Chapter 58

533 18 0
                                    

This Chapter Dedicated to its_me_kris, BlackQueenTaeh, pinksapphire1356, vernielicious at shangging_19. SALAMAT PO SA PAG VO-VOTE PO.


********

Deinielle's Pov

Tinapos ko na ang laban sa pamamagitan ng pagtulog kay lina. I can kill her though but she should have more confident to make me do it. Kung talagang patayan ang labanan na gusto nya, buo dapat ang loob nyang i-taya ang buhay nya. Hindi lang sya ang sumusugal sa labanang ito, isang rank battle lamang to. I wonder kung paano nakatungtong ng rank 4 ang Sorcery Gang, they are not willing to take the risk.

"Queen is Queen, It's been a long time our Queen", sabi ni Mister lucid ng nakangisi matapos ang laban

"Long time no see", nagulat sya sa pagsagot ko sa kanya dahil ito ang unang beses na nagsalita ako pagkatapos ng laban.

"Wowww! She did talk to me", di makapaniwalang sabi ni Mr. Lucid, hindi na ko nagsalita pa ulit at lumabas na. Sinalubong naman ako ni amad~~~

"Nice Queen, I like it", nakangising sabi ni steven, sinamaan ko sya ng tingin dahil hindi manlang sya natatakot na makilala pa kung sino talaga ako, bagkus ay inasar pa ko.

"Siguraduhin mong mananalo ka dahil ayokong napapahiya", sabi ko sa kanya.

"Of course, I am aiming for that throne though", sabi nya, ang tinutukoy nya ay ang trono ni chase.

"Go aim it, as long as you win", binigyan lang nya ko ng isang titig na hindi ko maintindihan. Confident na confident syang mananalo sya. Nagsuot na sya ng mask na kapareho sakin, iyon ang utos ko dahil delikado kapag nakita nila ang muka ni steven, madadamay pa ang pamilya nya.

Hindi sa concern ako, ayoko lang may nadadamay na ibang tao, kung si steven lang naman ok lang pero kung usapang pamilya na, hindi na pwede yun.

"The next fight is King vs King of all Kings", announce ni Mr. Lucid.

Unang pumasok sa loob si Cy dang king ng sorcery gang, naghiyawan naman yung mga tao. Sumunod ay si Steven.

"Yow, I'm not the King", napanganga naman ako sa ginawa ni steven, what is he thinking?

Nagsitahimikan yung mga tao sa sinabi ni steven, alam din nila ang postura at aura ni chase. Kaya hindi sila nagduda ng sinabi ni steven yun, pero hindi na sana nila mahahalata kung hindi na in-announce ni steven ang katotohanang hindi sya ang King.

Nakita ko naman ang excitement sa mata ni steven na ikinatataka ko. Ganun ba syang ka confident para magkaroon ng ganyang excitement, hindi sya natatakot, natutuwa pa sya sa nangyayari.

"What is this Queen?", tanong sakin ni Mr. Lucid mula sa loob ng battle room, tinanguan ko si amada. Pumunta si amada kay Mr. Lucid at sinabi bi ang pinapasabi ko.

"Ow! This is gonna be exciting. Ok guys, temporary na wala si King kaya papaltan muna sya ng lalaking iyon", turo ni Mr. Lucid kay steven. "Kung mananalo sya, sya muna ang papalit. But this is just a temporary, dahil hindi pwedeng paltan ang tunay na king kung hindi sya matatalo ng papalit sa kanya. Since ito ang gusto ni Queen wala tayong magagawa", paliwanag ni Lucid.

Tumingin ako kay steven at nakita ko ang seryoso sa muka nya, palagay ko hindi sya natutuwa sa temporary.

"Akala ko pa naman ang tunay na king na ang makakalaban ko, ang peke pala. Nakaka disappoint", sabi ni cyd. Sana handa din syang ihanda ang buhay nya, being a gangster is not a joke. Ngayon cyd, ipakita mo ang tunay na rank 4. "Kakalabanin ko ang taong wala namang ranggo, nagbibiro ba kayo?", nagtwanan naman ang mga manonood sa sinabi ni cyd at halatang hinahamak si steven pati na ang DFG. Wala namang sinasabi si steven at nananatili lang syang tahimik. May punto ang cyd na to pero hindi ko din pwedeng maliitin si steven. Hindi ko nagugutuhan ang aura nya ngayon, hindi sya yung sweet at malambing na steven. Para syang asong lobo na anytime kaya kang lapain, seryoso at takot ang kaya nyang iparamdam sayo.

Hindi ko dapat hayaan ang ganyang steven ang pumasok pa sa buhay ko, baka masira lang lahat ang plano ko. Hindi ako natutuwa.

"Tama na yan", ani ni Mr. Lucid. "The fight will begin in 3...", I feel uneasiness while Mister Lucid counting down. "2...", nakakramdam ako ng kaba, gusto ko nang matapos ito. "1!", pagkasabing pagkasabi ni Mr. Lucid ng huling numero, parang nag slow motion ang paligid ko at nakita ko na lang na nakabulagta na sa sahig si cyd.

Lahat ng tao at nanood ay tahimik at nangangapa kung ano ang nangyrai, lahat sila ay nagtataka sa kung anong ginawa ni steven. Na kahit ako ay nagulat pero nakita ko, nakita ko. Mabilis na tinuhod ni steven si cyd sa sikmura na dahilan ng paglabas ng kaunting dugo nito at mabilis na in-uppercut si cyd ng sobrang lakas na dahilan ng pagbagsak nito.

Sa palagay ko nahilo si cyd kaya sya nakatulog.

"Wow", napatingin ako sa sinabi ni amada. Lahat kami na shock sa nangyari. Hindi ito maaari, sino ang lalaking yan? Sino ka steven?

Nagsigawan naman yung mga tao ng makabawi sa shock na napanood nila.

"A-ah, P-panalo ang Demon Fang Gang", nagsigawan ulit yung mga tao sa announcement ni Mr. Lucid na nagulat din sa nangyari.

"Anong gusto mong itawanag naming sayo", tanong ni Mr. Lucid kay steven, tumingin muna ito sa gawi ko at ngumiti. Ngiting tagumpay, hindi ko ikinatutuwa ang tagumpay ng ngiti nya, na ang sarap suntukin at wasakin.

"King", maikling sabi nya, alam kong sasabihin nya yan. Aaminin kong napabilib din ako ni steven, hindi sya yung normal na lalaki lang na kayang makipagsuntukan sa labas ng school, hindi sya yung normal na King ng Montagues Academy at hindi sya yung normal na girlfriend lang ni janielle. Hindi yung normal na steven na pilit pumapasok sa buhay ko, delikado sya. Ngayon napatunayan ko na kaya nyang sirain ang plano ko.

Umiling iling ako, dumating naman si steven at preskong nakangiti sakin. Ganyan pala steven gusto mo ha? Sige utuin natin ang isa't isa.

"Hi My Queen", preskong sabi nya, mabilis ko syang sinikmuraan na hindi nya nagawang salagin.

"Masaya ka na?", sarcastic na tanong ko. Nakabawi din naman sya sa pagkakasikmura ko sa kanya at ngumiti na naman ito ng presko. Ngiting nakakaloko, kita mo pati ngipin nyang pantay pantay, wala manlang sungki.

Maganda ngumiti si steven dahil sa ganda ng ngipin nya.

"Ahhh! Nakakagutom yon, tara queen kain tayo", sabi nya tapos inakbayan ako, tinanggal ko naman yung pagkakaakbay nya. Napatingin ako sa likod ng may marinig akong tumatawa ng mahina. Si amada at calix.

"Tell me who is more cool? Your original king or me?", tanong nyang ang presko din.

"Chase", sabi ko ng hindi tumutingin sa kanya.

"Sino si chase? Sino chase? Tell me, tell me", makulit na sabi nya pero di ko sya pinapansin. "Tell me", sabi nya tapos humarang sa daan, napakunot ako ng noo. Ano ba ang pakielam nya? Ang kulit ng taong to ah.

"Si King! Ok ka na?! Masaya ka na?!", sunod sunod na pasigaw na sabi ko, ngumiti naman sya ng malawak at tumango tango.

"Alis, lagi kang paharang harang", sabi ko sabay tulak sa kanya.

"Gusto kong makilala yang chase na yan at bilib na bilib ka sa kanya", sabi ni steven habnag nag iisip tapos tumatango tango pa. Abnormal nga yata to.

"Gusto ka din nyang makilala for sure", I said then smirk.

Kanina lang parang demonyo si steven tapos ngayon ang kulit kulit, minsan naman ang seryoso tapos minsan ang sweet at lovable. Alin ang tunay na sya? Bakit parang pagkaharap nya si janielle para syang maamong tupa pero may kademonyohan pala sa loob, Alam ba ni janielle ang steven na to? Kilala ba talaga ni janielle si steven?


*****

Notes: Vote and Comment po.

The Queen of Badass and The Queen of KindnessWhere stories live. Discover now