Chapter 29

1.5K 92 26
                                    

         "Tanner." Pag-acknowledge rin ni Ed sa kanya.

         "I'd like to talk to my girlfriend." With accent pa talaga ang sagot ni Tanner sa kanya.

        Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako sa pagdating niya at kung paano nga ba niya nalaman na doon ako nakatira.

       "Bro, it has been 2 years since you left." Tila pinipigilan ni Ed ang galit at halos pabulong na ang boses niya.

        "I didn't leave. She ran away on the day of our wedding." Paliwanag ni Tanner na parehong magkaharap sa pintuan.

        Madugong usapan! English! Hindi ko alam kung kasali pa ba ako sa usapan o subject lang ng usapan nila.

        "Pwede ba siyang pumasok?" Tanong ko kay Ed.

         Tumango lang si Ed. Tila nagulat dahil parang pinapaboran ko si Tanner kesa sa kanya.

         "Pasok ka." Pag-imbita ko kay Tanner.

         Sa pagpasok ni Tanner bigla akong nahilo. Napahawak pa ako sa furniture na malapit sa pintuan.

***

Isang araw bago ang kasal, nasa hotel na si May at Tanner at naghahanda na si May ng mga souvenirs at bulaklak niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Tanner.

"Hon, may nagtext o. Pwedeng basahin." Sigaw ni May kay Tanner na naliligo.

Hindi narinig ni May ang sagot. Pero sa dalawang taon nilang pagsasama pinapayagan naman siya ni Tanner na buksan ang cellphone nito kaya binuksan niya.

Message from Lyla:
I miss you. Thank you for the good night last night. Hugs and kisses.

Lumabas si Tanner sa banyo na nakatuwalya lang. "Hon, did I hear you say something?" Inosenting tanong ni Tanner.

"Hear you say something yang mukha mo! Huwag mo kong daanin sa maganda mong katawan at pa-englishenglish mo!"  Naging mabilis ang reaksyon ni May sa nakita niyang text.

"What are you talking about?"

"You. You don't pretend! Nagawa mo pang mambabae kahapon na ikakasal ka na bukas! Ang malas ko pa dahil ako ang babaeng pakakasalan mo."

Hindi na nakapagpaliwanag si Tanner at lumabas na si May sa kwarto hanggang sa tuluyan nang umalis.

***

        Naalala ko na ang nangyari. Dapat ko na siyang kausapin para tigilan na niya kami ni Ed. "Salamat naman at hinanap mo pa ako. Gusto ko lang sabihin na kasal na po ako. At pasensya na kung nabalewala ang gastos mo sa kasal natin na di natuloy."

         "But let me explain." Nagmamakaawang Tanner. Tila hindi pa makapaniwala sa sinabi ko.

         "As I have said, kasal na po ako. At dahil hindi ko naman maalala ang sakit ng nagawa mo. I forgive you. And you may go." Matapang kong sagot sa harap ng dalawang lalaki na nagmahal at nagmamahal sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na pinag-aagawan ako o malulungkot dahil sa pinagdadaanan ko.

        Tahimik na umalis si Tanner. Lumabas ng pintuan ng walang paalam.

        "How did you know?" Tanong ni Ed sa akin na alam kong masaya. Kitang kita ko sa mukha niya.

       "Anong I know? Palusot ko lang yon para umalis. Ang galing ko noh?" Bumalik ang lungkot sa mukha niya.

      Ngumiti lang ako sa kanya at napatitig sa kanyang maamong mga mata. Pasensya na asawa ko. Babawi ako. Hindi sa ganitong paraan, sa paraang alam kong matutuwa ka. Ibabalik ko ang saya sa mukha mo. Kung alam mo lang, matagal ko ring tinanong kung bakit ka ganyan, kung bakit moody ka at tila walang nagpapasaya sa buhay. Naisip ko rin kung bakit hindi ka bumitaw kahit ilang beses kitang binitawan. Napatanong nga ako kung anong dahilan ng kalungkutan sa mga mata mo, AKO pala. Pasensya na, ako ang naging dahilan ng kalungkutan sa puso mo. Mula ngayon, susubukan ko ang lahat maalala ko lang kung gaano kita kamahal at kung gaano mo ako minamahal.

ABANGAN...

•Sa huling chapter (Chapter 30), alamin kung bakit naging secret wedding ang kasal ni Ed at May at kung bakit naaksidente si May.
•Sundan rin ang simula ng panunuyo ni May sa asawa at kung ano ang magiging reaksyon ni Ed sa mga gagawin ni May sa kanya.
•Huwag palampasin ang PART 2: Will You Marry Me Again?

That Should Be Me| CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt