Chapter 8

343K 15.9K 5.4K
                                    

Chapter 8: Protected

Hindi ko inakalang may nakakatanda pang kapatid si Prinsipe Dominus. Masyadong malayo ang pagkakahalintulad nila. Kung si Prinsipe Dominus ay sumisigaw ang kasiyahan, ang kanyang nakakatandang kapatid naman ay nababalutan ng misteryo. Kinakabahan ako sa tuwing mapapasulyap sya sa akin.

"Nakakainip mag-aral mag-isa! Wala akong kaklase! Ako lang at ang guro sa isang napakalawak na silid! Namamatay ako sa lungkot!" patuloy pa rin sa pagsasalita si Prinsipe Dominus habang naglalakad kami.

Nasa unahan sila habang ako ay nakasunod lang. Pumasok kami sa loob ng palasyo at tinahak ang mga malawak at tahimik na pasilyo. Hindi ko maiwasang punahin ang masyadong pagkakadetelyado nang pagkadisenyo ng paligid.

"Alam kong alam mo na ang isasagot ko sa'yo, Prinsipe Dominus." Malamig na sagot nito.

Bawat nadadanan naming tagapagsilbi at kawal ay yumuyuko ang mga ito sa amin. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa.

"Pakiusap, Prinsipe Arcus. Hayaan mo akong makapasok sa Arcus University!"

Prinsipe Arcus? Arcus University? Posibleng sa kanya ipinangalan ang paaralan na 'yon. Ang swerte naman nya. Pero bakit hindi kay Dominus? Ano ang meron kay Prinsipe Arcus na wala kay Prinsipe Dominus at bakit sa kanya isununod ang pangalan ng unibersidad na 'yon?

Muntik na akong masubsob sa likod nila nang bigla silang huminto. "Bakit ka nakasunod sa amin, binibini?" biglang tanong ni Prinsipe Arcus nang hindi man lang humaharap.

Napatingin ako sa likod ko at sa paligid. Wala namang ibang babae dito kaya malamang na ako ang sinasabihan nya. "Paumanhin ngunit nagkakamali ka. Si Prinsipe Dominus lang ang sinusundan ko." halos mapairap ako ngunit pinigilan ko.

Tumingin sa akin si Prinsipe Dominus habang ang kanyang kuya ay nanatiling nakatingin sa harap.

"Saan mo galing ang babaeng 'yan?" humarap ito kay Prinsipe Dominus.

Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil nakasuot pa rin sa kanya ang kanyang balabal. Mahulugan ka sana ng butiki o ng gagamba. Nainsulto ako sa klase ng pagtawag nya sa akin.

"S-Siya ang ibinilin sa akin ng mahal na hari. Ang aking tagapagsilbi." nauutal na sagot ni Prinsipe Dominus.

"Really?" ramdam ko ang panunuya sa kanyang boses. Hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin ang paggamit nya ng english dahil kinakabahan ako.

Pinagtatakpan ako ni Prinsipe Dominus sa kasinungalingang ako ang pinili ng mahal na hari na magbabantay sa kanya. Ngunit parang hindi 'yon tinatanggap ng kanyang nakakatandang kapatid dahil sa klase ng tono nito.

"Y-Yes and it's none of your business! You don't want me to enroll in that university? Fine! Huwag mo lang papakialaman si Hezira!"

Nagulat ako nang hilain ako ni Prinsipe Dominus palayo doon. Ramdam ko ang inis at galit sa kung paano nya hawakan ang aking braso. Masyadong mahigpit at nasasaktan ako ngunit parang hindi nya 'yon napapansin.

Dumaan kami sa isang malawak na pasilyo. Mabilis ang paglalakad namin ni Prinsipe Dominus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang aking braso. Bawat hakbang na ginagawa namin ay lumilikha ng ingay na sumisira sa katahimikan.

Huminto kami sa isang matayog na pinto kung saan may dalawang bantay na kawal. Diretso lang ang tingin ng mga ito na animo'y mga rebulto lamang.

Mabilis na binuksan ni Prinsipe Dominus ang pinto at pumasok kami. Namangha ako sa lawak ng silid na ito. Ang sahig ay binabalutan ng kulay pulang karpet. Sa itaas ay may aranya pa na parang kumikinang dahil sa mga dyamanteng dito ay nakadikit. May balkonahe din kung saan kitang-kita sa labas ang malawak ma hardin. Kabigha-bighani ang ganda ng malawak na silid ni Prinsipe Dominus.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon