Epilogue

357K 13.6K 13.3K
                                    

Hanggang dito na lang po ang Taste of Blood. Maraming salamat sa pagbabasa!

Official Hashtag: #LasangDugoWP


***

EPILOGUE


Hingal na hingal na tumatakbo sa isang madilim na kagubatan, palinga-linga sa paligid, umaasang hindi nila ako nasundan. Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malapad na puno, umupo at niyakap ang mga binti.

Umangat ang tingin ko sa kalangitan, halos matakpan ng mga sanga ng puno ang bilog na buwan. Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito, basta bigla na lang akong nagising dito. Hindi ko alam kung sino ang humahabol sa akin pero dahil sa natakot ako ay tumakbo na lang ako nang tumakbo.

Pigil ang paghinga ko para hindi ako marinig. Kung maaari lang pati ang tibok ng puso ay panandaliang itigil para lang 'di makagawa ng ingay ay ginawa ko na.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kaluskos. Hindi ko mapagtanto kung saan, kung sa mga tuyong dahon ba sa daan o mga dahon sa itaas ng puno. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko dahil nawala ang ingay.

Ilang sandali pa... Tila umakyat sa ulo ko lahat ng dugo sa aking katawan. Sa harap ko ay may isang nilalang na nakatalukbong ng itim na balabal. Hindi ko maaninag ang kanyang madilim na mukha pero sapat na ang pula niyang mata para malaman na hindi siya normal.

Pumatak ang luha sa aking mata nang mapansin ang pangil sa kanyang labi. Matalim na tila kahit na hawakan lang ay masusugatan ka na. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ito sa hindi ko mapagtantong dahilan.

"Hezira..." Isang malalim na tinig na tila umalingawngaw sa tainga ko.

Naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko at nang imulat ang mga mata ay nakita ko si Mags na may hawak na pitsel na may tubig. Ibubuhos na niya sana sa akin 'yon mabuti na lang at napigilan ko siya.

"Umuungol ka na naman!" sigaw niya sa akin. "Naku naman, Hezira. Wet dream na naman?"

Umupo ako mula sa pagkakahiga, inalog ang ulo at pilit na inaalis ang panaginip na 'yon. Ilang sandali pa ay kumalma na rin ang nag huhuramentado kong puso.

"Ano na, Hezira?!" sigaw pa ni Mags. "Huwag mong sabihin na pinagpapantasyahan mo si Sir Dominique?"

Nilingon ko si Mags. Hawak pa rin niya ang pitsel. Napangiwi ako nang makitang naka uniform na siya. Oo nga pala, may pasok pa kami. Ilang araw na rin akong binubulabog ng panaginip na 'yon, apektado na ang pamumuhay ko.

Walang buhay na bumangon ako at kinuha ang nakasampay na tuwalya at uniform bago pumasok sa banyo. At nang matapos ay mabilisan lang na nag-ayos ako ng sarili. Nakakahiya na sa mga estudyante ko kapag late na naman ako.

Wala na si Mags na malamang ay nauna na. Mag-iisang taon na rin akong nagtuturo rito sa isang unibersidad. May mga dorm dito para sa mga estudyante at meron din para sa mga guro na malayo ang tirahan. At ako? Mas gusto ko na lang dito, ayoko nang bumalik sa bahay, wala na rin naman akong kasama. Namatay si Mama sa isang aksidente at matapos no'n ay natuto na akong mag-isa.

Habang naglalakad papunta sa Faculty ay dinanan ko ang isang pathway na napapaligiran ng mga puno. Tahimik at masarap sa pakiramdam ang haplos ng sariwang hangin dito.

Sandali akong huminto para halinahin ang mga mata sa ganda ng mga puno. Parang ang sarap sa pakiramdam na makaakyat sa puno, walang makakagambala sa 'yo, sariwa ang hangin at tahimik.

"Nature lover?"

Nilingon ko kung saan galing ang boses. "Good morning, Sir Dominique," magalang kong bati sa punong-guro namin.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon