Chapter 19

1.2K 91 28
                                    

         Tanghali na akong nagising kinabukasan at salamat sa Diyos, may delivery  na ng pagkain sa mesa. Di bale nang heartbroken huwag lang magutom. 'Di ba?

         Pagbukas ko sa stainless steel na takip ng pagkain, may isang puting rosas na naman. Napaisip tuloy ako kung paborito ko ba ang puting rosas noon dahil sobrang nahuhumaling ako sa ganda nito. May maliit na sulat pa.

Lobby @ 6PM tonight.

        Grabe bai! Masyadong ginalingan ang pag-imbita sa akin. Pero habang kumakain ako napaisip tuloy ako sa damit na susuotin ko. Ilang araw na yata tong pantalon na ginagamit ko. Di bale na, kakain muna ako.

          Pagkatapos kong kumain naisipan kong maligo na at maghanap ng damit. Kahit papaano naman naging excited ako sa imbitasyon na 'yon. Sana nga ito na ang sagot sa lahat ng tanong sa isip ko at sa mga dasal ko-na makauwi sa mga taong mahal ko at mahal ako.

          Binuksan ko ang mga cabinets sa labas ng pintuan ng CR. Nagulat ako nang makita kong may mga bagong damit doon. Wow! Para sa mga VIPs nga! Parang girl scout eh, laging handa.

          May mga damit na para sa babae, may small, medium at large pa! Pero mas marami ang damit na para sa lalaki. Naisip ko nga, dito rin kaya natutulog si Ed? Alam kaya niyang nandito ako ngayon? Argh! Bakit ko ba siya palaging naiisip?! Nakakainis!

       Naisip kong magpahinga muna sa kama pagkatapos kong maligo.

***

Lumapit si Tanner kay May na may dalang bouquet ng pulang rosas. Nakaluhod, humihingi ng tawad habang si May ay nakatayo lang at 'di kumikibo, hindi man lang tiningnan ang mukha ni Tanner.

***

         Nagising ako at nahihirapang huminga. Bakit ganon? Bakit si Tanner ang palaging nasa panaginip ko? Sign na ba to na dapat na akong magpatawad?

        Agad akong naghanda nang makita kong 4:30 PM na. Simple lang ang napili kong suotin. 5:30 PM na akong natapos. Handa na ako at handa na rin akong magpatawad. Sana si Tanner nga ang gustong makipagkita sa akin para linawin na ang lahat.

        Biglang may kumatok sa pintuan. Ang akala ko may sundo na o siya na ang nasa labas. Agad kong binuksan.

         "Ma'am, may problema ho tayo. Nalaman po ni Sir Ed na dito kayo pansamantalang natutulog. Wala ho sa mood eh, kakausapin po raw kayo." Natatarantang paliwanag ni Nurse Jane.

        Sumama naman ako. Heto na nga! Lumalabas talaga ang mga ugaling tinatago eh!

         Pagpasok ko sa opisina niya alam ko na agad na the bossy boss is back! Nakatingin lang sa computer, hindi man lang tumingin.

         "I've heard you are staying at the VIP room. Do you know you have to pay for that?" Tanong ni Ed na hindi pa rin makatingin.

          "Babayaran ko nalang kapag may pera na ako." Tanging nasagot ko kay Ed. "May sasabihin pa po ba kayo? Kasi may date este lakad po ako at may naghihintay na po siguro sa baba ngayon."

           "Since I know you can't pay now. You have to work for it. You can choose to work as my PA or Secretary. Yan lang ang may vacancy." Patuloy ni Ed.

         "Okay. Pero kailangan ko nang umalis ngayon. Thank you ha!" Gusto ko nang umalis at malaman kung sino si White Roses Guy pero tila walang chance eh!

         "You will start now. That's your table there." Utos ng bossy boss.

          "Arggh!" Tanging naibulong ko. Parang walang narinig si Ed mula sa akin at hindi pa rin makatingin. Ayaw mo pala akong paalisin ha! Sige! Sisirain ko rin ang araw mo!

         "PA ang pinipili ko, Sir! Sige po. Kukuha po muna ako ng coffee para sa inyo." Agad akong kumuha mula sa coffee table at sa aking pagbalik kunwari may coffee akong dala-dala para sa kanya. Sinadya kong magpatumba para matapon ang kape sa suot niya. Yan ang bagay sayo!

        "What? Did you do that on purpose?"

        "Hindi po, Sir, ah! Grabe naman, bakit ko naman dudumihan yang polo ninyo." Sarcastic na sagot ko sa kanya.

        "Well, not a problem. Come! Follow me. Come."

         Nanlaki ang mga mata ko nang biglang pinapasok niya ako sa CR ng opisina niya. Buti nalang hindi ipinasara ang pintuan.

        "Now, take off my polo by yourself. Come on! I want you to take it off." Utos ni Ed sa akin.

ABANGAN...

P.S. Follow niyo po ako sa Instagram @ Laraslittlestories ❤️ Happy 10k reads/views!😍

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now