Chapter 13

1.5K 103 14
                                    

          Hindi ko maalis ang mga mata ko sa napakagandang tanawin. Ang karagatan ay kumikintab dulot ng konting ilaw mula sa mga bituin. Grabe bai! Nasa langit na ba ako?

         "May, I need to do some work."

         Binanggit niya pangalan ko? Sobrang bihira lang niyang tawagin ako sa first name ko. Ang sarap naman pakinggan.

          "Saan? Sa kwarto mo?" Sa totoo lang ayaw kong maiwan mag-isa. Nakakatakot pa rin talaga.

         "That door, beside the TV is the way to my office. So, don't worry you won't feel alone. K?"

          Ang sarap sa tenga sa tuwing pinakikinggan ko si Ed. Yong tipong alam kong hindi siya nahihirapan sa pagsasalita ng Ingles. Hindi tulad ko, nosebleed parati bes!

          Binuksan ko ang glass door palabas sa balcony at umupo na muna ako doon. Nang biglang...

***

Si May ay masayang nakaupo at nagbibilang ng mga bituin sa tabing dagat.

"Hon, halika sabay tayong magbilang." Sabi ni May.

Lumapit ang isang lalaki at tumabi kay May.
"Hon, will you marry me?" Sabay bukas ng red jewelry box.

Masayang niyakap ni May ang lalaking tumabi sa kanya.

***

           "Ha? Araaay!" Sumakit bigla ang ulo ko nang may naalala ako.

           "What happened?" Biglang napapunta si Ed sa balcony.

           "Wala. May naaalala lang ako. Totoo nga na fiance ko yong lalaki kanina."

           "Wait here, I'm gonna get something." Nagtungo si Ed sa opisina niya na katabi lang sa sala at bumalik rin kaagad. "Here, this might help. I have music here for you, remember?"

           Ibinalik ni Ed ang iPhone 7 at earphones na binigay niya. "Thank you ha."

          Tumayo siya sa likuran ng upuan ko. Hinawakan ang balikat ko. Ed, huwag po! Char! Sarap ng hawak niya, hindi masakit, hindi nakakakiliti, sakto lang, yong hawak na nakakakalma. Kalma, May! Kalma!

           "Feeling better?" Tanong niya habang isinusuot ko ang earphones.

          "Salamat, Sir! Pero okay na. Tama na. Nakakahiya na." Lumabas na ang hiya ko, mabuti nalang.

          "I'll leave you from here?"

         "Okay po!"

      I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

            "Ganda naman nito, anong title kaya." Binuksan ko ang iPhone, Charlie Puth - One Call Away Lyrics.

            Nakatulong nga ang pakikinig ko. Agad na naging okay naman ako kaya naisipan ko nang magpahinga. Inulit ko muli ang One Call Away, at habang kinukuha ko ang bag ko malapit sa pintuan, kumakanta pa rin ako.

            "I'm only one call away, I'll be there to save the day. Superman got nothing on me. I'm only one call away." Maingay kong kinanta paakyat sa hagdanan para maghanap ng kwarto.

             Pumasok  na ako sa unang pintuan na nakita ko. "Wow! Sobrang ganda bai parang hotel."

           Ibinaba ko ang gamit ko at napahiga na muna sa napakalaking kama. "I'm only one call away... Haaaa. Nakakaantok tong kama nato ah!"

          Tiningnan ko muli ang cellphone para itsek ang oras. "Naku! Ang haba ng araw na 'to, 1:15 na pala ng umaga. Haaaa."

***

Nakatulog si May sa napakalaking kama. Dumating si Ed, naka-checkered boxers lang at agad na pinuntahan niya si May sa kama, sobrang lapit, hanggang sa magkatabi na sila sa malaking kama.

"Hey!" Sabi ni Ed habang kinukulit si May sa balikat.

"You slept with your earphones on your ears. That's not good. Come, let me take it out."

Sa sobrang pagod, inaantok pa si May. "Hmm. Salamat, Ed. Ikaw siguro ang Superman ko. You always save my day."

Ngumiti naman si Ed. "Just let me take care of you, okay?"

"Okay." Sagot ni May na nakapikit.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now