Chapter 47

795 31 4
                                    

Dedicated to pinkyellowflower at freezerrr salamat po sa pagbabasa😊

*****

===Deinielle===

"Calix! Amada!", mahina pero may diin na tawag ko sa pangalan nung dalawa. Lumapit naman sila sa upuan ko, wala pa si steven dahil bumili ng pagkain sa canteen.

"Wala na tayong oras! At ayoko nang magsayang pa ng panahon! As soon as possible gusto ko may mai-report na kayo sakin", ma awtoridad na utos ko sa dalawa.

"Wag kang mag alala que~ janielle mas napapadali ang paghahanap ko ng information dahil kay alice", sagot ni calix, napatingin naman ako kay amada.

"Nakakatulong din sa akin si dwayne", sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

"Dwayne?", takang tanong ko. "Mukang nagkakalapit na kayong dalawa ah", dagdag ko pa. Hindi sa inaasar ko sya pero napapansin ko lang.

"Lapit?", nakangising sabi nya. "Nagkakamali ka janielle, sa katunayan nga lagi kaming nag aaway", sabi ni amada.

"Panong hindi? Sabi ni dwayne para ka daw kabute na bigla biglang sumusulpot", calix.

"Hindi ko sinasadya yon", sabi ni amada kay calix tapos umirap.

"Sumbat ng sumbat yung tao sayo, sinisira mo daw lagi ang date nya", sabi pa ni calix.

"Aba! Anong laging sinisira? Hindi ko na kasalanang oras oras may ka date sya at lalong di ko na kasalanan na kung nasaan sya nandoon ako", medyo naiinis na sabi ni amada.

"Hep! Hep! Tama na yan, oo na nagkakalapit na kayo", asar ko kay amada, nagsalubong naman ang kilay nya kaya napangisi ako.

"This weekend gusto ko may maireport kayo sakin", sabi ko sa kanila.

"Yes queen", sabi nila pero mahina. Tumango na lang ako tumingin na lang sa may bintana, bumalik naman yung dalawa sa upuan nila.

Maya maya dumating na din si steven na may dalang pagkain, muka namang masarap yung dala nya.

"Oh", abot nya sakin ng isang tinapay na hindi ko alam kung anong tawag.

Aabutin ko na sana yung pagkain nang bigla nyang bawiin to kaya nakakunoot noo akong napatingin sa kanya.

"Pinapatingin ko lang sayo kung masarap", sabi ng nakangisi. Hindi ako makapaniwala sa inasta nya, oo napahiya ako.

"Hindi ko malalaman kung hindi ko titikman pero kung pinapatingin mo sakin kung mukang masarap... Oo, oo ang sagot ko", diretsong sabi ko habang nakatingin sa maya bintana. Medyo nainis ako, nagugutom na kase talaga ako.

Lumingon ako sa kanya, nakita ko naman ang abot tengang ngiti nya.

"May saltik ka ba?", inis na tanong ko.

"Hmm, wala naman", nakangiti pa ding sabi nya tapos kumugat sa tinapay na inaabot nya sakin kanina. Napatingin na lang ako sa kanya ng seryoso, may saltik nga yata to.

"Ahh", sabi ni steven tapos pinapanganga ako.

"Anong ahh?", takang tanong ko. Napangisi sya sa tanong ko.

"Ahh! Malamang susubuan kita", sarcastic na sabi nya sakin.

"What the?!", di makapaniwalang tanong ko, ang weird nya this days ha

"Queen di ka na nasanay sakin", sabi nya ng nakangisi, napairap na lang ako. Hinuhuli ba ko nito?

"Malay ko dyan!", iritadong sabi ko, tumayo ako para bumili din ng pagkain sa canteen dahil nagugutom na ko.

"Saan ka pupunta?", tanong ni steve hindi pa man ako nakakahakbang.

"Ba't ko sasabihin sayo?", seryosong sabi ko. Eto! Umiiral na naman ang ugali ko.

"Saan nga?", mahinahong sabi nya, feeling ko inaasar ako nito.

"Hindi pwede..."

"Anong hindi pwede?",

"Nakakamatay, nakakamatay pag nalaman mo", seryoso sabi ko tapos tinitigan sya ng seryoso sa mata. Ngumiti naman sya tapos hinila ako para mapaupo.

"Ang seryoso mo masyado", sabi nya tapos pinisil ang ilong ko, hinawi ko naman ang kamay nya." Binibiro lang kita, para sayo talaga to", sabi nya sabay abot sakin nung tinapay na may kagat nya.

Tinitigan ko lang yung tinapay na inaabot nya sakin, duh! May kagat nya na yon.

"Wag kang maarte, sanay kanang kumain ng kinagatan ko na", sabi nya tapos nilagay sa kamay ko yung pagkain. No choice na ko, baka lalong maghinala pa sakin to.

"May itatanong ako sayo", sabi ko ng seryoso.

"Ano?", tanong nya.

"Anong mas gusto mo? Yung malambing at sweet na janielle o etong janielle na kaharap mo?", yan ang biglang pumasok sa isip ko.

Napatingin naman sya sakin kaya tinignan ko rin sya. Maganda talaga ang mga mata ni steven, isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay ang ganyang mata nya. Wait! What did i just say?, hindi ako makapaniwala sa naisip ko. Oh my gosh!

"Kung tatanungin mo ako...", sabi nya. Hindi ko alam pero gusto ko talagang marinig.

"Syempre yung dating ikaw", sabi nya ng nakangisi, kumunot naman yung noo ko. Alam ko naman yan ang sasabihin nya, tinatanong tanong ko pa.

"Pero gusto ko yan...", sabi pa nya, ang alin? Napakunot ulit ang noo ko. Ano ba yan? Kunot na yung noo ko. Ngumiti muna sya lalo bago sumagot.

"Yan... Yang kunot ng noo mo", automatic na napanganga ako sa sinabi ni steve, what the?. "Ang cute cute mo kapag kumukunot yang noo mo", sabi nya ng nakangiti.

"Edi sayo na ang nakakunot kong noo", yun na lang tanging nasabi ko tapos humarap na sa bintana, sakto namang dumating na ang professor namin ngayon.

"Wag ka mag alala mas mahal ko ang buong pagkatao mo", bulong ni steven na ikinataas ng balahibo ko.

A-ano bang nangyayari sakin? Nakakainis na ah, naramdaman ko lang ang init ng hininga ni steven sa tenga ko ay kinikilabutan na ako.

Ano ba kaseng tawag dito?!

=======
A/N: sorry po ngayon lang yung update pero salamat po talaga sa nagbabasa😊

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now