Chapter 11

1.3K 87 20
                                    

          Mabilis ang mga pangyayari. Sa baba ng hagdanan nandoon na nakapark ang itim na sasakyan ni Ed. Wala si Tatay, siguro siya ang nagdrive papunta dito sa ospital.         

          "Ano ba ang ginagawa mo?!" Tanong ko habang kinakaladkad ako ni Ed papasok sa kotse niya. Ang gulo na ng utak ko, ang gulo pa nila!

          "Keeping you safe from a stranger." Bossy na sagot niya.

         "Bakit di ka ba stranger sa akin!?" Alam kong safe ako sa kanya pero stranger pa rin siya sa akin.

          "If Nurse Jane didn't call me, you would have gone with that man. He might take you or kidnap you."

         "Wow! Ha! Kidnapper ba ang mukhang yon! Mas gwapo pa nga yon sa 'yo." Gusto ko siyang inisin at galitin.

         "Better be safe than sorry."

          Paano ko ba talaga siya gagalitin. Alam kong nasabihan na rin siya ni Nurse Jane na alam ko na ang totoo kaya ayan na naman nagmamayabang.

          "Ibaba mo nga ako!!! Ayon na oh! May nakakakilala na sa akin. Boyfriend ko pa! Bakit ba kailangan mo pa akong isama, ha! Tsaka yung nakasagasa sa akin kaibigan mo at hindi mo pa rin sinabi sa akin!" Hindi ko maintindihan kung bakit ang pagkakataon na ang nagbabalik sa akin kay Ed pero ang alam ko hindi naman kailangan na sa kanya ako sasama kung may mabuting loob na na nakakakilala sa akin.

          "You don't know him, do you?"
           Hindi ako agad nakasagot. Tama rin naman, sa ngayon mas kilala ko si Ed kesa sa gwapong yon.

          "Hindi. Bakit ikaw kilala mo, ha?!" Pasigaw na tanong ko. "Yabang!" Bulong ko.

         "I do."
         Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang mga mata niya at kitang kita ko na seryoso siya. Tell me more, Ed. Nakikiusap ang kaluluwa ko. Pero hindi, hindi ako magmamakaawa sa kanya. Ang yabang kasi!

          "And???" Pasimpleng sagot ko, umaasa akong magpapatuloy siya sa pagsasalita.

          Huminto si Ed sa tabi ng daan. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Juicekolord! Ano na naman to?

         "Say please muna." Bulong niya.

         "Buang jud ka ba!" Sabay tulak ko sa kanya.

          Ngumiti siya at patuloy na nagdrive.

           Ilang minuto rin naging tahimik sa loob ng sasakyan. "About that Tanner. I'll tell you at the right time. Just trust me now." Biglang sabi niya.

           "Eh, yong babae? Hindi ba siya marunong magsorry?"

          "She's out of the country now. Her parents wanted her to leave and have some peace of mind." Tila kilalang kilala ni Ed ang babae.

           "Siya ba yong sinundan mo?" Tanong ko naman. Bakit ba interesado ako? Arrghhh!

           "Yes. She was my girlfriend."
           Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Buti nalang parang WAS lang ang narinig ko. Past tense na, huwag nang ma-tense!

           "Her name is K." Patuloy niya. Nakikita kong malungkot si Ed. Ang buhay nga naman, sadyang mapaglaro. Akala ko pa naman nasa kanya na ang lahat pero tila ang haba rin ng kwento ng buhay ni Ed.

          "She was very sweet, very thoughtful, she likes to wear dresses..." Napatingin ako sa suot ko. Waley!
           "....She enjoys shopping, she loves to be with me all the time till she became controlling." Hindi man ako nagtanong, nagpatuloy lang si Ed. Nakinig naman ako. Gusto ko na rin malaman kung ano talaga ang nangyari at kung sino talaga si Ed.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now