Chapter 23

1.1K 35 2
                                    

===Janielle===

"Tara na chase bilisan mo, gusto ko nang pumasok", sabi ko kay chase na nag bobotones ng uniform nya. Dito sya natutulog sa bahay ni deinielle syempre magkaiba kami ng kwarto. Nasa guest room sya.

"Eto na eto na", sabi nya tapos kinuha na yung bag nyang backpack at isinabit sa balikat nya.

Pumasok na kami sa kotse nya bago nya i-start yung makina sinuklay suklay muna nya yung buhok nya gamit ang kamay nya.

Ang gwapo talaga ni chase promise, lalo na kapag gulo gulo ang buhok nya. Hindi ko sya gusto ha, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Baka naman matunaw ako", sabi nya ng nakangisi. Inikot ko na lang yung mata ko.

"Bilisan mo na nga lang", pagatataray ko.

"Opo boss, kung ma excited kala mo dun sya nag aaral", sabi nya. Tumawa na lang ako ng mahina. May point nga naman sya.

Eh kase kahit papano makakaaalis na din ako ng bahay ni deinielle lagi kase akong nandun.

Pagdating namin sa school pinark na ni chase yung sasakyan nya ako naman bumaba na agad sumunod naman sya sakin.

"Wow, eto ba ang school ni deinielle? Ang ganda", manghang sabi ko. Ang totoo mas malawak ang Montagues Academy pero maganda ang pagkakatayo ng school na to para syang pa letter C tapos ang daming building.

"Laway mo", sabi ni chase tapos nilagay nya yung palad nya sa ilalim ng baba ko. Tinapik ko yung kamay nya at sinamaan sya ng tingin.

"Epal ka", sabi ko, tumawa naman sya ng malakas. Sa totoo lang kanina pa kami pinagtitinginan ng estudyante dito, ay mali kay chase lang pala tapos yung iba masama ang tingin sakin. Problema nila?.

Habang naglalakad kami tinu-tour narin nya ko sa school na to. Hanggang sa makarating ako sa room ko na nasa 5th floor. May elevator naman kaya hindi kami nahirapang umakyat ni chase.

"Dito na yung room", sabi nya sakin nang tumigil kami sa harap ng room na sinasabi nya.

"Hindi tayo mag classmate?", Tanong ko.

"No, nasa fifth section ka", sabi nya sakin. Eh anong section nya?

"Ikaw ano section mo?", Tanong ko kay chase.

"One, matalino ako", proud na sabi nya.

"Mas matalino ako", sabi ko tapos tumalikod na sa kanya. Narinig ko naman syang tumawa, kahit kailan talaga ang yabang nun kesyo daw sobrang gwapo nya, ang talino nya, ang hot daw nya at kung ano ano pa. Laging pinupuri ang sarili.

Umupo ako sa may pinakang dulong upuan dahil yun na lang ang bakante. Hindi ako komportable sa inuupuan ko dahil sa mga tingin ng estudyante sakin. Ano ba talaga problema nila?.

Kinuwit ko ang katabi kong babae na maganda at mahaba ang buhok, lumingon naman sya sakin.

"Ahhh. Ano palang pangalan mo?", Tanong ko sa kanya na ikinagulat nya pero sumagot din agad.

"AC Salazar", sabi nya.

"Amm! Sorry hindi kita kilala kahit na... matagal ng nagsimula ang school year", sabi ko. Tama ba ang pinagsasabi ko? Sabi ni chase magpanggap na lang daw akong may amnesia.

"O-ok lang hindi naman bago yun... Lahat naman kami dito hindi mo kilala simula pa dati", napanganga ako sa sinabi nya. Totoo? Anong klaseng tao ba itong si deinielle? Ay oo nga pala leader sya ng number 1 gang dito sa buong pilipinas. Pero kahit na, bakit wala syang kilala kahit isa?.

Bumukas bigla yung pinto at inilabas nito ang isang teacher.

"Good morning class", sabi nung teacher, balak ko sanang tumayo kaso kahit isa walang tumayo.

"Goodmorning ma'am Sia", sabi nila nang nakaupo. Ganto ba ang greetings dito?.

"Ahhh Miss Parkinson", tawag sakin ni ma'am sia daw. Alam ko ang tunay na pangalan ni Deinielle kaya alam kong ako ang tinatawag ni ma'am.

"Yes ma'am?", Nagtaka naman ang mga classmate ko sa sinabi ko. Ano nakakataka dun? Don't tell me kapag tinatawag si deinielle wala syang pakielam?

"Sabi sakin ni Mr. Ansson na naaksidente ka daw at nag karoon ng amnesia", sabi ni ma'am. Tumango lang ako bilang sagot.

"I am your teacher in science Mrs. Sia Sandoval", sabi ni ma'am. Tumango lang ulit ako. Kahit papano halata sa mata ang gulat ni ma'am pero iniiwasan nyang mahalata ko.

Nagturo na si ma'am syempre active ako, kailangan kong mapunta sa section 1 para mahabol si chase ang yabang eh.

"Ok class ano ang General Formula for Charle's Law?", Tanong ni ma'am. Yes alam ko ang sagot. Tumaas ako ng kamay.

"V sub 1 over T sub 1 equals to V sub 2 over T sub 2", sagot ko kay ma'am, halos matawa na ko sa naging reaction nilang lahat buti na lang napigilan ko. Kase naman gulat na gulat silang lahat.

"T-thank you Miss Parkinson", sabi lang ni ma'am tapos nag turo na ulit.

Halos taka at gulat ang makikita mo sa mga muka ng classmate at guro ko. Breaktime na ngayon nakapag klase na kami ng Science at math after break last subject na which is Filipino.

"Ac sabay na tayo mag break", sabi ko. Medyo close na kami pero hindi parin nya maiwasan ang mailang

"Sige", sabi nya tapos lumabas na kami. Nagkekwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa canteen. Nung pumila kami ni ac nagulat yung mga nakapila tapos binigyan kami ng daan papunta sa pinakang unahan ng pila.

"Hala! Hindi na dito na kami", sabi ko. Nagulat naman yung nakarinig sakin pati na si ac pero hindi na sila tumutol.

Umupo na kami sa may pinaka dulong table may malaking salamin kase dun kita ang labas kaya napili kong umupo dun.

"Deiny", sabi ni chase nang biglang umupo sa tabi ko. Nagulat pa nga si ac eh.

"Ano na namang problema mo?", Tanong ko sa kanya.

"Deiny sikat na sikat ka sa campus ah. Ang talino mo daw pala", sabi nya tapos tumaas taas ang dalawang kilay.

"Maliit na bagay", pagyayabang ko. Ano ba yan nahahawa na ko kay chase.

"Wala. Mas matalino pa din ako", sabi ni chase, sus yabang.

"Yabang, kala mo makakarating din ako sa section one", sabi ko.

"Sabi mo yan ha", sabi ni chase tapos may inilabas na cellphone. Luh ni-record pala.

"Oo na, umalis ka na nga", sabi ko. Tunawa muna sya bago umalis.

"Close ba talaga kayo? Akala ko hindi", sabi ni ac.

"Bakit naman?", Tanong ko.

"Kase parang hindi naman kayo nag iimikan dati pag magkasama kayo", sabi nya. Ngumiti na lang ako sa kanya at kumain na and again isang gulat na naman sa muka nya.

Wala akong pakielam kung magulat sila ng magukat basta ako kailangan kong makarating sa section 1.

Kala mo chase tatalunin kita.

I will win over you.

======

A/N: annyeong.

Please vote and comment. Thank you :)

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now