Chapter 17

1.2K 87 29
                                    

          Sa isip ko I belong here? Wala nga akong maalala sa lahat ng ginawa at pinuntahan natin eh. Tama na, Ed!

Nirespeto naman ni Edward ang hiling kong bumalik na. Umakyat naman siya at kinausap ang captain ng yate. Hindi na siya nagsalita at feeling ko hindi na siya bababa.

        Pumasok ako sa kwarto at pilit na nag-isip. Tama ba ang ginawa ko? Si Ed pa talaga inaway ko na siya lang naman ang nagmalasakit, pamilya ko nga waley eh! Kinain ako ng konsensya. Sorry, Ed!

Nagulat ako at bumalik si Ed sa kwarto. "In 10 minutes, we'll be back there. I'll send you back to where you want to go."

"Ihatid mo nalang ako sa ospital." Nakakalungkot. Sa sagot ko kay Ed halatang walang wala ako-walang bahay na mauuwian, walang pamilya at walang ala-ala. Tanging si Ed lang ang nagmamalasakit. Tanging si Ed lang meron ako ngayon.

Hindi ko inasahan na mananatili si Ed sa kwarto. May sasabihin kaya siya? Sa bagay sa kanya naman tong kwartong 'to.

Sa sobrang hiya gusto kong lumabas ng kwarto-hindi na ako nagsalita o kumibo rin sa kanya. Ngunit tumayo si Ed at humarang sa pintuan.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko, "I miss you and if... if time comes you'll need me again, please come back."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Natameme lang ako hanggang sa narinig ko ang malakas na tunog ng sirena. At naramdaman ko ang paghinto ng yate. Nakabalik na kami. Ed, pasensya na. Tanging sa isip ko lang naibulong.

Umakyat na ako sa bahay ni Ed at agad nagbihis. Sa pagbaba ko mula sa kwarto, naroon lang si Ed sa sala, nakaupo sa couch na tila malalim ang iniisip. "Tatay is waiting outside. He'll bring you wherever you want to go."

Siguro nasaktan rin si Ed. Hindi man lang ako nagpasalamat. Hindi nga rin ako nakapagtanong sa kanya ng diritso kung sino siya sa buhay ko. Pero kinain ako ng hiya at konsensya. Sorry, Ed. Kailangan na akong umalis. Problema lang dala ko sa buhay mo. Pabigat lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya habang pinagmamasdan ko siya mula sa pintuan, palabas na ng bahay. "Salamat." Tanging nasabi ko, halos binulong ko pa!

Sa aking paglabas naroon na nga si Tatay naghihintay sa labas ng black na BMW ni Ed. "Maraming salamat sa pagpunta, Tay." At agad na sumakay na ako.

        "Saan po kayo magpapahatid?" Tanong ni Tatay.

         "Sa ospital po, Tay."

         Tahimik ang naging byahe namin ni Tatay. Iniisip ko pa rin ang nagawa ko kay Ed kanina lang.

          Nakarating kami sa ospital at agad na nagpaalam ako kay Tatay. "Maraming salamat po." Sabay yakap.

         Nakapagregister ako ulit sa entrance at wala pa ring maisulat na address. NPA kasi ako, no permanent address. Hay!

        Walang tao sa reception pagpasok ko kaya naisip ko na hanapin si Nurse Jane sa mga stations. Sa aking paglalakad ang babait ng mga nakakasalubong kong nurses at doctors, bumabati sila at nakangiti pa.

        "Good afternoon, Ma'am!" Bati ng isang nurse.

"Hello! On duty po ba si Nurse Jane?" Tanong ko.

"Hindi po, Ma'am. Mamaya pa ho duty niya."

Hanggang sa nakatagpo ako ng doktor na pamilyar sa paningin ko. Hinabol ko at nilapitan ko.

"Dok, good afternoon! Naaalala mo pa ba ako?" Agad na tinanong ko.

"Of course! I know you, May!" Sagot niya.

"Nakausap niyo po ba ang asawa ko?" Nagbabakasakali akong nahanap siya ni Tanner.

"Yes, we talked about you."

"Hay! Salamat naman! May iniwan po ba siyang address na pwede kong puntahan para makapag-usap na kami?"

"May, it was your husband's decision to give you time to heal and remember. Ayaw niyang pilitin kang makaalala o ipilit ang sarili niya. So we respect that also."

Hindi ko alam kung bakit pero for the first time nagalit ako. Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi ng doktor. "Ahh! Ganon pala. Sige po. Salamat."

Agad akong umalis. Ang selfish niya! So hahayaan niya lang ako hanggang sa may maalala na ako! Worst, iniwan pa ako sa ibang tao! Argh! For better lang pala siya! At ano? Sa worse, waley! Iiwan na akong mag-isa! Ano pa ang silbi ng pangako niyang 'for better and for worse'. Woah! Grabe bai! Kung nakinig lang sana ako kay Ed. :(

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz