Chapter 50

904 26 0
                                    

Dedicated to VeenaYllaine, ChrisAnnAlcancia5, sweesasherna, ljce102204, ShirlynClemente. Salamat po sa pag vote😊

***

Steven's Pov

10:23 am

Kanina pa ko nag-aantay dito sa sala, hanggang ngayon tulog pa din yata yung babaeng yun.

Hindi pa kami tapos mag-usap, madami pa kong katanungan sa isip ko na sya lang ang makakasagot pero hanggang ngayon di pa din sya lumalabas.

Naiinis ako, pakiramdam ko tinatakasan nya ko.

Nagluto na muna ako ng pwedeng lutuin dito dahil mukang matatagalan kami sa bahay na to dahil hanggang ngayon malakas pa din ang ulan, mukang may bagyo.

Alas dose na, di pa din sya bumaba.

Napagdesisyunan kong puntahan na sya dahil pakiramdam ko tinatakasan nya talaga ako.

Kumatok muna ako ng ilang beses pero walang sumagot kaya pumasok na ko, nakita ko sya balot na balot nang makapal nyang kumot, lumapit pa ko para gisingin sya.

Mukang lamig na lamig sya at nakakunot pa ang noo.

"Hey! Wake up!", sigaw ko sa kanya pero wala manlang akong natanggap na sagot.

"Umayos ka na marami pa tayong pag-uusapan", unti unti naman nyang minulat ang mata nya. Napalunok ako bigla dahil si janielle ang nakikita ko sa kanya.

Dahan dahan syang bumangon at parang hirap na hirap pa.

"Susunod na ko", sabi nya tapos dahan dahang tinanggal ang kumot sa kalahati ng katawan nya. Hindi pa sya nakakatayo ng tuluyan ay bigla syang natumba, agad akong napalapit sa kanya at hinawakan sya sa braso, at...

"Kaya ko na sarili ko", sabi nya tapos tinanggal yung kamay kong nakahawak sa kanya pero pinigilan ko sya at dinampian ko ng palad ang noo at leeg nya.

"Sobrang init mo", wala sa pag-aalala kong sabi, nagugulat lang ako dahil hindi normal ang init nyang yun.

"Kaya ko nga yung sarili ko", sinubukan nya ulit tumayo, hinayaan ko na sya para makapag hilamos naman sya.

"Wag na wag kang lalabas, pagkatapos mong maghilamos bumalik ka sa kama mo", banta ko sa kanya. Tinitigan nya muna ako bago sumagot.

"Bakit ba?", walang emosyon na tanong nya.

"May sakit ka diba? At hindi normal ang taas ng lagnat mo kaya magpahinga ka dyan", seryosong sabi ko tapos lumabas na.

Sakto ang pagkakaluto ko sa mushroom soup dahil mas kailangan nya ng sabaw.

Kumuha ako ng isang bowl ng soup at sinamahan ko ito ng kaunting kanin. Naghanap hanap din ako sa mga drawer ng gamot, sakto, may nakita akong isang paracetamol.

Bumalik na ko sa kwarto nya, nadatnan ko syang nakaupo sa kama nya at nakatulala, kung hindi sya gagalaw sa pwesto nya at kung ngingiti sya, si janielle talaga ang makikita mo. Ganyan silang sobrang magkamuka, halos walang pinagbago. Hindi ko lubos maisip na posible pala yon.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now