Chapter 27

1.1K 37 0
                                    

===Janielle===

"Saan ba tayo pupunta chase?", Tanong ko kay chase habang nag da-drive. Kanina pa kase kami sa daan pero hindi kami makarating-rating sa pupuntahan daw namin ni chase.

"Chillax ka lang malapit na", sabi nya.

"Eh kanina mo pa sinasabi yan eh", angal ko sa kanya.

"Oh ayan nandito na tayo", sabi nya. Napatingin ako sa labas, liblib lang ang lugar na to tapos may isang malaking bahay at ito lang ang nag-iisang bahay sa lugar na to.

"Anong ginagawa natin dito?", Takang tanong ko kay chase. Ang creepy nung lugar, promise.

"Basta, tara na", sabi ni chase. Hinila na nya ko papasok sa loob pagdating namin sa loob ang dilim ng lugar walang kahit sinong tao, pumunta kami sa may pinkadulo ng bahay na to tapos may pinidot si chase sa pader na dahilan para bumukas ang pader na kasing laki lang ng pinto.

May lumabas dito na hagdan at nagsimula na kaming bumaba, lagi na lang silang may secret room. Ano bang meron dito?

Pagdating namin sa pinakang baba may isang pinto na kailangan pa naming daanan, binuksan na to ni chase at tumambad sakin ang napakaraming tao na...

"Goodmorning King and Queen", sabi nilang lahat tapos tumungo, kami naman ni chase naglakad lang sa pinakang unahan at umupo sa dalawang upuan na pinakang head yata.

Hindi ako komportable sa pwesto ko at sa lugar na to, kinakabahan ako. Sa tingin ko nasa hideout kami ng DFG.

"Ehem", tikhim ni chase na ikinaupo nila.

"First, second, third and fourth come forward", seryoso at ma-awtoridad na sabi ni chase. May binulong si chase dun sa apat pagkatapos ay umupo na ulit yung apat.

"Scared?", nakangiting tanong sakin ni chase.

"Isn't obvious?", sarcastic na sagot ko kay chase na ikinatawa nya ng mahina, ang happy nya talaga lagi.

"Pareho kayo minsan", sabi ni chase na ikinakunot ng noo ko.

"Ni Deinielle", sabi nya.

"Ahhh", wala akong masabi eh, hindi pa din ako makapaniwala na may kamukang kamuka ako.

"Utusan mo sila", napatingin ako kay chase sa sinabi nya, ako ba ang kausap nya? Pero ako lang naman ang katabi nya, hala baka may nakikita sya bukod sakin... Waaahhh chase!

"Shunga! Ikaw po ang kausap ko", sabi sakin ni chase tapos pinitik yung noo ko, napa pout tuloy ako. Mabilis ba talaga akong mabasa? O mind reader tong si chase.

"gawin mo na lang ang sinabi ko", sabi ni chase.

"eh ano namang iuutos ko?",tanong ko sa kanya.

"kahit ano, may kaaway ka ba? Pwede mo silang ipabugbog kung gusto mo?", nagulat ako sa sinabi ni chase, seriously? Nagagawa nya yun?

"FYI, Mr. Ansson, hindi po ako katulad mo, hindi ko po kayang manakit ng tao", sabi ko kay chase.

"Hindi naman natin papatayin eh, bubogbugin lang naman", lalo akong nagulat sa sinabi ni chase kaya nakurot ko sya sa tagiliran.

"a-araaaayyy! Queeeen! Ayoko na!",sigaw nya kaya napatingin samin lahat ng tao dito sa loob. Pero hindi namin pinansin ni chase.

"grabe ka! Grabe kayo ni deiny,kapag sya inaway ko baril ang abot ko, sayo naman kurot, grabe ha", reklamo nya, kasalanan nya eh.

"Ang oa mo ha, babarilin agad",sabi ko tungkol sa sinabi nya about kay deinielle.

"I'm dead serious janielle, mas malala pa sakin si deiny", hindi nga?

"eh? Di nga?", hindi talaga ako makapaniwala, kaya ba nyang pumatay? Tiningnan ako ni chase sa mata na parang sinasabi nya na hindi sya nag jo-joke, hindi ko inaalis ang tingin ko halos naglalaban na kami ng tingin, eto na naman ako bigla na naman akong kinabahan.

"Wag ka matakot kay deiny, may dahilan sya para pumatay",sabi nya na nakatingin pa din sakin tapos ngumiti, napaawang na lang yung labi ko tapos umiwas na ng tingin. Oo na talo na ko.

"hayy",buntong hininga ni chase tapos ginulo ang buhok ko tsaka tumingin na sa harapan.

Tumingin na din ako sa harapan nung pagtingin ko sa may pinakang dulo may napansin akong isang malaking flag na nakapag pa nganga sakin.

"L-lami"mahinang sabi ko. Naalala ko si lami sa nakita ko.

"sino si lami?", narinig pala ni chase ang sinabi ko.

"A-ano yun?", turo ko kay chase sa dun sa flag.

"That's our insignia", sabi niya.

"No! not that flag, the sign... i mean",

"Ahhh... That is Lady Black Dragon, That's Lady Black Dragon represent Deinielle", ngayon naintindihan ko na ang pinagsasabi ni lami, pero paano nakita ni lami si deinielle.

"Bakit?... Lady Black Dragon?",

"Deinielle is actually like a black dragon... Fearless and emotionless but she didn't know that dragon represent to her", natakot ako bigla kay deinielle pero at the same time naawa, paano sya namatay?.

"Paano naman si deinielle?",tanong ko kay chase.

"Because of the Accident",napaawang ang bibig ko sa sagot ni chase... Siguro kung hindi lang ako nagmadali sa pag da-drive buhay pa sana sya ngayon.

"it's not your fault",tumaas bigla lahat ng balahibo ko nang bumuling sakin si chase, naramdaman ko ang hininga nya, isang word lang ang masasabi ko... Ang hot nya.

"L-lumayo ka nga", sabi ko tapos tinulak sya na ikinatawa nya ng mahina.

"Sino mas gwapo si Steven o ako?", parang tanga yung tanong nya. Oo kilala nya si steven dahil lagi ko syang binabanggit kay chase.

"Syempre sya", diretsong sagot ko.

"Grabe ha wala manlang alinlangang sumagot", reklamo nya sakin.

"Nagsasabi lang ako ng totoo", dipensa ko sa kanya. Napapout naman sya kaya natawa ako ng mahina. Para syang bakla haha.

"King",sabi nung babae na amada yata ang name. May ibunulong sya kay chase na dahilan para sumeryoso ang muka nya.

"So tomorrow is the start",sabi ni chase na nakangisi na parang demonyo. Si chase ba to? Kinilabutan ako bigla sa aura nya, hindi sya si chase...

"Amada ihatid mo sya, make sure na safe syang makakauwi", seryosong utos ni chase kay amada, tumango naman si chase.

"Tara na po queen", sabi ni amada, alam ng apat na mataas ang posisyon, ang totoo patungkol sakin pero they still calling me a queen.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko, sumulyap muna ko kay chase nakangisi syang napatingin sakin kaya iniwas ko ang tingin ko.

Pagdating namin sa sasakyan pumasok na kami agad at pinaandar na din ni amada ito.

Gusto kong umiyak sa nasulyapan ko kay chase, bakit sya nagka ganun?

"Hindi pa yun ang tunay na Chase Ansson King of All Gangs", seryosong sabi ni amada. Napabuntong hininga na lang ako.

"Chase i mean King is real Demon", sabi pa ni amada. Halos manlamabot ang katawan ko. Natakot ako bigla kay chase.

"Asahan mong magiging ganun na si king lagi dahil nag start na ang kinaaabangan nila ni queen yun ay ang... The Greates Gangs Fight, The Survival Fight", hindi ko alam kung matatakot ba ko sa laban na sinasabi ni amada, ang inaalala ko si chase. Ayoko syang makitang ganun.

Chase...

============

The Queen of Badass and The Queen of KindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon