Chapter 3

360K 19.6K 14.4K
                                    

Chapter 3: Invitation

Nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sa bayan na sinasabi ni Hegel. Kung totoo mang may alam sila sa lagusan na 'yon ay may malaking posibilidad na masagot ang mga tanong ko.

"Ate Hezira." Napahinto ako nang harangin ako ni Hera.

"Saan ka pupunta?"

"Nasa'n ang mga dugong bughaw?" Tanong ko sa kanya. "Dalhin mo ako sa kanila." Halos lumuhod na ako sa harap nya.

Pakiramdam ko ay malaking kawalan kung hindi ko maabutan ang mga taong tinutukoy ni Tita Rema.

"Anong kailangan mo sa kan---"

"Samahan mo na lang ako, Hera. Pakiusap."

Tumango siya. "Sumunod ka, ate," sabi niya kahit na masyadong lumulutang ang pagkalito sa kanyang mga mata.

Sabay kaming tumakbo sa direksyong itinuro nya. Nakakarinig kami ng mga sigawan sa paligid. Naabutan namin ang isang lalaking naka kalasag na sapilitang kinuha ang mga pilak sa isang nagtitinda.

"Hindi sila dugong bughaw ngunit sila ay mga mawal nila. Nakatira rin sila sa palasyo," paliwanag ni Hera.

Napatingin ako sa tinderong nagmakaawa na huwag kunin ang mga pilak ngunit hindi niya ito pinakinggan. Hindi lang isa dahil marami ang mga kawal na sapilitang kinukuha ang kita ng mga nagtitinda.

"Sobra-sobra na nga ang buwis na ibinibigay namin tapos kukunin nyo pa ang kita namin?" Umiiyak na sambit ng isa sa kanila.

Humalakhak lang ang mga kawal. Tumahimik ang lahat nang dumating ang isa pang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Base sa nakita kong reaksyon sa mga kawal ay mas mataas ito sa kanila.

"Heneral Dignus." Dinig kong tawag sa kanya ng isa sa mga kawal.

"Tapos na ba kayo?" Tanong nito sa mga kawal.

Nanatiling nakatingin ang mata ko sa kanila. Nakakainis na mababa na nga ang mga tao dito ay nilalamangan pa nila. Buwaya at sakim sa kayamanan.

Wala rin palang pinagkaiba ang mga nilalang dito sa mundo namin. Ganid sa kayamanan at karangyaan. Hindi marunong makuntento sa kung anong meron. Naghahangad pa ng higit sa pangangailangan nila.

"Matigas ang ulo ng iba. Ayaw ibigay ang mga pilak," sumbong ng isa sa mga kawal.

Mas matigas ang bungo nyo. Hindi naman sa inyo pag-aari kinukuha nyo.

"Paslangin ang ayaw sumunod."

Napatingin ako sa matandang yakap-yakap ang maliit na kahon na sa tingin ko ay naglalaman ng pilak. Mahigpit ang kapit niya sa bagay na 'yon.

"Tanda, ibigay nyo na lang nang hindi na kayo masaktan."

"Hindi ko ito ibibigay sa inyo."

Akala ko ay hindi na nila ito pipilitin ngunit naglabas ng espada ang isang kawal at itinutok ito sa leeg ng matanda.

"Ate Hezira, halika na. Baka madamay pa tayo."

Hindi ko pinansin si Hera na pinipilit na akong hilain.

Nanlaki ang mata ko nang tinulak nila ang matanda dahilan kung bakit nabitawan niya ang kahon. Nagkalat sa lupa ang mga pilak na masaya namang pinulot ng mga kawal. Galak na galak sila sa ginawa nila at hindi n pinansin ang matandang wala ng nagawa kundi ang tumitig na lang sa kanila.

Aktong lalapit na ako nang hawakan ako Hera sa laylayan ng damit ko.

"Hindi mo gugustuhing madamay, Ate Hezira," kinakabahang sambit nya.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon