Chapter 19

1.1K 39 0
                                    

===Deinielle===

Naalimpungatan ako ng maalala ko na nasa ibang bahay nga pala ako.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at napansin ko ang suot kong dress na color red sakto lang sya sakin at bagay.

Pumasok ako sa cr para maghilamos naghanap din ako sa mga drawer ng toothbrush na hindi pa gamit.

Pakapalan na ng muka kesa naman sa hindi ako mag toothbrush.

Nagbuklat buklat din ako ng aparador dito sa kwarto ni janielle para magpalit dahil kailangan ko.

Muntik ko nang sirain ang aparador na to ng wala akong mahanap na jeans at shirt buti na lang talaga may nakita ako yun nga lang simple long sleeves ang nakita ko hindi t-shirt. Nagsuot na lang ako ng jeans at white long sleeves, then buti may rubber shoes sya. Sinuklay ko lang ang buhok ko tapos lumabas na ng kwarto na to.

"Princess", tawag sakin nung manang yata. Hindi ko sya sinagot basta naglakad lang ako pababa. Kailangan ko nang umalis.

"Princess, sumagot ka naman yung mommy mo nandyan sa baba", sabi nung manang.

"Mommy? Sino ba kayo? Bakit nyo ba ko tinatawag na princess?", Inis na sabi ko sa kanya. Nagulat sya pero umiling na lang.

"Princess naman, wag kang mag alala babalik din yang alaala mo", medyo kinakabahan na sabi nung manang.

"Stupid! Ako walang maalala? Sorry to say pero hindi ko talaga kayo kilala", inis na sabi ko tapos bumaba na ng hagdan.

"And one thing... Salamat sa pag aalaga sakin", sabi ko tapos bumaba na ulit ng mabilis, kahit papano kailangan ko pa din mag pasalamat.

Nung makababa ako may lumapit sakin na babae nasa 40+ na siguro. Maganda sya, simple at mukang may ari ng bahay na to.

"M-my princess", sabi nya ng naiiyak tapos niyakap ako. Pumalag naman ako dahil hindi ko naman sya kilala. Sino ba kase yang princess na yan? Kamuka ko ba yun?.

"Ahh hindi ko kayo kilala", sabi ko nung nilayo ko sya sakin "excuse me", dagdag ko pa, maglalakad na sana ako ng yakapin nya ang likod ko.

"My princess... Don't leave please. Hindi ko alam gagawin ko kapag nawala ka", sabi nya at halata sa boses nya ang lungkot at iyak.

"I really don't know you miss", sabi ko habang nakatalikod. Aalisin ko na sana ang pagkakayakap nya sakin mula sa likod ng magsalita sya muli.

"Janielle... Don't leave", napaawang ng konti ang bibig ko.

Janielle? Sya na naman? Sino ba sya?

"Who is janielle?", Tanong ko sa kanya ng makawala ako sa pagkakayakap nya.

"You, ikaw, my princess", sabi nung babae.

Hindi ako agad nakapag react ng hilahin nya ko sa living room at paupuin sa sofa.

The heck?! Who is janielle?

Sino sya? Shit! Naguguluhan na ko.

"My princess here. Ipapaalala ko sayo kung sino ka", sabi nya tapos binuksan na yung isang photo album.

Una kong nakita dito ay ang isang cute na baby.

"Ikaw yan nung baby ka, naalala ko sobrang saya ko ng ipinanganak kita", sabi nung babaeng katabi ko.

Hindi ko alam ang muka ko nung baby pa ko kaya hindi ko malaman kung ano ba ang pagkakapareho namin ng janielle na yan.

"Eto ka naman nung nasa 7 years old ka na, diba ang ganda mo", sabi nya tapos nakita ko ang isang babae ang naka dress, naka braid at may crown pa. Prinsesang prinsesa talaga ang dating nya mahahalata mo din sa muka nya ang saya.

Ano na yung muka nya ngayon?

Marami pa sya ang pinapakitang picture sakin pero habang pa edad ito ng pa edad unti unting lumalakas ang tibok ng puso ko. Gusto ko nang makita si janielle, sana mali ang iniisip ko.

"At ito princess nung sweet sixteen mo, ang ganda ganda mo nun, ang cute ng gown mo bagay na bagay sayo", masayang sabi nang katabi ko.

Nung bubuklatin na nya yung isang page panay ang lunok ko sa laway ko.

Shit sana mali... Sana mali...

Nung tuyan ng nalipat yung isang page napanganga ako sa nakita ko.

No! Hindi pwede! Paanong nangayaring kamuka ko sya? Ano ko ba sya? Bakit magkamukang magkamuka kami?.

"Diba princess ang ganda mo", sabi nung babae. Tumingin ako sa kanya na umiiling iling.

"No!", Matigas na sabi ko tapos tumakbo na palabas.

May humabol naman sakin, guard yata lalo kong binilisan ang takbo ko.

May nakita akong isang lalaking nag ba-bike kaya hinarangan ko sya.

"Miss tabi!", Sigaw nya pero hindi ako tumabi. Buti na lang nai-preno nya agad.

"Miss ano ba~~",

"Pahiram muna", sabi ko tapos tinulak sya paalis sa bike, mabilis ko namang nakuha yung bike kaya pinaandar ko na sya ng sobrang bilis.

"Miss! Hoy!", Dinig ko pang sigaw ng lalaki. Wag ka mag alala babalik to sayo.

=======

"Chase!", Sigaw ko sa kabikang linya.

"Deiny? Is really that you?", Tanong ni chase sakin.

"Isn't obvious?", Sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Seriously?", Tanong pa nya ulit.

"Chase!", Nagbabantang sabi ko sa kanya.

"Is this my dein?", Tanong pa nya. Nang aasar ba to?

"Fuck you chase this is me!", Sigaw ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa payphone buti na lang kumuha ako ng pera sa kwarto yata ni janielle.

"Shit! This is really my queen", sabi nya na sobrang saya. Bwiset sila! Bakit pinabayaan nila ako? Bakit hindi nila ko hinanap?

"Gago ka chase! Bakit hindi mo ko hinanap?!", Sigaw ko sa kanya.

"Hinanap ka namin queen", sabi nya.

"Hindi nyo ko hinanap nagising na lang ako nasa ibang kwarto na ko!", Sigaw na sabi ko sa kanya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Hinanap ka nga namin queen, sa katunayan nga... Nandito ka eh", napanganga ako sa sinabi nya. Don't tell me ang taong nakabungguan ko ay si janielle.

"Is that janielle?", Diretsong tanong ko.

"How did you know?", This time seryoso na ang tono ni chase.

"Because they always calling me on that fucking name!", Inis na sabi ko.

"Kamukang kamuka mo sya queen", seryosong sabi ni chase.

"I know and i don't know how's that happened", cold na sabi ko.

"I'll text you where i am, come here as soon as possible", utos ko kay chase.

"Ok queen", sabi nya tapos pinatay na yung tawag.

Shit! I need calix. I need to know who is she? Kailangan kong malaman kung bakit kami magkamuka?

Who are you Janielle?

=================
A/N: annyeong haha. Sorry panget yung story pero kahit ganun binabasa nyo pa din. Salamat.

Please vote and comment

The Queen of Badass and The Queen of KindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon