Chapter 7

1.7K 94 12
                                    

          Parang nakalunok ako ng isang basong laway dahil sa kaba habang nakatitig ako sa kanya. He looks different!
          Parang may bago sa mukha niya o sa facial expression niya. Namumula ang tenga niya at konti sa pisngi niya. Omg! Huwag po Kuya!

         "Are you playing with me? Cos I love to play and I warn you now... I never lose."

         Huh? Hindi ko siya ma gets. Anong play? Anong games? Hindi ko naman sinasadyang mapunta sa kama niya ah! Sakyan ko yang kayabangan mo eh! Arghh!

"You never lose? Let's see!" Juicekolord! Nagulat rin ako sa sagot ko. Nakakainis na kasi!

         "Let's see?" Dahan-dahang lumapit si Ed sa akin. Nakabukas ang pintuan. Pilit ko mang iwasan ang titig niya sa akin, parang ayaw niya akong tigilan. Juicekopooo!

         "So you are challenging me. Ok! Remember, you started this, I'm not backin' out!"

          Bigla niyang kinuha ang unan na kanina ko pa pala hawak-hawak at yakap-yakap. Napatitig ako sa unan. Nako po! Kulay blue. Napatingin ako sa kama ko. Puting unan na may pulang rosas ang unan ko.

          Unan lang pala ang gusto niyang makuha sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya. Parang hahalikan ako. Paano na 'to!

         "See? I never lose!" Sabi niya habang amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Tao pa ba siya? Limang paligo nalang yata parang magiging santo na!

          Pero... Arggh! wala akong nasabi at nakalabas na siya. Natameme lang ako. And maybe he's right! Hindi siya natatalo but from now on this is WAR.

        Napahiga ako sa kama na parang nawalan ng lakas. Mag-isip ka, May!
        "Ed Barber, I'll play your dirty games. Hmp!"

         Hindi na ako makapaghintay na makaganti. He thinks he's the winner. Well, well, well, that should be me!

         Sa kwarto hinanda ko na ang sarili ko sa dramang naisip ko. "Araaaaayyyy!" Sabay hawak sa likuran ko. Lagot ka sa akin ngayon, Ed.

         Akala ko si Ed lang ang makakarinig, akala ko siya lang ang papasok sa kwarto ko. Nagulat ako na lahat sila sa bahay naroon kaagad sa kwarto ko, na kwarto ni Ed noon.

        "Jusko!!! Ma'am May, ito na nga ang kinakatakutan ko." Nag-aalalang sigaw ni Nanay Tere. Naroon rin ang cook at driver ni Ed. Napatanong ako sa isip ko, ano kaya ang ibig sabihin ni Nanay Tere. Bakit tila naisip na niyang mangyayari 'to.

         "Ey! What's wrong, May! What happened?" Seryoso at natatarantang sabi ni Ed.

         Medyo naguilty ako. Mali yata tong naisip kong plano. Nadamay pa ang lahat at ngayon dadalhin pa yata ako sa hospital. Nooooo!

         "Tatay, we need to bring her to the hospital." First time kong nakita na ganun ang ekspresyon sa mukha ni Ed. Does he care now? Or maybe he takes me now as his responsibility? Bakit kaya?
Huwag umasa, May! Walang ritemed sa gamot ng hopya!

          "Ahm. I'm okay pala." Alam kong agad agad ang pagbawi ko,palpak ang naging plano ko at hilaw ang ngiti ko. Paano ba naman, full force pala sila dito sa bahay na 'to. Next time nalang.

         "You almost shut my heart down. I thought something bad has happened to you!" Kitang kita ko na na-frustrate si Ed sa ginawa ko. Dapat nga masaya ako pero bakit parang nagi-guilty na agad ako. No! This is a game. He thinks he's the winner. I know in the end, the winner should be me!

         Lumabas na sila sa kwarto. Nakita ko pang nagbulungan si Tatay at Nanay Tere. Huling lumabas si Ed. Halata pa rin sa kanya ang pag-aalala sa akin. "If you think that was funny, it's not! Please don't make that a part your crazy games!"

         Bumalik muli ang normal na Ed. Seryoso, bossy, strikto at tila walang dahilan para ngumiti. Kung libro si Ed siguro Chinese book siya, hindi ko talaga maintindihan bes!

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now