Chapter 30

1.7K 89 34
                                    

         Biglang nag-ring ang phone ni Ed. Sinagot naman niya ito na tila may pagdadalawang isip pa, halata kasi sa mukha niya.
        "Yes?"
        "What? She's back?"
        "Accident? When did that happen?"
        "Which hospital?"
        "Okay. I'll come."

         Yan ang naging pag-uusap nila sa taong tumawag. Kung sino man yon ay di ko rin alam.

         "May, we need to go to the hospital."
         Nagulat ako nang bigla akong niyaya ni Ed. Kilala ko ba ang nasa ospital? Kung may suki club pa ang ospital siguro ang dami ko na sanang points!

        "Oh, okay." Tanging sagot ko.

        Nagmadali kaming umalis. Sa pagbaba pa lang ng elevator ay naging awkward na kaming dalawa. Bakit ba parang namimiss ko na siya. Sarap dumbolin ng yakap at halik eh! Pero ang tahimik na naman niya, tila ang daming iniisip.

        Ngayon alam ko na, ako ang nagpapabigat ng araw niya. Masayahin kaya siya dati? Ang buhay nga naman oh ang daming life lessons. Di lahat ng mayaman masaya at di rin lahat ng mahirap malungkot.

       Sabi nila when life gives you lemons make a lemonade. Naku! Di uso sa atin ang lemons. Calamansi lang ang nabibili sa mercado! Kaya when life gives us calamansi, kumuha ng toyo at kumain at mag-isip ng paraan para palarin.

        Wooh! Grabe! Ang dami kong realizations sa sobrang tahimik sa loob ng elevator. Finally, 3,2,1. (Ting!)

       Sumakay kami ng black BMW ni Ed at naroon na at handa na si Tatay Dan.

         Nang dumating kami sa ospital agad kaming pumunta sa ICU. Hala! Mas grabe pa yata to sa nangyari sa akin eh!

         Sa labas ng ICU may isang magandang babae. Halatang mayaman. Siguro nasa 40-45 na yong edad niya.

         Sa paglapit namin humalik sa pisngi si Ed sa kanya.

        "I'm sorry if I still need you to come. I'm sure you know why." Sabi niya kay Ed. Anong 'you know'? Isali ninyo naman ako! Share share naman diyan para malaman ko.

        "I understand, Tita. I know you know May, right?" Pagpakilala ni Ed sa akin.

        "Hi po." Sabi ko at kunwari di na ako nakikinig.

       "I'm sorry, ija, for the loss."

       "Loss?" Agad akong napatanong. Namatayan ba ako?

        "Loss of memory I mean." Paliwanag ng ale.

         Ahhh! Ngumiti nalang ako. Yan kasi eh, madugong usapan na naman! English!

         Bumaling muli ang atensyon niya kay Ed. "You see, Ed, this is too much! She has gone overboard! Before when she says she misses you, she will just show up to your place in the middle of the night. Now, when she knew about [May] she became gaga!"

       "What did she try to do just now, Tita?" Tanong ni Ed. Go, Love, magtanong ka para malaman ko kung sino talaga ang pinag-uusapan ninyong dalawa. Wait, what? Tinawag kong Love si Ed?

       "She said she was fine and she has moved on. So she asked for her personal things again. Lo and behold, she was gone! She booked a flight to come back here. We knew she wanted you so badly. She would do anything to have you back." Halos binubulong na ng ale ang pag-uusap nila ni Ed. Pero SOCO nato mga bes! Ginalingan ko na ang pakikinig.

        Pero gets ko na! Si K ang pinag-uusapan nila.

        "That's why I have kept everything secret. Including my wedding cos I know she would do something if she knew about it. But I failed, I can't help it, people around me seem to know and the news have reached her. And see what happened? She crushed my car. And my wife was inside. She wanted to kill her [May]." Pahayag naman ni Ed sa ale. Ramdam ko ang sakit sa sinabi ni Ed. Grabe bai! Mahal niya talaga ako! 😭😭😭

         "And now she wanted to kill herself. She said maybe if she will lose her memory you will take of her. Haay! See what depression can do to a person." Patuloy ng ale. Sa tagal ng pagkukunwari kong bingi, at konting pasulyap sulyap sa kanila naisip ko na siguro nanay siya ni K. Hindi naman sila magkamukha ni Ed at tila ang dami niyang alam tungkol sa ex ni Ed.

        "But I know you know, Tita, that I couldn't do that. I'm a married man. But I'll go inside to let her know I came. Maybe that will help." Suggestion ni Ed.

        Pumasok si Ed suot suot ang hospital gown at mask. Tahimik lang akong nanood mula sa labas ng glass window na parang palabas sa cine.

       May binulong si Ed, siguro mga 2 minutes rin ang pagbulong niya tsaka siya lumabas.

       "We need to go now. May needs to rest." Paalam niya sa ale.

      "I understand, Ed, thank you!"

      Umalis kami agad ng ospital at pagbalik namin sa sasakyan ay wala na si Tatay Dan.

      "I will drive." Sabi ni Ed pagbukas niya sa pintuan ng passenger seat para sa akin.

      "Oh, okay!" Ako pa ba mag-iinarte?

        Pinaandar ni Ed ang sasakyan, binuksan ang AC at tila may binabasa pa sa cellphone niya. Tila walang balak tong umalis agad ah! Kinabahan na ako.

      Tumingin siya sa akin, sa aking mukha actually. Mga bes, nakakatunaw! "Are you sure you don't know anything?" Tanong niya.

      Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Tiningnan ko siya sa mata, hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinalikan ko ang mga labi niya at sabi ko, "Tara na?"

(Continuation...)

Hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon ni Ed. Hindi ba niya nagets na halik yon dahil alam ko na? Pa-tay na! Bakit ko pa kasi biniro na 'di ko pa alam. :(

"Do you know that I'm a married man? And I shouldn't be kissing someone who doesn't know me." Seryoso na naman siya. The bossy boss is back.

"Yes. I know." Nakangiti kong sinagot si Ed. Finally, naamin ko na sa kanya!

"Do you remember me now?" Excited pa naman ang pagtanong niya. Sorry talaga asawa ko! Itong isipan ko kasi 'di ka naalala.


"No. Iba kasi naaalala ko." Honest na sagot ko sa kanya. Alam kong masakit, kahit ako nasasaktan para sa kanya.


Nalungkot si Ed sa sinabi ko. Naramdaman ko rin ang lungkot na nararamdaman niya. Pero ito ang totoo, sana matanggap niya.


"But that should be me, right?" Tila nagmamakaawa siya. Grabe! Parang di ko na kayang makita siyang ganyan. Tama na 'to! Tama na!


"Alam ko. Pero ito, itong puso ko ang aalala sa 'yo. Mawala man ako, hahanap hanapin ka nito. At kahit anong aksidente pa ang mangyari sa akin, babalik at babalik ito dahil ikaw ang laman nito at ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko. I love you, Mr. Barber."


"I love you more and always, Mrs. Barber." <3


-THE END-

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now