Chapter 36

169K 8.1K 4.2K
                                    

Chapter 36: Balita

Hinarap niya ako sa kanya matapos ng matagal na yakap. Napatitig ako sa kanya. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga asul na mata. Ilang segundo ang lumipas bago sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"You are such a tough girl, Hezira. You always make me amazed."

Muli niya akong hinila para sa isang mahigpit na yakap. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Sa gitna ng mapanganib na gubat ay ipinikit ko ang mga mata ko at ibinaba ang aking sarili dahil alam kong wala na akong dapat pang ikatakot. Ngayon ko lang naramdaman na ligtas ako sa mundong ito, sa mga bisig niya ay alam kong walang makakapanakit sa akin.

Pagkauwi namin ay nakahanda na ang mga pagkain. Pinagmalaki pa nila Hegel at Hera na sila ang nag-ayos ng lahat ng iyon. Sabay-sabay kaming kumain. Pinupuri pa ni Dominus ang magkapatid dahil sa tapang daw ng mga ito pagdating sa pangangaso.

"Mas matapang pa kayo sa mga bata sa palasyo," natatawang sabi ni Dominus. "Kayo mismo ang bumubuhay sa sarili niyo habang sila ay umaasa sa mga nakahain na."

"Hindi ba mas maganda 'yon, Kuya?" Nagtatakang tanong ni Hera. "Mas maganda na nasa harapan mo na ang pagkain kaya hindi mo na kailangang magpagod pa?"

Nakangiting umiling si Dominus. "Mas magandang makuha ang mga bagay kapag pinaghihirapan. Sa gano'n ay mas natututo tayo nang hindi dumidipende sa iba."

"Iyan din ang sabi ni Ina!" masayang sabi ni Hegel. "Matuto raw tayong gumalaw sa sariling paraan dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may katabi tayong tutulong sa atin."

Natigilan ako sa pagkain. Naalala ko si Tita Rema. Buhay siya, pero mukhang sinakop na ng kasamaan ang kanyang pag-iisip. Gusto ko 'yon sabihin kina Hegel at Hera pero itinikom ko muna ang bibig ko lalo na't hindi pa rin ako sigurado sa kalagayan ng kanilang Ina. Ayokong umasa sila at mabigo rin sa huli.

"Hera, halika!" aya ko kay Hera pagkatapos naming kumain.

Mabilis na lumapit din sa akin si Hegel. "Ako, ate? Hindi mo ba ako isasama?" tanong nito.

"Hegel..." Binalingan ko ng tingin si Dominus. "Maiwan ka muna sa Kuya mo. Maliligo lang kami ni Hera sa batis. Para lang ito sa aming mga babae."

Tumawa si Dominus. "Bawal ba kaming sumama?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagkatapos na lang namin," sagot ko.

"Ganito ba ang pamilya? Dapat sama-sama!" pagpupumilit ni Dominus.

"Oo nga! Tama! Tama!" pagsang-ayon ni Hegel na nakahawak na sa braso ni Dominus.

Mukhang nakakuha ng kakampi si Dominus.

"P-Pero kasi..." Lumunok ako nang makaramdam ng hiya. "Maghuhubad kami. Lalaki kayo!"

Nanlaki ang mga mata ni Dominus. "Mas lalong dapat kasama kami! Paano kapag may sumilip sa inyo? Huwag na lang kayong maghubad habang naliligo, kapag nagpalit na lang ng saplot tapos doon kami tatalikod ni Hegel."

Tumamad ang tingin ko sa dalawang lalaki na ngayon ay pursigido nang sumama sa amin. Bakas ang determinasyon sa kanila na sumama.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tumango."Sige na. Magdala na lang kayo ng damit na pampalit para hindi kayo lamigin!"

Nag-apir pa ang dalawang lalaki.

Nilapitan ni Hegel si Hera. "Tara. Maghanap na tayo ng pampalit sa mga bago nating damit!"

"Sige!" At sabay na silang pumasok sa silid.

Naiwan kaming dalawa ni Dominus. Lumapit siya sa akin at nung makapalit na siya nang tuluyan ay hinampas ko ang kanyang braso.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon