Chapter 15

1.3K 91 17
                                    

        "Come! I'll show you something." Pag-imbita ni Ed. Gusto ko pa sanang isubo ang desserts eh!

         "There's more of that! I promise!" Sabay hila ni Ed sa akin.

        Nakakaaliw lang, ang saya niyang tingnan, parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya at tila excited siya. Bakit kaya?

        "Saan ba kasi tayo pupunta? Ganyan ka na ba kalungkot at balak mo nang tumalon diyan sa bangin?! Ha?!"

         "Relax, May."
         
         Sa gilid ng bangin naroon ang makitid na hagdanan. At feeling ko kung magbibiro pa ako mahuhulog na talaga kami. Kaya tahimik akong bumaba, hawak-hawak ang kamay ng may-ari ng tinatapakan kong lupa.

         Nakababa naman kami ng maayos at nasa tabing dagat na ang mga paa ko. "Siguro mga ilang million ang bili mo sa lugar na ito noh? Grabe bai! Parang hindi totoo! Ang linis at napakalinaw ng tubig!"

         "Honestly, this place isn't mine anymore. Just the house above. And this isn't my surprise."

         Agad na naglakad si Ed patungo sa may malalaking bato. Sumunod naman ako.

         "Here." Napahinto si Edward.

         Napatingin ako sa tinitingnan niya habang  binabalanse ko ang mga paa ko. Nagulat ako sa aking nakita.

         Happy Birthday, May!

           "Sayo yan? Wow!" Tanging nasabi ko pagkakita ko sa yate ni Ed. "Ano pa ba ang wala sayo?"

           "You. I mean... it's your day today! This day is about you, not about me." Sagot ni Ed na muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa yate.

          "Paano mo nalaman ang birthday ko? At sino ang naghanda nito? Over, over na 'to! First time ko sa yate bai!" Hindi ko mapagilan ang sarili ko dahil sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung first time ko ba 'to. Ang alam ko first time 'to sa second life na bigay ng Diyos sa akin.

         "Hospital record?" Mabilis at matalinong sagot niya.
        
           Agad kong nilibot ang yate ng walang paalam. Sa aking pagbaba naroon ang napakagarang kusina-maliit pero parang nasa 5-star hotel ang disenyo. Naroon rin ang nag-iisang kwarto, kulay black, red at white ang tema. Sobrang saya ko talaga! At dahil sa sobrang ganda parang gusto kong mahiga sa kama. "Happy birthday to me, sabi ni Ed. Happy birthday to me, sabi ni Ed. Happy birthday, happy birthdayyyyyy..."

           "Why are you singing for yourself? Hah!" Natatawa pa siya! Mas nakakatawa kaya itsura namin, mga bagong gising pa! "This isn't my surprise."

           Nanlaki ang mga mata ko habang naka-starfish position sa kama niya. "Ano? Hindi pa ba 'to ang surprise na sinasabi mo?Quota ka na po, Sir!" Biro ko.

           Agad na tumalikod si Ed at lumabas ng kwarto. Sinundan ko naman siya paakyat sa taas.

         "We are sailing." Seryosong sabi ni Ed na nakahawak na sa railing ng yate.

          Patungo saan? Hindi ko rin alam. "Saan 'to patungo? Kailan tayo babalik?"

         "A place where nobody knows. Happy Birthday. Enjoy sailing."

          Biglang naging seryoso ulit si Ed. The bossy boss is back! Ang hirap pala kapag weirdo ang kasama sa mga magagandang pagkakataon. 'Di bale magsasaya pa rin ako!
"Happy birthday to me, sabi ni Ed. Happy birthday to me, sabi ni Ed. Happy birthday, happy birthdayyyyyy..."

           "Do you know the name of this yacht?" Tanong niya habang nakamasid sa karagatan.

            "Hindi. Kung alam ko man hindi ko na maalala."

            "Its name is after a woman's name-the love of my life." Sagot niya sa tanong niya.

            "Ahh. Ganon? Ang swerte naman niya." Nakakawala ng stress ang magandang tanawin, parang wala na akong gustong balikan at wala nang dapat malaman mula sa nakaraan.

          "Do you want to know its name?" Pilit na pinag-uusapan ni Ed. Hindi ko alam kung proud lang ba siya sa yate niya or may ibang ibig sabihin pa!

           "Huwag na! Sayo naman to! Ang importante ay ngayon, ito, yang tanawin na yan." Masaya kong ipinaalala sa kanya.

         Biglang naging tahimik si Ed. "Ed?"

          "Hm?" Tanging sagot niya.

           "Salamat ha. Sa pag-aalaga at pagtitiyaga."

           Hindi na sumagot si Ed. Feeling ko nagtampo dahil hindi ko tinanong ang pangalan ng barko niya. Pero wait! Ano nga ulit sabi niya? Nakapangalan sa babaeng mahal niya? OMG! Parang gusto ko nang magtanong!

ABANGAN...





       

     

        

       

         

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now