Chapter 56

518 18 0
                                    

This Chapter Dedicated to ate JheslhynArbas, viriana24, CheCheTejada6, pinksapphire1356 at kay ate pusiapink

Salamat po sa pag vote nyo po at comment. Pati po sa iba na hindi ko pa po nasasama sa dedication ko po. Thank you din po sa inyo.

*******

Janielle's Pov

"Saan ka pupunta?", tanong ko kay chase na halatang aalis ng school.

"saglit lang, may pupuntahan lang ako", sabi nya.

"o sige, bilisan mo ah", tumango sya tapos ginulo yung buhok ko.

"Promise", ngumiti sya bago tumalikod, napabuntong hininga na lang ako. Hay nako! nakakaloka talaga ang buhay na meron dito, masyadong komplikado lagi.

Nakakalungkot naman dito sa classroom makaalis na nga muna, pupunta muna ako sa may garden, maganda kase ang view dun.

"Queen saan punta?", tanong sakin ni drake.

"Sa garden lang ako pupunta, vacant pa naman natin. Papahinga muna ako dun", paliwanag ko kay drake.

"Samahan na kita queen", ani naman ni jane.

"Ay hindi na, gusto ko lang sana mapag-isa", nag pout naman si jane sa sinabi ko. Napangiti na lang ako. "Sige na, see ya", inumpisahan ko nang maglakad papunta sa garden.

Masyado ko nang nami-miss sila mommy, si steven at iba pa. Gusto ko silang makita, hanggang kailan pa ba ko magtatago? Baka magalit sila sakin. Ang alam nila patay na ko tapos babalik na lang ako bigla bigla.

Pagdating ko sa garden umupo ako sa may upuan na kahoy na pa-duyan ang style kaya nauuga ko sya ng kaunti.

Ito ang pinaka magandang puntahan sa school na to, hindi ganung karami ang estudyante dahil sa likod pa ito ng school makikita. Hindi naman sila mahilig sa ganito, madalas sa kanila na sa library. Hindi katulad sa Montagues, disiplinado ang mga estudyante dito sa Capulet Grand Academy.

Hmm yung royalties lang ang hindi gaano, ang ironic lang dahil sa Montagues ang mga royalties ay disiplinado at responsable pero ang estudyante ay hindi while here baliktad. Ang royalties pa ang nangunguna sa kalokohan. Ganun talaga ang mundo ano? Walang perpekto kahit sitwasyon.

Habang nag mumuni muni may lumapit sa aking isang babae, naka salamin sya at naka braid ang buhok. Nakatungo sya at may inaabot sa aking papel.

"Pinapabigay po", sabi nya habang nakayuko pa din.

"Sino nagpapabigay?", tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po kilala pero babae po syang may mask sa bibig at itim lahat ang suot nya", ani nya.

"Sige salamat",

"Aalis na po ako",

"Sige",maikiling sabi ko. Inantay ko muna syang umalis bago kilatisin ang papel na ito. Isa syang scented paper, ang bango nga eh. Meron din itong roses na design, ang cute lang. Matapos kong kilatisin yung papel binuksan ko na sya at binasa. Ang sulat na ito ang ngayong dahilan ng pagkalito ng isip ko.

My Dear Q.Janielle,

  They are liars, don't get fooled by them! Wake up! Your true family are waiting for you, they are getting deceived too.

Get away from them, they are liars.

I'm willing to help you. You just have to find me.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now