Chapter 34

1.4K 95 24
                                    

       Hinatid si Ed sa private room na natutulog pa rin.

       Mahal ko, tatagan mo ang loob mo. Gusto kong paulit-ulit na sabihin sa kanya ito pero wala siyang malay.

        Hindi na ako umalis sa tabi niya. Ayaw ko nang umalis pa. Hawak hawak ko lang ang mga kamay niya. Mahal ko, nandito na ako. Dito lang ako.

       

        Nagising ako nang biglang gumalaw ang kamay niya.

        "Love, why are you here?" Tila natatawa pa siya. Grabe! Parang anghel talaga. Pero halata pa rin na matamlay siya.

        May luha pa sa mga mata ko. Di ko mapigilan sa sobrang saya ko. Pero ito na ang chance ko. I'm gonna give it all away. I'm gonna give myself all the way.

        "Bakit mo naman nilihim, Mahal." Tila naging natural lang ang pagkasabi ko ng 'Mahal'.

        "This is nothing. So I was thinking not to bother you."

        "Anong nothing? Ang daya mo naman. 'Di nga ako mapakali habang nasa loob ka." 'Di ko na namalayan na humagulgol na ako sa harapan niya. 'Di ko na napigilan. Pero ang ngiti sa mga labi niya ang 'di ko inasahan. "Anong nakakatawa?"

        "Cos you look the same as before-cry baby. As I have said this is nothing. I promise I will be fine for you. I promise."

       "Promise ko rin, Mahal, paglabas mo gagawin natin lahat ng gusto mo."

"I want gawa baby." Pabirong sinabi ng naughty-but nice kong asawa. "Nahh, just kidding. All I want to do is whatever makes you happy." Patuloy niya.

"Pwede bang humiling? Magmula sa unang date natin, pwede ba natin ulit gawin?" Kung 'di ko man maalala, gusto ko sanang maramdaman ang dati naming saya at malaman kung ano ang ginagawa namin dalawa bilang mag-asawa.

"Once I check out. I promise I'll make it up to you. Gawa baby, you want?" Inulit na naman niya ang awkward na tanong. Yong pakiramdam na bagong kasal kami at pinagpaplanohan ang unang gabi. Naku! Ed Barber. Huwag ganyan! Sige ka! Mamaya, bigla kitang mapagbigyan! Haha!

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now