Chapter 21

1.2K 88 22
                                    




"You said you have a date, right?" Biglang naitanong ni Ed. Hayy! Salamat! Nakikinig rin naman pala siya.


"Meron sana. Pero kailangan kong pagtrabuhan 'to diba?" Sabay turo ko sa VIP room.


"Okay. I'll send you off since it's past 6 in the evening already. But you have to report tomorrow. I can manage to change alone inside. You may go!" Argh! Diyos ko po! Ang bossyyy! Siguro sa araw na namigay ang Diyos ng magandang asal, sure ako absent si Ed! Pero okay na rin at least pinayagan.


Bago ako pumunta ng lobby dumaan muna ako sa public comfort room ng ospital para ihanda ang sarili ko.

Sa harapan ng salamin hindi ko maiwasang magpraktis sa mga tanong na gusto kong masagot ni Tanner. Tanner, sana ikaw na ang sagot ng lahat ng ito. Aja, May! Kaya mo 'to! Kaya mo nga ang ugali ni Ed, ito pa kaya.


Pababa na ako ng hagdanan at kitang kita ko na ang isang pamilyar na lalaki na nakatalikod malapit sa poste at nakasuot ng itim na tuxedo. May kausap siya. Malapit na sana ako ng biglang nawala siya sa paningin ko. Binilisan ko ang lakad ko hanggang nakalabas ako ng lobby-sa labas ng main doors ng ospital. At naroon siya, nakatayo malapit sa sasakyan niya.


"IKAW?" Napasigaw ako nang makita ko ang hindi ko inaasahan.


"Why? What about me?" Natatawang sagot niya.


"Ikaw ang date ko?" Inulit ko ang unang tanong ko.


"Why not? What's wrong?" Hindi ko alam kung nang-iinis siya o sadyang ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko.


"Ikaw nagbigay ng mga white roses?" Pangalawang tanong ko.


"Why? Do you like red now?" Confirm! Nang-iinis siya.


"Bakit ikaw?" Tanong ko ulit sa kanya.


"Do you want to see someone else?" Argh! Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko.


"Hahaha!" Natawa nalang ako. "Buang man ka uy! I give up! Kung ikaw talaga ang date ko, tara! Libre mo nalang ako!"

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now