Chapter 18

1.1K 30 0
                                    

===Chase===
Masaya ako na hindi malala ang nangyari kay deiny pero nalulungkot din ako kase wala syang maalala.

"Ahh kaninong bahay ba to?", Tanong nya habang naka upo sa sofa at ginagala gala ang paningin. Its sad to say wala nga talaga syang maalala.

"Hindi mo ba natatandaan?", Tanong ko sa kanya. Natawa naman sya bigla na ikinagulat ko. Si Queen tumawa? Si deiny tumawa?

"Wala naman akong kailangang tandaan eh", sabi nya. Hindi pwedeng wala dahil magkakagulo kapag di ka pa din bumalik sa dati.

"Hindi pwedeng wala kang matandaan", seryosong sabi ko. Kapag wala sya, maaring bumagsak ang gang... Kaya naman namin, kaso ang problema malalaman ng ibang gang na may nangyari kay queen kaya susulitin nila ito para pabagsakin ang lahat ng gang dito sa pilipinas at hindi lang yun, pwede din silang mandamay ng ibang tao.

Ganyan ka lakas si queen, sya ang batas, sya ang masusunod dahil kung hindi baka bukas patay ka na. Bukod sa gobyerno nasa proteksyon din ni queen ang kaligtasan ng mga tao. Mabait talaga si deiny hindi lang nya pinapahalata i mean hindi nya kayang i-expresa yun.

"Hindi ko nga kailangan eh, hindi mo pa sinasagot tanong ko. Kaninong bahay ba to? Bakit ba ko nandito? Pano ba ko napunta dito?", Tagaragis queen nag jo-joke ka ba?. Hindi pwedeng ganyan ka.

"Bahay mo to tanga!", Sigaw ko sa kanya. Sumama naman ang tingin nya sakin. Dapat ganyan queen samaan mo ko ng tingin, pero bakit ganun? Kahit samaan nya ko ng tingin hindi ko maramdaman ang nakakatakot na deinielle sa tingin na yun.

"Grabe naman yang bibig mo. FYI ha hindi ko bahay to, hindi ako nakatira dito", kumunot ang noo ko sa sinabi ni queen. Tatawa ba ko? Joke ba yun?.

"Queen naman umayos ka nga", seryosong sabi ko sa kanya. Tinaasan lang nya ko ng kilay.

"Paano mo ko nakilala? Bakit mo ko tinawag na queen?", Tanong nya. Wala ba talaga syang alaala? Ano ba talaga? Parang may naaalala sya na hindi connect sa mga gangs.

"Queen ano ba? Deinielle!", This time napataas na ang boses ko. Hindi pwede ga-ganyan ganyan sya. Pwede syang mapatay.

"What did you say? Deinielle?", Takang tanong nya tapos kumunot ang noo.

"To tell you the truth ilang beses na kong natawag sa pangalan na yan. Sino ba si deinielle?", Napanganga ako sa sinabi nya as in ngangang nganga. Hindi ba si deinielle ang kaharap ko?

"The heck! You are deinielle!", Sigaw ko sa kanya. Naningkit naman ang mata nya sa pagsigaw ko.

"I'm not deinielle! Ang kulit mo! Ako si janielle... JAANIIEELLEE!", sabi nya at in-empasize pa yung janielle.

"Janielle? Tatawa na ba ko deiny? Tell me that is only a joke", sabi ko na baka nagbabaka sakaling nag jojoke lang sya.

"I'm not joking. I'm dead serious", sabi nya. Arrgh!

"Babalik ako kapag natauhan ka na", sabi ko tapos lumabas na, hinabol naman nya ko.

"Hey! I want to go back home", seryosong sabi nya. Seryoso ba talaga sya?

"No! Go back to your room!", Madiin na sabi ko. Nagmatigas naman sya.

"I Don't like. I told you i.want.to.go.home", madiin na sabi nya, napasapo na lang ako sa noo. Nilabas ko ang maliit na kutsilyo ko lagi ko tong dala for emergency.

"Papasok ka sa loob o papatayin kita", sabi ko kanya. Namutla naman sya bigla tapos biglang pumasok sa loob ng kwarto.

"Damn! She is really not deinielle", sabi ko sa sarili ko. Kung si deinielle yun hindi sya masisindak sa maliit na kutsilyo na to pero natakot ang babaeng nasa harap ko na kamukang kamuka ni deinielle at walang pinagkaiba kahit buhok manlang hindi nag iba.

Damn! Paano nangyari ang bagay na to? Sino sya? Bakit kamuka nya si deinielle? O baka naman nagpapanggap lang sya na natakot sa kutsilyo.

Pumasok ulit ako sa loob para ma confirm kung nagpapanggap lang ba sya o hindi. Pag pasok ko dun nagulat sya ng makita ako, damn!

"W-what do y-you want?", Nauutal na sabi nya.

"Deinielle", sabi ko. Hindi naman sya sumagot. Hinagis ko sa kanya yung maliit kong kutsilyo nagulat naman sya pero hindi manlang nag react.

Shit! Mabilis na tumakbo ako sa kanya para maabutan ko pa ang kutsilyo. Nang maabutan ko to na malapit na sa mata nya napabuntong hininga ako.

"Your really not deinielle", bulong ko sa kanyang tenga. Tiningnan ko ang muka nya at halata ang pagkagukat dito tapos may namumugtong luha.

"I'm sorry akala ko maiiwasan mo yun", sincere na sabi ko. Dahan dahan naman syang lumingon sakin at kitang kita ko ang luhang malapit nang pumatak mula sa mata nya.

"S-sorry? Alam mo bang tinakot mo ko! Akala ko mamatay na ko! Akala ko di ko na makikita sila mommy! Akala ko di ko na makikita ang mga kaibigan ko! Tapos mag so-sorry ka!", Galit na sabi nya at tuliyan nang tumulo ang mga luha sa mata nya.

Napabuntong hininga ako at the same time napapangiti. Ganito din ba ang muka ni deinielle kapag natakot? Iiyak kaya sya kapag natakot?.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"I'm really sorry, don't worry ihahatid na kita bukas sa inyo", sabi ko sa kanya. Tumigil naman sya sa pag iyak tapos lumayo sakin.

"Tsansing ka na", napaka inosenteng sabi nya tapos nag pout. Napangiti naman ako ng tuluyan.

Deinielle ganyan ka din kaya ka cute kapag nag pout ka?.

"I'm really sorry hindi na kita mababantayan kailangan ko nang umalis", sabi ko. Bago ako lumabas nagsalita muna sya.

"Sino si deinielle? Kamuka ko ba sya?", Hindi ko sya sinagot lumabas na lang ako ng kwarto.

Hindi mo lang sya kamuka. Para kayong pinagbiyak na bunga.

Kinuha ko ang cellphone ko at isa isang tinawagan sina amada, calix, brian at angelo.

Kailangan ko sila para mahanap si deinielle at malaman king sino ba talaga ang babaeng kamuka ni deinielle.

===========

A/N:
Please vote and comment po. Thanks

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now