comment haha nakakatuwa lang. Thank you Talaga.


===Deinielle===

Nandito kami sa may HQ at pinag uusapan kung paano su-solusyonan yung problema ng school na to.

"Ano na? Ang tagal tagal na ng problema na to", sabi nung babae na ang pagkaka alam ko ay May ang pangalan.

"Yung ibang problema na solutionan na pero yung sa mga gangs hindi talaga sila nag papatinag", sabi naman ni dwayne.

"It's ok to me that they exist in this school", sabi ni dianne na nakangisi. I like her.

"Hindi ka nakakatulong Princess Dianne", sabi ni alice.

"Ayaw kase ni queen ang plano ko", napatingin ako kay steven, hindi ko nga alam kung anong plano nya. Pero dahil inayawan yun ni janielle i think yun ang gusto ko.

"Hindi nga naman kase maganda ang naiisip mo, makikigulo ka din sa kanila talagang magagalit si queen", sabi ni May. I don't think so.

"Ano na?", Tanong ni dwayne.

"All of you are good at talking but less in action", seryosong sabi ko na ikinatingin nila sakin lahat. Napataas naman ang isang kilay ni may sakin. Napansin ko lang may problema yata sakin to eh.

"Bakit may naisip ka na bang solusyon?", Tanong nya na naghahamon.

"Yeah", walang ganang sabi ko.

"What is it?", Tanong pa nya. Tinatamad na ko dito gusto ko nang lumabas. Tumayo ako at naglakad palabas.

"Ano nang solution mo? Wala yatang kwenta, bakit ka aalis? Di mo masabi?", naiinis ako sa sinabi ni may, ako naman ang gagawa hindi sya kaya hindi na dapat nyang malaman pa.

Sinamaan ko sya ng tingin na ikinagulat nya.

"I am the one who will do the action so don't you dare question it", may pagbabantang sabi ko. Medyo napaangat naman ang bibig nya.

"and I am also The Queen so don't also question it", sabi ko. Tapos lumabas na.

Paglabas ko pumunta agad ako sa G-Territory kung tawagin nila, dito tumatambay ang mga gangs ng school na to at the same time dito din nag aaway.

Pagkadating ko dun pinagtitinginan nila ko yung iba natakot yung iba naman napangisi. I am still the queen of this school kaya kilala nila ko.

"Its an honor to see the queen here", sabi nung isang lalaki na leader yata ng isang gang. Hindi ko sya pinansin at tumuloy lang ako sa loob.

May nakita akong nag aaway sa may gitna pero hindi ko yun pinansin naglakad lang ako sa mismong pinaglalabanan nila. Napatigil yung dalawang nag aaway at galit na napatingin sakin, dumiretso lang ako sa may pinakang unahan kung saan may makikita kang mini stage at may dalawang upuan parang para sa hari at reyna.

Tumahimik bigla ang lahat ng tao dito at nakatingin lang sakin. Umupo ako sa isang upuan na ikinagalit nung iba at ikinasinghap naman nung iba. Alam ko kung sino ang naka pwesto dito, hindi ako tanga para hindi malaman.

"Ang lakas naman ng loob mong umupo sa upuan ni queen", sabi nung isang lalaki. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Listen", sabi ko sa lahat. Nagtawanan naman sila tapos yung lalaking nagsalita lumapit sakin na ikinasigaw nilang lahat. Nang susuntukin na nya ko napigilan ko ang kamao nya na ikinagulat nya.

"LISTEN, i said", cold na bulong ko sa tenga nya na ikinafreeze nya.

Tinulak ko sya sa sahig na dahilan para matumba sya.

"I SAID LISTEN", malakas pero cold na sabi ko.

"Lahat kayo, gusto kong hindi kayo makikipag away sa school kung gusto nyo ng away edi sa labas kayo ng school walang makakapigil sa inyo", serysong sabi ko.

"Inuutusan mo ba kami? Oo ikaw ang queen ng school pero ng mga gangs hindi", napangisi ako sa sinabi nya, sigurado ba sya.

"Gawin nyo na lang kung ayaw nyong mapahamak", seryoso pa ring sabi ko.

Naglakad na ko pababa para umalis na pero hinarang nila ako.

"Ang pumapasok dito hindi na nakakaalis ng buhay", sabi nung lalaki.

"Go!", Sigaw nya tapos nag silapitan yung mga kasama nya sakin.

Sumugod sila ng sabay sabay, umupo at inihaba ko ang isa kong paa at umikot para matumba sila may tumayo agad na dalawa at susuntukin ako, umilag ako na dahilan para silang dalawa ang magkasuntukan sakto naman yun sa muka ng dalawa.

May lumapit saking isa, nung sisipain nya ko nahawakan ko ang paa nya at pinaikot ito na dahilan para mabali. Nagulat ako ng may narinig akong pagputok, yung isang lalaki may hawak syang baril at itinapat sakin napangisi na lang ako.

Unti unti akong lumapit sa kanya pero habang lumalapit ako nagpapaputok sya na iniilagan ko lang. Nanginginig na sya ng malapit na talaga ako sa kanya at nang tuluyan akong makalapit hinawakan ko ang baril at mabilis na pinaikot ang kamay nya para mabitawan ang baril. Nabali ang braso nya sa ginawa ko.

Naramdaman kong may mga susugod sa likod ko kaya humarap ako, lahat sila binigyan ko ng tig iisang daplis ng bala sa hita. Kahit papano masakit din yun.

Lahat ng tao dito ay nakangangang nakatingin sakin.

"I'm dead serious! Kapag sinabi ko sinabi ko!", Sigaw ko sa kanila.

"Susundin nyo ba ko o hindi?", Pasigaw na tanong ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot at nanatiling nakatayo lang.

Sa may pinakang dulo ng room na to may narinig akong pumapalakpak unti unti naman syang naglakad papunta sakin.

"Who are you?", Tanong ko sa kanya.

"I am the King of gang in this school", sabi nya. Parang kilala ko sya.

"Its nice to see you again, pero asan na ba ang bike ko?", Tanong nya, napaawang ng konti ang labi ko. Sabi na kilala ko sya.

"Mamaya ibibigay ko sayo", cold na sabi ko.

"Anong mapaglilingkod namin sayo?", Sabi nya.

"Hindi na kailangan, susunod na naman sila eh, diba?", Sabi ko sa kanila at tiningnan sila isa isa.

"Diba?!", Sigaw ko, sumagot naman sila lahat.

"O-opo", sabi nilang lahat.

"Hindi ko alam na ganyan pala si Queen Janielle", sabi nya na ikinangisi ko.

"Ngayon alam mo na? May i go out?", Sabi ko sa kanya.

Pero bago sya sumagot inakbayan nya ko at binulungan.

"Yung bike ko ha", sabi nya ng nakangiti.

"Oo na!", Inis na sabi ko, natawa naman sya bigla ng malakas. Para syang si chase at nakakainis yun.

Naglakad na ko palabas dun, paglabas ko parang may kakaiba akong naramdaman. Tumingin tingin ako sa paligid para mag masid.

NaGkabit balikat na lang ako ng wala akong nakitang tao.

Ang sarap sa feeling na nabanat ulit ang buto ko.

Solve the problem.

=======

A/N: please vote and comment salamat

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now