Chapter 26

1K 37 3
                                    

I dedicated this chapter to carylkeithsalcedo. Salamat sa vote and comment :D

===Deinielle===

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung pano pakikitunguhan si steven halos 1 month na din ang nakalipas pero ang cold ko pa din sa kanya.

"My Queen", sabi nya sakin.

"Why?", Cold na tanong ko. Nandito kami ngayon sa HQ, ayokong mag klase ngayon nakakatamad kaya. Sabi ko kay steven na dito muna ako sinamahan naman nya ko.

"Alam mo nakakapanibago ka, sa lahat ng bagay ito ang di mo magagawa", sabi nya sakin.

"Hindi ko din alam kung anong nangyayari", sabi ko ng cold. Ang ibig nyang sabihin ay ang pagiging cold ko.

"Queen", sabi nya tapos inilapit yung muka nya sakin as in ang lapit konting galaw ko na lang mahahalikan ko na sya.

Fuck you steven! Kung hindi lang ako nagpapanggap bilang si janielle kanina pa kita binalibag.

"I miss you", sabi nya sa mismong muka ko. Shit! Ang init ng hininga nya tapos ang bango. Aish!

"A-ano", sabi ko tapos pilit na tinutulak sya ng mahina pero hindi pa din sya umaalis.

"I love you", sabi nya. Hindi ko alam ang mararamdaman kase hindi naman para sakin yun, pero bakit ganun? Nasasanay na kong sabihan nya ng i love you.

"Steven", mahinang sabi ko, inalis na din nya yung muka nya harap ko tapos humiga na lang sya, yung ulo nya nasa hita ko. Nakaupo kase kami sa may sofa.

"Matutulog lang ako", sabi nya, hindi na ko umangal mas mabuti na nga lang na matulog na lang sya.

Hinawakan ko yung pisngi nya at hinimas himas ito minsan lang naman eh. Nakakainis ka steven! Pero mas nakakainis ang sarili ko, naaawa ako sayo steven dahil ang cold sayo ng taong mahal mo.

Alam kong obligado ko na gampanan ang tungkulin ni janielle pero minsan hindi ko magawa lalo na sayo steven.

Hindi ko alam kung paano magmahal si janielle at hindi ko alam kung paano magmahal ng higit pa sa sarili ko.

Unti unti na ding bumababa ang talukap ng mata ko. Inaantok na din ako.

--------

===Steven===

Ramdam na ramdam ko ang kamay ni janielle sa pisngi ko gusto kong ngumiti pero alam kong alam nya na tulog na ko kaya nya ginawa yun.

Ang laki talaga ng pinagbago ni janielle. Lagi na syang tahimik, cold, poker face at minsan nakakatakot ang aura nya. Halata ko sa kanya ang papipigil sa sarili kapag naiinis sya.

Janielle... Nasa tabi nga kita pero parang ang layo mo pa din.

Unti unting humihina ang pag himas ni janielle sa pisngi ko kaya nagmulat ako nakita kong nakapikit na sya.

Napangiti ako ng bahagya, ang amo talaga ng muka nya kapag natutulog. Pinagpalit ko ang pwesto namin, sya naman ang inihiga ko at ako naman ang umupo.

"Janielle... Please comeback", mahinang sabi ko sa kanya.

"I'm sorry", sabi ni janielle habang natutulog. Nananaginip ba sya? Kanino sya nag so-sorry? Bakit ang sincere ng sorry nya na akala mo may ginawang malaking kasalanan.

Naalala ko nung nakaraang araw napaka cold nya samin kahit isang ngiti hindi nya ginagawa kapag naman bumabati ang mga kaibigan nya sa kanya hindi nya pinapansin.

Ano bang nangyayari kay janielle? Alam kong maaring mag bago ang kilos nya dahil sa amnesia pero bakit parang buong pagkatao ang nagbago sa kanya?

Lumipas ang ilang oras at nagising na din si janielle, kinurap kurap pa nya ang mata nya bago umupo ng maayos.

"Ikaw yung nakahiga diba?", Inosenteng sabi nya.

"Mas importante ka kaya dapat ikaw ang nakahiga", sabi ko sa kanya. Wala naman syang binigay sakin na kahit isang expression maliban lang sa pagkunot ng noo na nawala din.

"Hindi ka pa ba papasok?", Tanong nya sakin.

"Hindi pa as long as na hindi ka pa din papasok", sabi ko, as usual ang expression less lang na muka ang binigay nya sakin.

Janielle? Kailan ka babalik?

===Deinielle===

Hindi ko alam kung paano mag rereact sa mga sinasabi ng lalaking to, bakit ba ang sweet nya? Ang hirap tuloy makahanap ng maisasagot.

"Kumain ka na ba?", Tanong sakin ni steven.

"Oo naman", sabi ko kahit hindi naman talaga, kase naman pipilitin nya kong kumain kapag sinabi kong hindi pa.

"Good", sabi lang nya.

So lost, i'm faded

I'm faded

So lost, i'm faded

Nagkatinginan kami ni steven bago ko kinuha sa bag ko ang phone ko.

"Wait lang", sabi ko tapos lumabas.

Tumatawag sakin si amada.

"What is it?", Tanong ko agad sa kanya.

"Queen, Nagkalat na po sa buong pilipinas ang Seraph at hinahanap talaga nila kayo", sabi ni amada.

"Hmm... Just let them be mapapagod lang sila", sabi ko kay amada.

"Ok po Queen", sabi nya. Pinatay ko na ang tawag nya, Seraph can't find me, mahigpit yata ang pagtatago ko.

Bumalik na ko sa loob at umupo ulit sa tabi ni steven.

"Who is that?", Tanong nya.

"Butler Cole", pagsisinungaling ko. Tumango lang sya.
Nagulat ako sa sunod nyang ginawa, niyakap nya ako bigla.

"I really miss you queen... Please, comeback to me", sabi nya, bakas sa boses nya ang sobrang lungkot. Hindi ko alam ang isasagot ko pero... Ang tanga ko.

"I-i miss you too", nasabi ko bigla. Bakit yun ang lumabas sa bibig ko? Siguro dahil na din sa kasalanan ko sa kanya. Totoo naman eh, kung pinabalik ko lang si janielle dito hindi sana mahihirapan si steven ng ganito.

"Can you come back?", Tanong nya sakin nung tanggalin na nya ang pagkakayakap sakin.

"O-of course", sabi ko. No choice na ko, kailangan ko na lang panagutan ang pinaggagagawa ko.

Inilapit ni steven ang muka nya sakin, hindi ako sigurado kung anong gagawin nya basta nagulat na lang ako sa sunod na nangyari...

He kissed me... Pero sa pisngi lang

"I love you", sabi nya sakin tapos ngumiti.

"I-i love you too", sabi ko tapos... Argh! Ngumiti ng pilit. Kailangan kong gawin to.

Basta siguraduhin ko lang na hindi ako ma in love dahil kapag nagkataon baka ako pa ang mahirapan sa huli.

=========
A/N: sino gusto nyong mag partner? Si Steven at Janielle? O si Steven at Deinielle?

The Queen of Badass and The Queen of KindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon