Chapter 21

1.2K 36 1
                                    

===Chase===

Paano ko ba sasabihin kay janielle na hindi muna sya pwedeng bumalik sa kanila?

Andito ako sa may sofa at kasalukuyang iniisip kung pano ko pipilitin si janielle. Kailangan ko i-ready ang sarili ko... Ayoko makakita ng babaeng umiiyak.

"Oyy!", Sigaw nya sakin mula sa taas, yan na sya si janielle.

"Bakit?", Tanong ko.

"Alam mo kase dahil tanghaling tapat na buti na lang kahit papano may toothbrush dun sa kwarto na hindi gamit kaya nakapag toothbrush ako, then ngayon mainit at tingin ko ang lagkit lagkit ko na tapo~~~"

"Diretsahin mo na lang ako", putol ko sa sinabi nya.

"Ahhh sige, may damit ba yung may ari ng kwarto na tinutulugan ko? Maliligo sana kase ako", Tanong nya. Yun lang naman pala ang gustong sabihin pinapahaba pa. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

"Follow me", seryosong sabi ko.

Nung nasa kwarto na kami ni deinielle lumapit ako malapit sa may drawer nya at may kinapa sa pader nung nakapa ko na yun, pinindot ko then may bumukas na kasing laki lang ng pinto.

"Wooooww!", Manghang sabi nya. Napangiti na lang ako, mahilig talaga si deinielle sa mga secret room.

"Dyan sa may dulo may cabinet dyan", sabi ko sa kanya ako naman nasa pinto lang. Malaki ang secret room na to kasing laki ng kwarto nya.

Dito sa secret room nakalagay ang kanyang mga damit at mga weapons. Nakatago naman yung mga weapons at mga damit na sinusuot nya tuwing may laban sya kaya hindi makikita yun ni janielle.

"Sige na... Ok na ko pwede ka nang lumabas", sabi nya na medyo nahihiya.

"Yes boss", sabi ko. Ngumiti lang sya sakin. Maganda si janielle pero mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti.

Janielle

Lumabas na ko ng kwarto ni deinielle tapos bumaba na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas na ko ng kwarto ni deinielle tapos bumaba na.

Sana naman hindi sya umiyak mamaya, ugh! ayoko talagang nakakakita ng babaeng umiiyak hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkababa ko binuksan ko ulit yung tv sakto namang nasa spongebob ang palabas buti naman kung ganun.

"Yaya", sigaw ko kay yaya.

"Bakit po sir?", Tanong nya.

"Yaya orange juice nga po patimpla. Thank you", utos ko kay yaya.

Maya maya lang dumating na din si yaya na may dalang isang pitsel na orange juice.

Ilang oras na ba kong nakaupo dito? Bakit ang tagal naman ni janielle? Maliligo lang naman sya diba? Tinalo pa si deinielle eh.

"Chase!", Sigaw ni janielle sa taas kaya napatingin ako sa kanya.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now