Chapter 60

154 12 2
                                    

Deinielle's Pov

 Pauwi na kami. Nandito kami ni steven sa sasakyan ko. Hindi pa rin ako makampante sa mga nakita ko mula sa lalaking ito. Ang inaakala kong isang normal na lalaki lang ay may ikinukubli palang sikreto. 

Nang mapansin kong nasa liblib na lugar na kami at halatang walang gaanong dumadaan. Itinabi ko ang sasakyan at saka pinatay ang makina.

"Anong problema?", nagtatakang tanong ni steven. "Anong balak mo sakin ha?", sabi nya tapos nag cross arm sa may dibdib nya. Tinignan ko lang sya dahil sa walang kwentang iniisip nya. Mabilis kong kinuha ang baril ko sa may compartment at itinutok iyon sa noo ni steven?

"Sino ka ba talaga?", seryosong tanong ko at tinignan naman sya sa mata, tumawa naman ito ng malakas bago sumagot.

"Ako si Steven Parish, ang King ng Montagues Academy. Anong problema ha?", Sabi nya na akala mo ay nakikipag biruan ako.

"Hindi ako nakikipag biruan, sino ka? Bakit kung makipag laban ka dun wala lang sayo? You even have that aura. I know you can fight, but the fight  earlier is different from ordinary street fight ", sunod sunod kong tanong. Alam kong may tinatago sya, dahil kung normal na tao lang si steven, normal na nakikipag basag ulo hindi pa rin sya mananalo sa cyd na yun.

"Ano bang pinagsasabi mo? hahaha", sabi nya habang natatawa.

"Hindi sabi ako nakikipag biruan eh!", sigaw ko sa kanya at pinaputok ko yung baril malapit sa ulo nya, tumama naman ito sa bintana ng kotse. Merong silencer itong baril ko kaya hindi ito nakagawa ng ingay.

 "W-wow, w-what was that?", ani nya na akala mo ay nakikipag biruan

"Now tell me the truth?", binigyan ko sya ng tinging hindi ako nakikipag biruan. Seryoso ang usapan namin kaya umayos sya.

"Hahahaha", tawa ni steven pero makalipas ang ilang segundo sumeryoso ang muka nito at seryosong nakipag titigan sakin "Do you really want to know?. I am… I'm Rumeur", steven.

"HAHAHAHAHA", I laugh sarcastically, ibinaba ko na ang kamay kong may hawak na baril.

"I'm not joking", seryosong sabi ni steven, ngayon sya naman ang seryoso.

"I know", sagot ko sa kanya. "Les Sentinelles ha? I just want a confirmation and it's confirmed", I said then smirk. Ibinato ko sa kanya ang isang folder kung saan doon nakalagay ang patungkol sa Les Sentinelles at kay Rumeur.

"When did you know about this?", tanong ni steven.

"That's not important, I always have my ways to know you, steven", I said confidently. "So you are the King of Les Sentinelles, the number 1 gang who appeared before us and suddenly vanished", naging seryoso ang muka ni steven na animo'y malalim ang iniisip.

"What happened?", tanong ko kahit alam ko namang hindi sya sasagot. They are the most formidable gang that time, but why they are suddenly vanished? All of us are wondering about what happened to them.

To tell you the whole story, there is a Gang which the leader is one year older
than us. I don't know them but they are the most famous gang and undefeated, no one know their true identity except the organization.

"It's been four years since then", I said. Tumingin ako kay steven na tahimik lang na nakatingin sa labas, what happened?

"Yeah it's been four years. Halos makalimutan ko na nga mga nangyari", he said. "The organization planned everything. That time we have a battle with the Fade Gang, this battle will determine who will become the number 1 gang, but the organization is in favor with Fade Gang which obviously will lose", he paused for a while.

"So in order for us to lose, they frameup us, that's why we didn't have a chance to fight. Faded Gang won by default. But your gang came and defeat those Fade Gang, the fade faded. What a karma", ani ni steven. I didn't expect him to tell me the story. But, it pissed me off.

"Why didn't you try to take back what's yours? Is running away the only solution you think of?", pagkasabi ko nun ay agad na pinanlisikan ako ng mata ni Steven.

"You don't know what happened! Hindi mo alam ang pinag daanan namin", galit na sabi ni Steven sakin.

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit hindi mo ipinaglaban ang mga miyembro mo? Isa kang duwag, Steven", matapos kong sabihin ang huli kong salita, galit na humarap sakin si Steven at Kinuwelyuhan nya ako ng nang-gigigil.

Tinitigan ko lang ang mata nyang may halong galit at inis.

"Pangarap naming maging number 1! Pangarap ko ang titulo at ang upuan ng King! Ginawa naman namin lahat pero bakit hindi kami makatakas takas sa unfair at bias na Gang Society na yan?! At hindi pa sila nakuntento, unti unti nila kaming sinira hanggang sa hindi na kami makabangon! Namatay ang iba kong miyembro! Namatay sila! Kaya kahit anong sabihin mo wala na akong pakielam!", galit na galit na sabi sakin ni Steven, hindi ako makapalag dahil totoo ang sinasabi nya, totoo ang  unfairness ng Gang Society. "Wala akong pakielam sa sasabihin mo o ng kahit sino. Kami dapat ang nasa posisyon nyo, hindi kayo at ako dapat ang King at hindi ang King ngayon.", nag pantig ang tenga ko sa sinabi ni Steven. Tinulak ko sya ng malakas upang makawala sa pagkaka-kuwelyo nya sakin. Tinitigan ko sya ng masama.

"Mali ka, Hindi ikaw ang tunay na King", seryosong sabi ko. Nagalit muli si Steven, mabilis nyang kinuha ang baril na hawak ko at itinutok ito sa noo ko.

"Hindi ikaw ang tunay na King, Steven", malumanay ngunit seryosong sabi ko. Nakita ko naman ang paghigpit ng hawak ni Steven sa baril dahil sa sinabi ko. Wala na akong pakielam dun.

"Huwag kang mainis, Steven. Marami na ang nagbago at nangyari, hindi madali ang lahat Steven! Hindi kami sumuko, ipinaglaban namin ang para sa amin. At si chase, marami syang pinagdaanan para marating ang posisyon nya ngayon. Mag kaiba kayo ng pinagdaanan Steven. Hindi lang buhay mo ang nakasugal dito, buhay din ni Chase. Ilang beses nyang ibinuwis ang buhay nya para marating ang posisyon na gusto mong kalagyan, marami syang isinakripisyo na hindi mo piniling gawin!", galit na sabi ko sa kanya, mabilis ko namang kinuha ang baril na nakalagay sa may binti ko at itinutok din ito sa noo ni Steven. Ngayon ay pareho na kaming nagtututukan ng baril sa noo.

"Kaya wag mong  sasabihin na ikaw ag tunay na King, steven. Sa inyong dalawa ni Chase, si chase ang tunay na King at temporary ka lang, para sabihin ko sayo, iyan ang pinili mo", dagdag ko pa. Hindi ko minamaliit ang pinagdaanan ni steven, pero si chase ang deserving na King. Masakit man ang sinabi ko pero iyon ang totoo.

Dahan dahan naman ibinaba ni steven ang hawak nyang baril na nakatutok sakin at umayos ng upo. Andun parin sa mga mata ni steven ang galit at inis pero ngayon may halo na itong lungkot. Nakita ko din ang pagpatak ng luha sa mata ni steven na ikinagulat ko.

Alam kong masakit ang pinagdaanan nya at nangyari sa kanila, nakita nya ang paghihirap at hinagpis ng bawat miyembro nya, ngunit wala syang nagawa. Kaya siguro pinili na lang nya ang sumuko at lumayo sa mundong ito.

Aaminin kong may nararamdaman akong kirot dito sa puso, ko dahil sa nakikita ko ngayon kay steven. At dahil sa lungkot na ito, awtomatikong gumalaw ang dalawa kong kamay at iniligay ito sa magkabilang pisngi ni steven at dahan dahan na iniharap sakin ang kanyang muka. Nakita ko ang gulat sa mata nya pero hindi ko iyon pinansin, pinunasan ko ang luha sa pisngi nya gamit ang hinlalaki ko. Tinitigan ko ang mata ni steven nanduon parin ang galit at lungkot. Hindi ko alam pero nginitian ko sya, para siguro i-comfort sya, nasasaktan din kase ako sa nakikita ko sa kanya ngayon at para sa pangarap nyang nasira.

=======☆☆☆

Hello♥️

It's been a year since I stopped updating this story but when I open my wattpad account. I saw everyones comment. I didn't know that some reader will like my story.

So I happily decided to finish The Queen of Badass and The Queen of Kindness.

Weather it is too late or not.

I hope everyone still love to continue read this story.

Dini-dedicate ko po ang chapter na ito sa mga patuloy parin nag basa ng story ito kahit na kulang sa update po.

Love Everyone. Vote and comment po.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon