Chapter 22

1.1K 36 0
                                    

===Deinielle===

Ito ang pinakamahirap na gagawin ko sa lahat, ever!

"Eh ano naman po ang katangian ni janiel~~ err i mean katangian ko dati?", Tanong ko kay manang salume. Salume pala ang name nya.

"Nako napakabait mong bata, lagi kang nakangiti, napaka lambing mo at hindi ka nauubusan ng kwento", sabi nya ng nakangiti.

Seriously? Kailangan ko bang gawin yun? Aish!

"Sige manang ok na yun tataas na ko", sabi ko ng walang gana.

"Wala ka bang gustong kainin? Juice? Sandwich?", Tanong ni manang. Hayy! Kailangan ko ng maiinom.

"Ah orange juice", seryosong sabi ko.

"Sabi na sasabihin mo yan eh paborito mo talaga ang orange juice", sabi ni manang. Totoo? Buti naman kung ganun dahil hinding hindi ko pipilitin ang sarili ko na kainin ang ayaw ko.

"Sige manang tataas na ko padala na lang sa kwarto ko", sabi ko kay manang tapos tumaas na.

Ang hirap magpanggap, hindi ako marunong ngumiti, wala akong kwento, hindi ako madaldal at hindi ako malamabing.

Ang laking opposite naman naming dalawa.

Pagdating ko sa kwarto ni janielle sumalampak na ako sa higaan.

"Haayy! Janielle your so weird", nasabi ko na lang sa sarili ko.

Maya maya lang dumating na din yung juice na pinatimpla ko kay manang.

Tok tok tok

"Princess", tawag sa akin mula sa labas.

"Come in", sigaw ko.

Bumukas na yung pinto at iniluwa nito yung mommy ni janielle.

"Princess i need to go back to korea, kailangan kong asikasuhin ang business natin. Pakabait ka dito ha", sabi nya ng malungkot.

"Sana bumalik na yang alaala mo pag kauwi namin ng daddy mo", sabi pa nya ulit. Naaalala ko tuloy si mommy, sabi nya babalik daw sya agad nung pinapagalitan nya ko samantalang di na naman bumalik.

"O-ok po mommy", yun lang ang tanging na sabi ko.

"Bye princess", sabi nya tapos hinalikan ako sa ulo. Sumilip muna sya sakin saglit bago tuluyang lumabas.

Dinial ko yung number ni chase para itanong kung ano nang nangyari kay janielle.

"Yes queen?", Sabi ni chase na parang ewan. Chase is chase laging malakas ang energy.

"How's Janielle?", Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang sya queen pero... Ano, alam na nya ang tungkol sa gang", what?

"Stupid chase! Paano nya nalaman?!", Inis na tanong ko kay chase.

"Kase... Sinabi ko", malumanay na sabi nya.

"Fuck you! Chase!", Yun na lang ang tanging nasabi ko.

"Queen, kailangan din nyang malaman, nagpupumilit syang umuwi kaya yan sinabi ko para maniwala sya na mapapahamak lang ang buong pamilya nya kapag umuwi sya", pagpapaliwanag ni chase. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige, ikaw na bahala. Bantayan nyo sya. Kapag may nangyaring masama sa kanya lahat kayo damay. Sabihin mo na din sa kanya na kailangan ko paring mag-aral",

"Opo queen masusunod po", sabi ni chase na parang bata.

"Bye na", sabi ko tapos pinatay na yung tawag.

"Princess", napalingon ako sa may pinto. Sino kaya yun? Lalaki ang boses nya eh.

"Who's that?", Tanong ko.

"Butler Cole po", sabi nya. Butler cole? May butler dito? Bakit ngayon ko lang sya nakita?

"Come in", sabi ko tapos bumukas na yung pinto at tumayo ng medyo malayo sakin. Ahh sya pala yung lalaking nandito nung paggising ko.

"Why?", Diretsang tanong ko.

"Princess, kailangan nyo na pong pumasok bukas", sabi nya. I knew it, alam kong hindi ako makakatakas sa school na yan.

"Ok, you may go now", sabi ko. Tumango naman sya tapos lumabas na din.

"School... is the hardest", nasabi ko na lang. Totoo naman, nakakasiguro akong maraming kakilala tong si janielle sa school at kailangan ko din silang makilala at pakisamahan. Arrgh! I hate it!

Tok tok tok

Takte! Sino na naman ba yan?.

"Come in!", Inis na sigaw ko sa labas. Nakaka inis na.

"Q-queen", sabi nung nagbukas ng pinto. Tumakbo sya papunta sakin tapos niyakap ako.

"Queen... I really miss you", sabi nya. The heck! Arrgh! Inalis ko ang pagkakayakap nya sakin para matanong ko kung anong pangalan nya, nung makita ko ang muka nya...

"You?", Ang tangi kong nasabi. Sya yun, sigurado ako na sya yung nakabangga ko sa mall yung parang ewang umiyak.

"Q-queen natatandaan mo ko?", Tanong nya na parang tuwang tuwa.

"N-no", sabi ko. Ngumuso naman sya na ikinairap ko.

"Sana queen maalala mo na kami", sabi nya. Hayyy! Ang kailangan ko ay matandaan kayo.

"Ako pala si Alice, sa school ako ang Childish Princess at ikaw ang Queen... Queen of Kindness", sabi nya. Napasapo naman ako sa noo ko. Pati ba naman sa school nila may Royalties din? Tapos si janielle pa ang Queen of Kindness. Shit! Kailangan kong magpakabait.

"Ahhhh. Sino naman yung iba?", Tanong ko. Syempre sa royaltiess may princess, prince, queen and king. Kahit papano kailangan may alam ako sa kanila.

"Si dianne yung isa pa sa princess, sya ang Playful Princess, makulit yan queen lagi akong niyaya mag cutting pero hindi ako sumasama kase takot ako tapos queen lagi syang sumusuway sa rules sa school, minsan ang taray taray nya", pagkwe-kwento ni... Alice ba?. Kung sino man ang dianne na yan i'm so proud of her.

"Then si Prince Dwayne and Cassanova Prince, sya naman napaka babaero kaya nga cassanova eh pero kahit ganun queen kilala ko si dwayne hindi sya gagawa ng kalokohan", sabi nya. Ok? I don't care.

"Si Prince Echo naman sya naman ang Cold Prince, napaka cold nyan queen, kung walang kwenta ang taning mo hindi ka kakausapin tapos ayaw din nya makipag usap ng makipag usap", sabi ni alice. I understand whoever that Echo.

"Then si King Steven naman, ang gwapo nyan queen. Sa totoo lang mas cold yan kay echo tapos nakakatakot sya lagi. Pero queen dati yun, nung wala ka pa sa school natin ngayon", huh? Anong ibigsabihin nya dun?

"Dahil sayo nagbago si King nung nakilala ka nya minahal ka nya ng sobra ganun ka din naman sa kanya, miss ka na nga daw nya eh", napanganga ako sa sinabi ni alice.

No way! Hindi pwede yun. Ibigsabihin kailangan ko ding magpanggap na gusto ko sya.

Waaaaahh!

Pwede bang magpalit na kami ni janielle?

=============

A/N: hello, vote naman kayo ang comment na din. Thank you

The Queen of Badass and The Queen of Kindnessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن