Chapter 12

326K 13.1K 4.8K
                                    

Chapter 12: Arcus University

“Welcome to Arcus University!” Biglang sumulpot ang isang lalaking nakakulay berdeng uniform na longsleeve. Normal lang ang kulay ng kanyang mata at ang buhok ay kulay abo na bumagay sa maputi niyang kinis.

Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa unti-unting naglaho ang mga ngiti na ‘yon.

“Mukhang hindi niyo ako naintindihan. Sabagay, baguhan pa lang kayo.” Tumango pa ito sa dahilan na naisip niya. “Kung ganon ay uulitin ko na lang.” Sumeryoso ito muli bago tumikhim. “Maligayang pagdating sa Arcus University!” Napangiwi ako dahil sa lakas no’n na sinabayan pa ng pagtaas niya sa dalawa niyang kamay.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lazaro. “Maraming salamat, ginoo.” Lumapit ito sa kanya.

Napatingin naman ako kay Dominus dahil kanina pa pala siya tahimik. Bakas pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha habang tinitignan ang paligid. Ang sa pinakabungad kasi ng AU ay parang quadrangle na may engrandeng bilog na fountain sa gitna. Sa paligid ay nakakalat ang mga acacia trees na sa lilim no’n ay may mga bleachers. May mga estudyante rin na nakaupo sa gilid ng fountain. May nag-iisang daan sa diretso na sa tingin ko ay papasok na talaga sa loob.

“Ang ganda, hindi ba?” Tanong ko kay Dominus.

Napatingin naman siya sa akin bago tumango. “Kaakit-akit ang lugar na ito pero…” Biglang lumungkot ang kanyang mukha. “Hindi man lang ito masinagan ng mga nasasakupan namin sa labas.” Payak na ngumiti ito.

Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa kanyang mga sinasabi. Hindi lang pansariling kasiyahan ang nais niya kundi ang pangkalahatan. Doon pa lang ay inaamin kong humahanga na ako sa kanya.

“Hezira… Dominus!” Sinenyasan kami ni Lazaro na lumapit sa kanila. “Sila ang aking mga anak.” Pagpapakilala sa amin ni Lazaro.

Kahit na nagulat ay pinilit kong ngumiti. Hindi man lang ako nasabihan na may ganito pa pala at mukhang magkapatid pa kami ni Dominus.

“Isang magandang araw, Binibining Hezira.” Ngumiti ito sa akin bago tumingin sa katabi ko. “Sa’yo rin, Ginoong Dominus.”

“Kinalulugod ko ring makilala ka…” Nakangiting sagot ni Dominus habang ako ay tanging ngiti na lang ang naisagot.

“Ako nga pala si Levio. Class B at ang kasalukuyang 6th Chief.” Pagpapakilala niya. Itinaas niya ang kanang manggas ng kanyang polo at nakaukit doon ang number 6. Mabilis niya rin ‘yong ibinaba. “Halikayo at sasamahan ko kayo sa Supreme Office. Kanina pa kayo hinihintay ni Lady Nerisa.”

Tumalikod na ito sa amin at nag-umpisang maglakad. Napatingin ako kay Dominus nang marinig ang mahina niyang pagtawa.

“Anong nakakatawa?” Tanong ko sa kanya.

Nauunang naglalakad sa amin sina Lazaro at Levio.

“Wala kasi akong naintindihan sa sinabi niya.” Natatawa pa rin ito.

Napailing na lang ako. Umikot kami sa engradeng fountain bago dumiretso. Medyo makitid ang daan hanggang sa naging malawak. Namangha kami sa ganda ng estruktura ng mga gusali. Masyadong modern na ang mga pinto ay yari sa salamin ngunit hindi kita ang sa loob.

Marami-rami ring estudyante ang nakakalat sa paligid ngunit ang kanina ko pa napapansin ay ang mga kulay puting uniform dahil halos ganon ang nakikita ko. May mga kulay berde ngunit iilan lang ‘yon.

Dumiretso kami sa isang opisina. Gaya ng mga nakita namin ay yari sa salamin ang pinto pero hindi kita ang sa loob. Itinapat ni Levio ang kanyang palad sa parang scanner bago lumitaw ang kulay berdeng ilaw roon.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon