Chapter 11

1.3K 38 0
                                    

===Deinielle===

"Miss Parkinson", seryosong sabi sakin ni Mr. Khan na nasa harapan ko lang katabi naman nya ang asawa nya na si Mrs. Evelyn Khan.

"What do you want?", sabi ko sa kanya.

"Miss Parkinson... I'll give you everything please just save my son", ang kaninang seryosong muka ni Mr. Khan biglang naging kaawa awa.

"Why would i help you?", cold na tanong ko sa kanya. Nadukot kase ng Taunt Gang ang anak daw nya, isa lang naman silang mahinang group na gang para samin pero sa iba hindi. Pero ayoko syang tulungan. Kasalukuyang nandito ako sa kanilang mansion para nga humingi si Mr. Khan ng tulong na ikinangisi ko.

"Please Miss Parkinson, i don't want to lose my son", naiiyak na sabi nya, tinitigan ko naman sya ng maigi bago mag salita.

"Pag iisipan ko", walang emotion na sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Humagulgol naman si Mrs. Khan then si Mr. Khan naman lumuhod bigla sa harap ko. Napairap na lang ako, bakit ko ba sya tutulungan?

"Give me a reason to make me help you", sabi ko. Pinunasan naman ni Mr. Khan ang kanyang pisngi na may luha.

"I don't know what the reason you want but i love my son so i will do everything for him that's my reason", napangisi ako. Hindi ko alam kung maawa ba ko sa kanya o pagtatawanan sya. tumingin ako kay Mrs. Khan na umiiyak pa din at nakatingin lang sakin ng maigi kita ko sa mata nya ang pagmamakaawa.

"And you? do you have any reason for me to save your SON?", pakadiin ko talaga yung son.

"H-he's my son", nauutal na sabi nya. Yeah i guess anak nga pala nya sya.

"Ok", sabi ko tapos umupo ako sa sofa na kaninang inuupuan ko.

"How much?", sabi ko, tinatanong ko kung mag kano ang ibabayad nila sakin.

"Kahit magkano Miss Parkinson ikaw ang bahala", desididong sabi ni Mr. Khan.

Ang sama ko ba? well mas masaya ang Edwardo Khan na yan, why? Let me tell you the true story.

Napilitan lang talagang ikasal si Mrs. Khan sa kanyang mister na si Edwardo Khan dahil... ahhh ni rape sya ni edwardo. May anak na si Mrs. Khan bago pa sila ikasal ni edwardo pero kahit ganun maganda at sexy pa rin sya kaya yun ginawa ni edwardo lahat mapasa kanya lang si Mrs. Evelyn, pinapatay nya ang asawa nito tapos pinadukot sa ibang gang ang nag iisang anak na babae ni Mrs. Evelyn i don't know what is her name. Then lumapit sakin si Mrs. Evelyn nang wala na talaga syang matakbuhan kilala nya ko dahil nakita na nya kong ilang beses, mag business partner kase ang asawa nya and ang daddy ko at alam din nya na ako ang Queen of All Gangs here in philippines.

Ang galing nya no nalaman nya, papatayin ko na sana sya kaso sabi nya hindi nya ipagkakalat ang sikreto ko basta iligtas ko ang anak nyang babae na ipinadukot ng masamang taong nang rape sa kanya. Pumayag na lang ako hindi ko alam kung bakit then niligtas ko yung bata sa kamay ng gang na kinausap ni edwardo hindi ko din alam ang pangalan ng gang na yun kasama ko si amada na sumugod sa hideout nila at pinaulanan namin sila ng bala merong natamaan sa ulo, puso at sa iba't ibang parte ng katawan ng mga gang na yun, mahina lang naman sila as in walang wala sila samin ni amada hindi ko sure kung nakita ba kami nung batang babae o hindi basta inalis na lang namin sya sa lugar na yun. I think its been 1 years ng mangyari yun.

"Miss Parkinson mag juice po muna kayo", sabi ni Mrs. Khan na nagkaron ng pag-asa ang mata. Hindi ko manlang naramdaman ang pag-asang nakikita ko sa mata nya.

"ahhh Miss Parkinson ok lang po ba kayo?", tanong sakin ni Mrs. Evelyn, hindi ko napansin na napatitig na pala ako sa mata nya, hindi ko sya sinagot at pinuna na lang ang hinanda nya saking juice.

"I like orange juice", sabi ko, ang hinanda nya kase sakin ay pineapple na ayoko naman.

"Ahh ganun ba sige papaltan ko na lang yan", kinuha nya agad yung juice tapos dumiretso sya sa kitchen nila.

Nakaupo lang ako ng seryoso dito ng may mapansin akong bumababa galing sa taas akala ko si edwardo yun pala batang babae. I think sya yung batang iniligtas namin ni amada, in fairness ha lumaki laki na sya naalala ko tuloy nung nasa kotse na kami para ihatid tong batang to.

Flashback

"M-ma *huk* ma", sabi nya ng paulit ulit at iyak ng iyak.

"First! shut her mouth! I can't focus driving here", inis na sabi ko, ang ingay ingay bwiset!

"Yes Queen", sabi lang ni amada tapos pinapatahan yung bata, Tumingin ako sa rear-view mirror ng kotse na to.

Nakita kong hirap na hirap si amada pano kase tinatapik lang nya ng mahina yung bata tapos sasabihin nya *Ssshh* at may gesture pa yung index finger nya na sa labi nya bago sabihin yung shh... hindi naman tumahan yung bata sa ginawa nya.

Sunod naman nyang ginawa ay tinapik ng mahina yung bata sa balikat at sinabing "Tahan na bata may multo dito", sabi ni amada na lalong ikinaiyak nung bata, tang ina mo amada tatahan ba yung bata sa ginagawa mo? then sunod nyang ginawa ay tinakpan yung bibig nung bata hindi naman sya mahigpit dahil rinig na rinig ko pa din yung iyak nung bata.

Naiinis na ko. Pumunta ako sa gilid ng kalsada then prineno ko to agad na dahilan para tumalsik yung dalawa.

"Damn it first! hindi tatahan yang batang yan sa ginagawa mo!", inis na sabi ko.

"S-sorry Queen"tanging nasabi na lang ni amada, tumingin naman ako sa batang umiiyak na nakatingin pala sakin.

"Can you please stop crying! Nakakabingi ka na! gusto mo bang ako ang pumatay sayo?!", inis na sabi ko tapos umiyak na naman sya.

"I Said Stop! or else i really kill you!", inis at galit na sabi ko sa bata and thanks to me tumahan na sya.

End of Flashback

"Ate", masayang bati sakin nung bata, kumunot naman yung noo ko close ba kami?

"What's your name?", seryoso na sabi ko sa bata na ikinagulat nya.

"A-ah L-lami p-po", takot na sabi nya, ang gulo nya rin no kanina lang masaya tapos biglang matatakot tapos biglang tumakbo pataas. Bwiset talaga.

=========

A/N: Pls. Vote and Comment Thank you :)

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now