Chapter 31

1.3K 70 8
                                    

        Ramdam ko ang saya ni Ed. Kitang kita ko sa ngiti ng mga labi niya. Umuwi man kami ng sabay pero tahimik siya sa sasakyan. Parang first-date-feels. Tama! First date nga!

        'Di kami nag-usap. Awkward! Finally, nagkaalaman na. Asawa ko nga siya, alam ko, pero bago pa talaga sa pakiramdam ko.


       "Ed? Same room lang muna ako matutulog ha?" Hindi pa rin ako ready. Gusto ko kung magtatabi man kami sa kama ulit at mag-AANO, gusto ko buo na sa puso ko ang pagmamahal ko kay Ed na hinahanap ko pa rin.

'Di kasi yan dapat tinatawag na MAKING LOVE eh. Kasi 'di nagagawa ang ma-inlove sa ganyang bagay. Dapat ang tawag diyan MAKING BABY lang. (Haha!)

       "I understand, Love. Take your time." Habang pareho kaming nasa labas na ng pintuan ng magkatabing kwarto.

         Papasok na sana ako ng biglang,
"Wait, can I do this?" Paalam ni Ed na niyakap ako mula sa likuran. Matagal ang yakap ni Ed. At dahil don naramdaman ko siya, bigla ko siyang na-miss ng sobra. Pinikit ko lang ang aking mga mata. Niramdam ang pagkakataon na 'di ko naaalala.

Kinabukasan, medyo late na akong nagising kaya naisip ko na siguro wala na si Ed para magtrabaho. Ang tahimik ng bahay. Tila wala rin si Nanay Tere at Tatay Dan.

Naisip kong pumunta sa office ni Ed para makilala sana yong mga kasama at staff niya.

Agad akong naghanda at pinili ang pinakasimple pero magandang damit sa closet. Pagbaba ko, nakakabingi talaga ang katahimikan sa bahay.

Ang bilis ng takbo ng taxi. Sa loob ng 15 minuto, nakarating na ako sa Main Office ni Ed. Ngunit napaaga yata ako dahil wala pang ibang tao. Pumasok ako sa Executive Office na opisina ni Ed, ito ay isang kwarto na may glass wall malapit sa area ng mga cubicles ng staff.

As usual puro folders at papers lang ang nasa table niya. May shelf naman sa likuran ng table pero walang laman. Na-curious ako at binuksan ko ang cabinet at doon nakita ko ang mga picture frames namin.

Nakapag-Enchanted Kingdom na pala kami at may nakasulat pa sa picture na 1st Date w/ My Love. Ang sweet naman ni Ed kaya siguro na-inlove ako sa kanya. May isang picture rin na nag Singapore kami-The Proposal. Tsaka may picture namin sa yate-Honeymoon at MAY PRINCESS Yacht. Ahh! Pangalan ko pa talaga. Naging wrong spelling tuloy ang MY PRINCESS.

Agad akong lumabas nang biglang bumukas ang pintuan sa labas ng office. Baka andito na si Ed.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now