Chapter 14

1.2K 34 0
                                    

===Janielle===

"Alice sige na saglit lang naman eh", sabi ni dianne kay alice. Niyaya kase ni dianne si alice na lumabas eh parating na din yung teacher namin kaya ayaw sumama ni alice.

"Ayoko talaga princess dianne baka sabihin nila nag cu-cutting tayo", sabi ni alice.

"Ano ba yan eh saglit lang naman samahan mo ko bumili ng pagkain sa labas", pagpilit ni alice.

"Bakit kase sa labas pa pwede namang dito na lang sa loob ng school, tsaka mahihirapan tayong takasan yung guard", sabi ni alice.

"Hindi yan ako bahala sayo", sabi ni dianne kay alice.

"Ayoko talaga si queen na lang isama mo", sabi naman ni alice.

"Que--",

"Nanahimik ako dito wag nyo kong idamay", sabi ko kaagad.

"Oh alice ayaw ni queen", sabi ni dianne.

"Ayoko talaga", sabi ni alice at umiling iling.

"Fine, mag isa na lang ako... Babush", sabi ni dianne tapos kinuha yung bag nya at tumakbo palabas, napailing na lang ako. Napaka pasaway talaga tsaka pano naman nya matataksan yung mga guard dyan sa labas?

Maya maya dumating na din ang english teacher namin na si Ma'am Roxan.

----------------------
===Princess Dianne===

"Oops dahan dahan", sabi ko sa sarili ko nandito kase ako sa may puno para makatawid ako sa may pader ng school syempre sinigurado ko muna na may tatalunan ako sa kabila at na sure ko naman yun dahil may malaking track ang naka parada.

"Yah!", Sabi ko ng makatalon ako mula sa track.

"Yuhu! Succes", masayang sabi ko tapos umalis na sa lugar na yun mamaya makita pa ko ni manong guard pabalikin pa ko sa loob.

Habang naglalakad ako hindi ko namalayan na nakarating na pala akong park nung makita ko yun duyan tumakbo ako agad papunta dun kaso... May bata hanubayan.

Paano ako makakaupo?... Ayy alam ko na. Nakaisip na naman ako ng kalokohan.

"Ehem! Hoy bata aalis ka dyan o aalis ka dyan?!", Galit na sabi ko sa bata tapos tiningnan ko sya ng masama, nakita ko yung muka nung bata na nakanguso tapos parang iiyak. Patay!

"N-nako! Wag kang iiyak please", sabi ko sa bata tapos umupo ako para magkatapat kami. Kaso balewala ang ginawa ko lalo syang umiyak.

"M-mamaaaaa!", Malakas na sigaw nung bata kaya napatayo ako bigla tapos naglakad na kunyari walang nangyari. Iniwan ko na lang yung bata mamaya malagot pa ko sa mama nang batang yun.

Ang sakit na ng paa ko saan ba ko pupunta? Ay oo nga pala kaya nga pala ko lumabas para bumili lang ng pagkain sa tapat lang ng school kaso malayo na ko eh.

Makapag mall na lang kaya, pinara ko yung taxi na nakita ko tumigil naman to sa harap ko.

"Kuya sa may mall po yung malapit lang dito", sabi ko kay manong then sumakay ako sa may passenger seat. Ayoko sa may likod eh bakit ba?.

Nung napatingin ako sa likod merong babae pa ang nakasakay. Seriously? Dito sa taxi?.

Tiningnan ko sya ng mabuti. Maganda sya maputi at mahaba ang buhok na medyo shavy, matangos ang ilong at... Napatingin sya sakin at tinitigan lang nya ko ng emotionless pero cold , bigla namang tumaas ang balahibo ko sa katawan hanggang ulo, ano tong nararamdaman ko? parang katabi ko si kamatayan kung titigan nya ko. Wala kang makikita na kahit anong emotion sa muka nya its plain walang kahit ano at ang nakakatakot nyang mata ang mapapansin mo na para kang papatayin.

Ringgg!

Huuu! Naalis yung tingin nya sakin at napunta sa tumawag yata sa kanya. Inalis ko na agad ang tingin ko sa kanya dumiretso na lang ako ng tingin .

"Yes i'm near, its his last day", lalong tumaas ang balahibo ko, kahit boses nya nakakatakot, napatingin ako sa driver na hindi mapakali sa kinauupuan pati rin sya siguro kinakabahan sa babaeng to.

Tsaka... Anong last day?.

"Dito na lang", cold na sabi nya habang nakatapat pa rin sa tenga nya yung cellphone na hawak nya.

Bago sya tuluyang makalabas narinig ko ang huli nyang sinabi "Yes Queen".

The heck?! Who is that girl?.

"Buti naisipan mong sumakay dito sa unahan", sabi bigla nung driver kaya naagaw nya ang atensyon ko.

"Oo nga po eh, dito po talaga ako umuupo", sabi ko.

"Teka manong bakit nyo ko pinasakay eh may pasahero naman pala kayo", inis na sabi ko dun sa manong.

"Huh? E-eh kase... Sabi nung babae, napansin nya yato na natatakot ako sa kanya", sabi nung manong tapos napakamot sa ulo, umiling na lang ako.

Kahit siguro ako magpapasakay pa ko ng iba kung sya ang pasahero ko.

Pagkadating ko sa mall pumunta ako sa ice cream parlor at in-order ang favorite kong strawberry flavor.

Nung umupo ako sa may lamesa nakita ko bigla si echo. Anong ginagawa nya dito? Malapitan nga.

"Hoy akala ko ba may trabaho ka?", Sabi ko agad sa kanya tapos umupo sa katapat nya.

"Akala ko ba may klase ka", ganti naman nya. Ay oo nga no nag cutting nga pala ako.

"Ehh a-ano eh... Teka iniiba mo ba yung usapan?", Inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi ba uso sayo ang break", sabi nya. Ayyy so vacant time pala nya ngayon. After nun di na sya nagsalita at dinilaan na lang yung ice cream na hawak nya its chocolate flavor.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa nakikita ko yung cold prince dinidilaan yung ice cream hahahaha ang pangit tingnan. Nagpipigil lang talaga ko ng tawa.

"Hanggang ngayon ba di ka pa din masanay na ganito?", Inis na sabi nya sakin. Oo hindi pa din ako sanay, lagi kase kaming magkasama dahil nga diba pareho kaming nag hahawak ng business ng parents namin tapos mag business partner pa kaya madalas kami ang magkasama sa lahat.

"Opo hindi po", sagot ko sa tanong nya tapos tumawa na ng mahina.

Hindi na naman sya sumagot tapos tumingin na sa labas.

Napaka cold talaga dinaig pa yung ice cream eh.

Echo the ice cream... Bwiset!

============

A/N: Please vote and comment po thank you.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now