Chapter 45

910 35 4
                                    

Dedicated to user08031300 salamat po sa pagbabasa at pag vote po😊

***

Calix Pov

"Where is queen?", tanong ko kay alice pagkadating na pagkadating nya dito sa room.

"Nagpapahinga pa at di pa sya nagigising simula kagabi", nalulungkot na sabi ni alice.

Sinabi sakin ni alice yung nangyari kagabi kay queen dahil siguro yun sa pagod at pressure na naramdaman ni queen.

"Mamaya siguro baka magising na sya",

"Sana nga", nginitian ko lang si alice then hinila sya sa tabi ko.

"Dito ka na lang umupo", sabi ko sa kanya.

"H-huh? Eh pano si amada?", ang cute talaga ni alice. Kahit na anong gawin nya napaka inosente pa din ng muka nya.

"Dun na lang sya sa tabi ni dwayne", sabi ko sa kanya ng nakangiti. Pag kase sya ang kausap ko lagi akong napapangiti.

"Hahahaha", nagulat ako sa biglaang tawa ni alice.

"Bakit?", tanong ko sa kanya.

"Wala naisip ko lang asarin yung dalawa, alam mo kase calix...", pagkasabi nya nun hinarap nya ko sa kanya tapos humarap sya sakin. "Yang si dwayne? Matinik yan, kahit sinong babaeng bola bolahin lang nyan ayos na well except samin na kaibigan nya", sabi nya tapos ngumiti ng may ibisabihin.

"Naisip ko lang kung effective kay amada, since nakakatakot si amada baka sakaling tumiklop na lang si dwayne na parang kabibe, hahaha", sabi nya tapos parang nag iimagine pa napapangiti na lang ako sa nakikita ko sa expression ng muka nya.

Sabagay gusto ko din malaman kung sino makakapag palambot sa puso ni amada, matigas eh.

"Alice", napatigil sa pag iimagine si alice nung tinawag ko sya.

"Bakit?", nakangiting tanong nya.

"Samahan mo ko mamaya", sabi ko sa kanya.

"Saan?", tanong nya.

"Digging for information? To see my skills, profession?", medyo mayabang na sabi ko. Ewan basta parang gusto ko lang magpasikat sa kanya.

"Hmmm ayoko nga", napanganga ako sa sagot nya.

"What?", di makapaniwalang tanong ko.

"Haha joke, oo naman sasamahan kita. Promise ko yan diba?", sabi nya. Hayss kala ko mapapahiya na ko haha.

"Aba! Mukang nagkakamabutihan kayong dalawa dyan ah", singit na sabi ni dwayne.

"Dwayne, tabi na lang kayo ni amada ha?", parang batang sabi ni alice.

"H-Ha?", parang may something sa 'ha' nitong ni dwayne.

"Bakit? May problema ba? Ayaw mo?", sunod sunod na tanong ni alice.

Umiling lang si dwayne tapos ngumiti ulit, ngiting nakakaloko.

"Lagot sakin yang babaeng yan", mahinang sabi ni dwayne bago bumalik sa upuan nila ni amada.

Anong problema nung dalawa?

Sinundan ko ng tingin si dwayne hanggang makarating sya sa upuan nila ni amada.

Para talagang may something sa dalawang to. May nangyari ba?

"Hello Philippines!",

Napatingin kami sa nag bukas ng pinto tapos sumigaw ng malakas na walang iba kundi si dianne.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now