Chapter 16

1.3K 90 18
                                    

         Bumaba si Ed papuntang kusina/kwarto. Gusto ko na sanang itanong pero hindi ko na alam kung papaano. Ayan kasi! Hindi mo man lang pinagbigyan sa moment niya! Ikaw na nga ang may surprise! Hay!
         Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Birthday ko na nga sana ang rason kung bakit siya excited at masaya, ako naman ang rason kung bakit nawala. Dapat siguro siya muna ang atupagin ko, alamin ang kwento ng buhay niya at kung bakit nagkaganyan siya. Saan na ba 'yon?

       "Ed?" Sinundan ko siya sa baba at agad ko namang nakita.
        Nakabukas ang pintuan ng maliit na kwarto ng yate at doon, agad kong nakitang nakahiga siya sa kama. Gusto ko siyang suyuin. Hay! Ang taong 'to ang tipong masarap mahalin eh! Pero hindi! May, paalala:

Huwag magmahal dahil sa awa!

         Nilapitan ko siya pero tila nakatulog. Maaga kasi siyang nagising kanina. Siguro excited siya kanina na makita ko 'tong surprise niya. Haay!

          "Ed?" Umpisa ko.

          "Hm?" Sagot niya habang nakapikit pa rin.

         "May gusto ka bang sabihin?"

          "Nothing. Let's sleep. Happy Birthday." Sagot niya na walang gana. Hindi man lang kumibo.

         "Ok." Wala akong choice! Hindi ko rin naman siya pwedeng pilitin na magsalita at maging masaya.

         Kaya humiga lang ako sa tabi niya. Hindi naman siguro ako makakatulog, ang aga pa, siguro nga tanghali pa.
          Maliit ang kwarto, halos lakaran lang sa gilid ng kama ang space.
         Ilang minuto na akong nakahiga sa tabi ni Ed. Siguro mga isang metro ang pagitan namin dahil pareho kaming nasa dulo ngunit biglang kumibo si Ed. Humarap siya sa akin at mahimbing pa rin ang tulog. Naku! Mukhang anghel talaga 'tong taong 'to. Kung hindi lang talaga bossy!

         Nakatitig lang ako sa kanya...

Masaya si May na naghahanda ng mga bulaklak at give-aways. Sa gilid ng kama naroon nakatayo ang napakaputi at napakagandang gown. Kumikislap ang diamonds sa sikat ng araw. Araw na ng kasal. Masaya si May at halatang excited na siya. Binuksan ni May ang imbitasyon bilang parte ng pre-wedding video shoot.

Tanner Mata & May Entrata Nuptials
December 24, 2014

         
          Nagising ako na may mabigat na pakiramdam. Alam kong ala-ala 'yon at hindi lang panaginip. Bakit ba ako narito sa yate kasama ang lalaking ito kung kinasal naman ako sa ibang lalaki? Gusto kong bumaba ng yate at lumangoy nalang pabalik. Tama na! Ayoko nang hintayin na bumalik ang buong ala-ala ko! Kailangan ko nang magtanong at malaman bago pa may masaktan.

        Lumabas ako papunta sa mini bar ng yate. Doon nakita ko ang laptop ni Ed. "Pasensya na, Ed. Sana may signal ang internet." Bulong ko.

         Agad kong binuksan at pilit na pinag-aralan kung papaano ko magagamit 'yon para makakuha ng impormasyon.

        Binuksan ko ang Safari at doon ko nalang agad sinulat ang hinahanap ko sa bandang itaas ng Safari: Tanner Mata.

Search: Tanner Mata
Found:
Tanner Mata | Facebook Profile

        Agad kong pinindot ang Facebook Profile. At doon ko nakita ang profile picture ni Tanner at ako ang kasama.

Picture
Caption: Someday, somewhere in the deepest part of your beautiful heart, you'll find reasons to forgive. Love prevails.
Date: December 25, 2014

          Ang gulo ng isip ko! Hindi ko na alam kung ano ang totoo at kung ano ang paniniwalaan ko! "Ahhhh!"

         "What's happening?" Lumabas si Ed, nagising sa sigaw ko.

        "Tama na, Ed. Send me back to where I belong! Naalala ko na ang lahat, engagement at araw ng kasal namin ni Tanner. Bakit ba kasi nandito ako?"

         "Can't you see? This is where you belong." Mahina at mahinahon ang sagot niya.

        Ramdam ko ang sakit sa sagot ni Ed. At kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya na nakaupo sa harapan ko.

        Ed, sino ka ba talaga? Bakit wala ka sa aking ala-ala?

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now