Chapter 28

1.3K 79 14
                                    

Nakahiga si May habang naka-earphones at nagiinternet gamit ang cellphone niya nang biglang pumasok si Ed sa kwarto.

"Love." Bati ni Ed pagpasok niya.

"Kamusta ang work?" Tanong ni May na agad napaupo sa kama.

"Good." Lumapit si Ed, hinalikan si May sa noo at tumabi sa kanya.

"I miss you. Tara! Kain tayo sa labas?" Pag-anyaya ni May sa pagod na asawa. "Or if you want, I'll cook your favorite. Tara?"

Ngunit naglambing si Ed at niyakap niya si May. Napahiga silang dalawa na tila nakadungaw si Ed sa mukha ng asawa. "I want something just like this." At hinalikan niya si May ng paulit-ulit sa labi. "(Kiss) One. (Kiss) Two. (Kiss) Three. (Kiss) Four." Binilang pa ni Ed.

"Hoy! Hala! Grabe siya! Hindi na ako makahinga!" Sigaw ni May na tila kinikiliti ng asawa.

Nagpatuloy ang halik hanggang sa...

"Tanner?" Naging si Tanner ang humahalik kay May sa kama.

***

          "Ahhh!!! Panaginip! Isang masamang panaginip." Sigaw ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa carpet ng walk-in closet sa kwarto. "Diyos ko po! Ano po bang ibig sabihin non?"

         Agad akong bumaba para hanapin at kausapin sana si Nanay Tere tungkol sa masamang panaginip ko nang bigla kong maalala ang papel na nakita ko kung saan nakasulat ang Wedding Vows ko para kay Ed.

        "Nay, bakit po sinikreto ninyo?" Tanong ni May kay Nanay Tere.
        
         "Ang alin, anak?" Inosenteng tanong ni Nanay kay May.

        "Yong..." Sasagutin ko na sana ang tanong ni Nanay Tere nang biglang dumating si Ed at pumasok sa kusina para uminom ng tubig.

         Napatitig ako sa kanya. Tila may bago sa kanya. Bakit ang fresh ng itsura niya at parang nagmukhang bata. Ahhh! Nagpagupit ng buhok... Teka! Asawa ko ba talaga siya???

        Hindi ako makapaniwala sa sunod-sunod na pangyayari sa buhay ko. Paano ko ba sasabihin kay Ed na alam ko na? Siguro miss na niya ako, at miss na rin kaya niya ang mag-ANO, yong ANO, yong ginagawa ng mag-asawa na ANO. Basta kung ANO man yan, alam niyo na yan! O sige sagutin niyo nga, anong ANO ang gustong kong sabihin sa inyo? Hahaha!

        Pero sana mamiss ko rin siya at sana maalala ko na mahal ko siya.

       Habang nakatitig ako kay Ed, ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Nakatingin rin siya sa akin habang umiinom ng tubig sa basong hawak niya. Bes! Bagong gupit si mister at tila galing sa gym dahil pinagpapawisan. Ayey! Hindi lang ginalingan at pinawisan, sarap pang punasan!

       Nagulat ako nang biglang may nag doorbell. Sino na naman yan?! Baka si Big H-e-a-v-e-n na naman!

        Agad namang lumabas si Ed sa kusina papuntang pintuan para buksan. Sumunod naman ako.

       Nagulat ako nang buksan ni Ed ang pintuan.

       "Tanner?" Bakit siya andito? Sino ba si Tanner sa buhay ko?

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now