Chapter 36

909 32 0
                                    

Deinielle's Pov

"Alice let's go", seryosong sabi ko kay alice na di makapaniwala sa nangyayari.

Nakayuko kami habang tumatakbo at halos lahat ganun ang ginagawa dahil patuloy padin ang pagputok ng baril.

" Queen!", rinig kong boses ni steven. Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko para sa hanapin si steven nung nakita ko na sya kasama sila dwayne tumakbo kami ni alice papunta sa kanila.

"Delikado na dito", sabi ni dwayne.

"Umalis na tayo, bilis", sabi ko. Nagsitakbuhan naman kami papunta sa sasakyan namin.

Pagdating namin sa kotse ni dwayne napansin kong wala si dianne

"Where is dianne?", pag aalalang tanong ko.

"Damn! Where is she?!", inis na tanong ni echo. Binuksan ko yung kotse tapos lalabas na sana ko kaso may humawak sa braso ko.

"Where are you going?", tanong ni steven.

"Hahanapin si dianne", sabi ko.

"Delikado!", napalakas yung boses dun ni steven. Napabuntong hininga ako at bumalik sa loob.

"Kami ni echo ang maghahanap", sabi ni steven. Hindi ko sya pinansin, bahala sya sa buhay nya.

Umalis na sila ng hindi ko pinapansin.

"Q-queen! O-ok lang kaya si dianne?", mangiyak ngiyak na tanong ni alice.

"Yes, she will be ok", siguradong sabi ko.

"Dwayne, umalis tayo dito. Humanap ka ng ibang pag pe-pwestuhan yung hindo tayo mapapansin", utos ko kay dwayne.

"Paano sila King?", tanong ni alice

"Ite-text na lang natin", sabi ko then sinenyasan ko na si dwayne na umalis na.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si amada.

//

To: Amada

Find diane. Now!

Wear another mask, ok?

//

Kailangan hindi pang Demon Fang Gang ang mask na suotin ni amada dahil makikilala sya nila rex. Mas lalong magiging delikado dahil baka madamay si dianne.

May naramdaman akong nag vibrate, si amada siguro yun. Di ko na lang pinansin.

Maya maya lang nakarating kami sa medyo tagong lugar na di masyadong matao at tahimik lang. Medyo malapit din to sa mall.

"Alice, text mo na sila", utos ko kay alice at ginawa naman nya agad yung sinabi.

Binuksan ko yung pinto ng kotse at palabas na sana kaso...

"Where are you going Queen?", tanong ni dwayne sakin then napatingin naman sakin si alice.

"Dyan lang sa labas, antayin nyo ko dyan. Wag kayong lalabas", seryosong sabi ko.

"No Queen!", seryosong pigil sakin ni dwayne. Hindi pwedeng hindi.

"Don't. Say. No. To. Me", seryoso at madiin kong sabi kay dwayne habang nakatitig sa kanya ng masama.

Nakita ko ang naging reaction ni dwayne sa naging asal ko pero di ko na pinansin yun at hinigit ko na yung kamay ko tapos tumingin kay alice na nakatingin pa din sa amin ngayon.

"Text mo na", plain lang na sabi ko kay alice. Nagulat naman sya kaya nabitawan nya yung phone nya pero pinulot din agad.

Tuluyan na kong lumabas at sinara yung pinto, tumingin muna ko kay dwayne para senyasan syang bantayan si alice.

Alam kong naninibago sila sakin pero mas seryoso ang sitwasyon ngayon.

Mabilis akong tumakbo papunta sa tinext ko kanina kay calix, medyo malapit lang to sa sasakyan ni dwayne.

"Queen", salubong sakin ni calix.

"Asan na?", tanong ko kay calix tapos nilahad ko yung kamay ko na parang may hinihingi.

May inabot sya saking mahabang coat na color black na aabot hanggang sahig at may hoodie na mahaba na sakto lang, para takpan ang kalahati ng mata ko then sa likod ng coat na to ay may Black Dragon design, our signs.

May inabot pa saking mask si calix.

"I have to go, protect them", turo ko sa sasakyan nila dwayne. Hindi kami kita dito pero kita sila dito, gets?.

Umalis na ko at pumunta sa mall, kailangan kong tapusin ang laban ko sa Seraph of the Blood Gang, ito ang misyon ko. Dahil madami na ding inosenteng tao ang nadadamay.

Oo pwede nang pumatay ng kahit sino ngayon dahil Greatest Gang Fight na, basta pag pumatay ka ng inosenteng tao siguraduhin mong hindi ka magpapahuli.

Hindi naman ako mapapansin nila steven kung sakaling makita nila ako dahil taklob na taklob ang katawan ko kaya hindi makikita ang panloob na suot ko.

Pagdating ko sa mall binuksan ko yung pintuan ng dalawang kamay ko, magkabilaan kase yung pinto. Nung tuluyan na kong nakapasok binunot ko yung dalawang baril ko na Semi-Automatic Pistol sa magkabilang hita ko, syempre bago ako umalis sa sasakyan ni calix lahat ng kailangan ko ni ready ko na.

Habang papasok ako may napapatingin sakin na mga taong tumatakbo palabas, may nakikita din akong inosenteng tao ang bumabagsak sa sahig dahil natamaan ng bala.

Pumwesto ako sa may stage kung saan ginaganap yung pag mo-model kanina.

Nakayuko lang ako at pumikit tapos mabilis na pinuwesto ang magkabilang hawak kong baril sa target ko na nasa taas.

Nang maramdaman kong sakto na yung pagkakatutok ko pinindot ko kaagad yung trigger, syempre pabilisan to dahil nakatutok din yung baril nila sakin kanina.

Bumagsak yung dalawa na binaril ko na mula sa may second floor. Asan ba si rex?, kailangan na namin mag tuos.

"Rex! Tigilan mo na to! Magtuos na lang tayo!", malakas na sigaw ko sa loob ng mall na to kaya yung mga tao ay lalong natakot at mabilis na nagsitakbuhan.

"HAHAHAHAHA",malakas na tawa ang narinig ko na ikinatahimik dito sa mall. Nakikita ko yung mga tao, matanda o bata ay nangingig sa takot.

"My Queen! Lumabas ka din sa wakas! Ha ha ha ha ha", sabi ni rex tapos tumawa. Nakita ko si rex na nasa 2nd floor at may hawak na isang babae na ikinagulat ko.

Damn! Amada, where are you? Anong ginagawa mo?

Lumingon lingon ako sa paligid tapos may nakita akong isang babae sa may 2nd floor na may hawak na sniper, di sya kita ng iba dahil tagong tago sya.

Napansin ko sya kase ako ang nagturo sa kanya kung pano mag tago, oo si amada ang babaeng nakita ko na may hawak na sniper. Nakatapat ang sninper nya kay rex, di na nya kailangan pa ng red dot o laser dahil magaling si amada sa baril.

"At sino naman yang binibining hawak mo?", seryosong tanong ko kay rex. Kilala ko kung sino ang hawak nya dahil ito ay si dianne.

"Ang ganda nya Queen no?", sabi sakin ni rex tapos hinawakan yung pisngi ni diane.

"Mas maganda ka rex, kung mamatay ka na", seryosong sabi ko. Kung nandito man sila steven di nila makikilala boses ko dahil ang cold na boses ni deinielle ang maririnig mo.

"Then, let's settle this", sabi ni rex ng nakangiti tapos sasaksakin na sana si dianne sa may tiyan kaso biglang may tumamang baril sa kutsilyong hawak ni rex kaya nabitawan nya yung kutsilyong hawak nya.

Napaatras si rex tapos yung mga ka gang naman nya ay hinahanap kung saan nanggaling yung bala.

Ginamit ko na yung pagkakataon na to para makaakyat sa 2nd floor. Tinaas ko yung kamay ko at nag sign para makita ni amada.

Ibigsahin ng sign na yun is buy me a time.

Umalis na ko sa pwesto ko at tumakbo papunta sa may hagdan.

==========
A/N: hello po.

Please vote and comment po

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now