Chapter 10

1.5K 102 20
                                    

         Naisipan kong magpunta sa ospital kung saan ako dinala pagkatapos ng aksidente. Siguro naman may impormasyon sila tungkol sa nangyari sa akin.

         Alam ko kasalanan ang gagawin ko pero wala akong ibang paraan eh. Sumakay ako ng jeep na walang pera. Hindi ko alam kung saan ako bababa at kung anong jeep ang lilipatan ko para makararing doon. Lord! Tulungan niyo po  ako!

       Nagtanong tanong ako. Ang hirap pala na wala si Tatay at Nanay Tere sa tabi ko. Ang ganda nga talaga ng buhay ng Ed Barber na yon!

        Hanggang sa nakarating na ako sa ospital at ngayon ko lang nalaman na kailangan mag check-in doon. Kaya isinulat ko ang pangalan ko sa logbook at ang purpose ng pagpunta ko. Bakit nga ba ako nandito? At address? Naku! Dito ako bokya eh!

NAME. PURPOSE. ADDRESS.
May. Information Desk. No address.

Hindi na ako napansin ng guard at pumasok naman ako kaagad. Agad ko namang nakita ang Information Desk.

"Ma'am, anong station po nakaduty si Nurse Jane?" Kung tama pa ang ala-ala ko, siya ang unang nurse na nag-alaga sa akin nang magising ako. Siya rin ang may alam na may kasabay akong babae sa aksidente.

"Station 4." Ang tipid ng sagot. But yes! Short answer is still an answer.

Dahan dahan akong naglakad sa hallway para hanapin ang elevator o hagdanan man lang. Sa aking pagdaan sa hallway napansin ko ang napakalaking board. May mga pictures ng iba't-ibang tao at pangalan nila. Nagpatuloy ako sa paghanap ng elevator hanggang sa nahanap ko.

Pinindot ko ang Level 4. Diyos ko, sana nandoon po si Nurse Jane.

Bumukas ang elevator at agad na bumungad sa akin ang station. Walang tao.

"How can I help you, Ma'am?" Tanong ng isang boses mula sa likuran ko.

"Ma'am Jaaaaaane!" Napayakap ako sa kanya, parang isang kapamilya na matagal nang nawala. "Nandito po ako para makausap ka."

"Halika! Wala masyadong tao ngayon. Dito tayo sa loob."

Pumasok kami sa maliit na kwarto na parang pantry nila.

"Alam ko po nandito ka nang maaksidente ako. Naaalala ko po na sinabi niyo sa akin na may kasabay akong babae. Hindi ako sure, pero yong taong nagdala sa 'kin dito at nagbayad sa bills ko, siya po ba yong nakasagasa sa akin?" Napakahaba ng intro ko, talo na yata ang speech sa SONA ng isang pangulo.

"Si Sir Ed?" Hindi na ako nagulat na kilala siya ni Nurse Jane. Madali naman talaga siyang maalala. Gwapo, disente, malinis, mabango, pormal magsalita... Teka? Bakit positive lahat? Mayabang at Manloloko!!! Yan ang bagay sa kanya!

"Opo. Bakit niyo po kilala? Nalaman ko po na siya ang nakasagasa sa akin kaya siguro inalagaan ako. Guilty kasi!"

"Ma'am May, isa po siya sa may-ari ng hospital na 'to." Paliwanag ni Nurse Jane.

Ano? Lahat nalang sa kanya! Kung mabibili lang kasi ang magandang ugali eh!

"Ayon po sa mga pulis, narinig ko na 'yong babae na akala ko kaibigan mo, 'yon pala ang nakasagasa sa 'yo, Ma'am May. Shhh! Bawal po kasi kaming magsabi."

Ano? Hindi si Ed? Nanlaki ang mga mata ko, nanigas at walang nasabi. Hindi ko inaasahang marinig 'yon. Patay! Inaway ko pa naman 'yon!

Buang man jud ko oy! Ayan na! Mapanghusga kasi, hindi man lang ako nagtanong ng maayos. Ahhhh! Nakakahiya!

"Sige, Ma'am. Salamat." Hindi talaga ako nakapagsalita at nakapag-react sa narinig ko. Naglakad nalang ako patungo sa elevator na nakatunganga. Hindi ko alam ang gagawin.

Lumabas ako sa elevator at muli kong dinaanan ang board kung saan may mga pictures ng malalaking tao sa ospital. At doon nakita ko nga si Ed Barber, isa sa may-ari ng ospital. Bushak bai! Nabuang na man siguro ko! Hindi pala siya ang may kasalanan.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Malayo pa lang ako sa main door may pamilyar na tao ang kumakausap sa guard. Napatitig lang ako at patuloy na naglakad patungo sa main door dahil lalabas rin naman ako.

Dadaan na sana ako nang biglang nataranta ang guard.

"Sir! Siya po 'yong May na nag check-in kanina." Habang kausap niya ang isang foreigner.

Nagulat ako sa reaksyon ng guard. Sino ba yang lalaki na yan!

Agad na lumapit ang mukhang foreigner sa akin. "May, I missed you. I've been searching for you."

Sa pagyakap niya doon ko nakita ang mukha ko na nakadikit sa dingding at may nakalagay na "MISSING".

Hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanya. Hindi naman pwede na kapatid ko kasi sobrang gwapo, matangkad pa! Kung kapatid man siguro half-brother. Ganern!

"My name is Tanner, your fiance. I know you don't remember anything. I've asked some people here and that's all I know but it's okay. As long as you are here now."

"Ano?" Hindi ako makapaniwala. Grabe bai! Ang buong akala ko si Ed na ang pinakagwapong nakasama ko. Juicekolord! Pogi rin naman pala ang boyfriend ko. May laban!

Hindi na niya ako binitawan hanggang sa...

"Let go of her! She's with me now!" Natulala ako nang makita ko si Ed. Nakakagulat ang mga pangyayari. Hindi ko na alam kung kanino ako makikinig at sasama. Pero hinawakan ni Ed ang mga kamay ko at kinaladkad palabas ng ospital. Habang palabas kami hindi ko maiwasang titigan si Tanner. Boyfriend ko ba talaga siya? Bakit wala akong naramdaman sa kanya?

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon