Chapter 37

1.3K 82 15
                                    

       "Love, everything went well. And by Saturday we can all go home."

       Sobrang saya ko sa balita ni Ed. Tila hulog ng langit ang balita niyang ito. Ngayon hindi ko lang pinipiling mahalin si Ed. Nahanap ko na ito. Nahanap ko na ang pag-ibig na akala kong nawala ko.

        "Sige nga kiss mo 'ko." Lumapit ako sa kanya. Kunwaring nagpapa-kiss, at talagang ginawa niya.

        Masaya na ako sa ganitong bagay. Totoo ngang simple lang ang kailangan natin sa buhay-simpleng saya at maraming tawa.

        
Saturday

          "Dahan dahan." Paalala ko kay Ed habang inalalayan ko siya patayo sa kama. Lalabas na kami at excited na ako.

         "Slowly but surely." Sagot naman niya.

        

        "Sa condo tayo, Mahal?" Tanong ko kay Ed pagpasok namin sa sasakyan.

          "Tay, sa opisina tayo." Utos ni Ed kay Tatay Dan.

         "Hala! 'Di ka pa pwedeng magtrabaho." Paalala ko sa asawa ko.

        "I know. I just need to go there for a while." Sagot niya.

      

           Pagdating namin sa opisina nagulat pero masaya ang mga staff nang makita si Ed. Ramdam ko ang saya nila.

          "Come with me." Pag-imbita niya.

           Pumasok ako sa opisina niya ng walang pagdadalawang isip.

           Nagulat ako ng biglang, "Out! Go out! You are fired!" Sigaw ni Ed sa akin.

         Hindi ako nakakibo. Anong nangyayari? Bakit siya galit? Anong nagawa ko? Hindi talaga ako nakagalaw at wala akong nasabi. Napatingin ako sa labas ng glass window. Lahat rin sila napatayo at nagulat sa sigaw ni Ed sa akin.

         "Love, you said you want to start again, right? That's how you and I started."

          "Ano? Tayo? Ha? Bakit ganon?" Haay! Buti nalang! Medyo kumalma na ang kaluluwa ko.

          "Let's go back home. I'll tell you why." Pag-imbita ni Ed sa akin.

          Hindi ko alam na sa House on a Cliff pala kami uuwi. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ng biglang hinawakan ni Ed ang aking mga kamay.

          "Something like this makes my heart happy."

         "Hahawakan kita araw-araw to make your heart healthy again."

         Parang gamot sa pagod ang ngiti ni Ed. Ang swerte ko sa pagmamahal ni Ed sa akin. Yong secure ako, yong tipong alam ko na ang mga mata niya ay nangungusap ng pagmamahal niya sa tuwing nakatingin siya. Ang mga hawak at yakap niya ay puno ng init at galak dahil ako ang kanyang kasama. Yong ramdam ko na kahit wala siya sa tabi ko, siya pa rin ang palaging nagpapaalala. This guy has swept me off my feet.

That Should Be Me| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon