Chapter 25

1.3K 82 21
                                    

Nag-drive-thru kami ni Ed sa nadaanan naming Mcdonalds. "You need to eat. What do you want?" Tanong niya.

"Burger lang, okay na. Pwede dalawa? Tapos with Large fries at Minute Maid Juice???Salamat." Medyo nahiya ako sa inorder ko pero gutom talaga ako bes!

Nakakatuwa rin namang isipin ang pag-aalaga ni Ed. Siguro kung hindi ko siya boss sa trabaho maiisip ko na may gusto siya sa akin. Chos!
Pero seryoso, sobra sobra na ang ginagawa niyang pag-aalaga. Sometimes I'd think maybe he loves me cos love is an action not just a word-and his actions speak a lot.

Dumating kami sa condo ni Ed at naroon masayang naghihintay sila Nanay at Tatay Dan.

"Na-miss ka namin." Sabay yakap ni Nanay sa akin sa pagpasok namin ni Ed sa pintuan.
"Welcome home, Nak!" Sabi naman ni Tatay mula sa likuran.

"She needs to rest po." Nagsalita na naman ang bossy.

"Ay! Grabe siya! Ang KJ. Pero happy to see you po." Sumunod ako kay Ed na unakyat na papunta ng kwarto sa taas.

"You rest. Call me anytime when you need me. I'll do some work downstairs." Nagulat ako ng biglang hinalikan ni Ed ang noo ko at umalis naman agad. Ay bes! May nanalo na! Kinilig ako don ah!

Bakit niya ako hinalikan sa noo? Para ba may maalala na ako? Bakit? Bakit? Bakit? More! Chos!

***

Bumaba si Ed ng hagdanan habang nagpapahinga si May sa taas. Nagulat siya nang biglang lumapit si Heaven na naghihintay pala sa kanya. Hahalikan na sana siya sa pisngi pero...

"What made you come here?" Umilag si Ed sa kanya.

"I thought I made you happy the last time I came?" Sagot naman ni Heaven.

"We need to talk. Go to the balcony." Seryosong utos ni Ed.

"Bakit ba kasi ang moody mo sa akin?! Tell me straight, I'd understand naman!" Sigaw ni Heaven.

"Shhh! Alright. You want to know the truth? She is my wife! She had an accident because of Kaye and lost her memory. I acted like that when you came cos I wanted her to get jealous and remember me!"

"You used me, Ed. How dare you!" Nasaktan naman si Heaven sa sinabi ni Ed. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at naririnig niya.

"But that's the truth! I am sorry. You see, I have a different life outside the office, Heaven. I have a real life here and all of you in the office don't seem to know."

Nakaramdam naman ng awa si Heaven. Yayakapin na sana niya si Ed nang biglang, "Stop. My wife might see you and she might think I am cheating. But thank you."

Paalis na sana si Heaven nang biglang bumaba pala si May.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now