Chapter 39

1.3K 73 16
                                    

"Nandito kasi si K, nangungumusta sa 'yo, pero paalis na rin..." Tiningnan ko sa mata si K. "Paalis ka na, 'di ba?"

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pananabik niya na mayakap at mahawakan man lang si Ed. Halos may pagnananasa na nga ang tingin niya.

"Hi, K! I am fine. I'll be better. Till next time." Pagbati at pamamaalam ni Ed sa kanya. Siguro nga ganyan yong mayayaman noh, napakapormal magsalita, parang walang problema, parang walang gulong nangyari at parang di ako sinagasaan ng babaeng kausap niya na dahilan ng pagkawala ng memorya ko. Ang galing lang!

"Good. Till next time - very soon." Sagot ni K na nakatitig at sabik na sabik pa rin sa asawa ko. At may 'very soon' pa talaga ha!

Ngumiti lang si Ed at hinawakan ako sa bewang ko at niyakap ako. Sabay naming tiningnan si K palabas ng bahay.

"You wanna see the other side from here?"

Nagulat ako sa biglaang tanong ni Ed, 'di ko na gets agad. Ingles rin kasi, medyo napaisip ako. "Hmm?" Tanging nasabi ko kay Ed.

"The Yacht?" Nakita kong excited si Ed kaya naman ayaw ko nang palampasin ang pangalawang pagkakataon na ito.

"O ba! Tara!"

Alam kong may mga gamit na kami doon sa yate kaya 'di na ako naghanda. May pagkain na rin kaya agad na kaming bumaba sa maliit na daanan mula sa bangin.

Pagbaba namin sa tabing dagat hinawakan ni Ed ang kanang kamay ko. Ang saya niyang tingnan, nakasuot ng puting t-shirt at pajamas niya.

Malapit na kami sa yate nang biglang binitawan ni Ed ang mga kamay ko at nagmadaling umakyat sa yate. "Mrs. Barber, let me welcome you to "May Princess" yacht." Habang nakatingin siya sa akin na nasa labas pa ng yate.

Tama nga, nakapangalan nga 'to sa akin. Habang nakatingin ako kay Ed na masaya, ang saya saya ko rin. Parang nag-slow motion ang paligid ko, siya lang ang tanging nakikita ko.

Bigla nalang nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Sabi nga ng doktor na baka panghuli na ang susunod na atake sa puso ni Ed. Kung kailan at kung saan, walang nakakaalam. Tanging ang Diyos lang ang may hawak ng buhay. Ang iba nga nasasagasaan, ang iba naman ay natatapos na ang buhay habang natutulog lang. Kahit sino naman na minamahal natin pwedeng kunin sa atin bukas o sa makalawa. Kaya ang sitwasyon namin ni Ed ay walang pagkakaiba. Kaya mula ngayon papahalagahan ko ang bawat ngiti sa labi niya, ang bawat kislap sa mga mata niya at bawat yakap at halik na nagmumula sa kanya.

"Paakyat sa May Princess mo ha?" Sinundan ko ang asawa ko sa yate ng walang pagdadalawang isip. Pangalawang pagkakataon ko na 'to.

"Welcome aboard, my Love!" Agad namang niya akong niyakap. "Honeymoon part 2?" Bulong niya.

"Ay! Grabe siya! Kailangan mo pang magpahinga, Sir. Huwag matigas ang ulo." Paalala ko sa kanya.

"Nahh! I want gawa baby." Pabebeng sagot niya.

Abangan...

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now