Chapter 20

1.2K 84 29
                                    

All things fell apart paghawak ko palang sa unang botones ng polo niya. Ed, bakit mo ba ako pinapahirapan! May ka-date sana ako eh! Masasagot na sana ang mga tanong ko! Selfish!

Ang hirap basahin ng mga galaw ni Ed. Mahirap rin siyang intindihin at ang mas mahirap ay palagi siyang nasa isip ko buong araw. Ano ba yan! Si Ed ang laman ng isip ko sa tuwing gising ako at si Tanner naman kapag tulog ako!

Gwapo man ang dalawa ngunit hindi ko itataya ang buong buhay ko sa maling tao. Kailangan sigurado, yong lalaking mamahalin ako at talagang mahal ko.

Matapos kong matanggal ang polo niya, "I need a clean polo." Utos ni Ed. Argh! Ang bossy!!!

"Meron pong mga bagong damit sa kwarto. Baka yon, gusto mong ipalit muna?" Suggestion ko.

"Okay."

"Kukunin ko muna."

"No. I am going with you." And for the first time tiningnan niya ako sa mata.

"Sa kwarto?" Napatanong ako.

"Yep! Any problem?" Tanong niya at nakatingin pa rin siya sa akin.

"Wala po. Tara!"

Sumunod sa akin si Ed na walang suot. Mabuti nalang at malapit lang ang Executive Office sa VIP room.

First time akong nakalabas ng kwarto at hindi ko naisip na autolock ito. Bubuksan ko na sana pero lock.

"Do you have a key?" Tanong ni Ed. Obviously, wala!

"Use my card then." Kinuha ni Ed ang wallet niya mula sa likurang bulsa. Binuksan niya ito para kunin ang card na gagamitin sa pagbukas ng pintuan. Nagulat ako nang makita ko ang picture naming dalawa. Alam kong ako yon. Sure ako sa nakita ko.

"At bakit may picture tayong dalawa?" Napasigaw na ang pagtanong ko sa kanya.

"It wasn't you. Don't assume."

"Ako yon! Alam kong ako! Kitang kita ko." Pagpupumilit ko.

"It wasn't you! That woman is the owner of the yacht! Move on and open the door." Paliwanag ni Ed.

Ahh... Baka kamukha ko lang. Ang yaman naman pala ng babaeng yon. Grabe bai! Muntik na akong mahimatay sa nakita ko. Mabuti nalang at hindi ako.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now