Chapter 8

1.6K 87 9
                                    

Humahagulgol si May sa kanyang kama. Hawak hawak ang cellphone niya sa kanyang tenga.

"Di ko naman ginusto ito. Ikaw ang may gusto nito, di ba?!"

Galit na pahayag ni May sa kausap niya sa kabilang linya. Umuulan. Tanging ang bagsak ng ulan sa bubong lang ang naririnig niya. Madilim. Tanging ilaw lang sa isang poste sa labas ang nagbibigay ng konting ilaw mula sa bintana ng kwarto niya.

***

Nagising ako mula sa isang malungkot na panaginip. Ramdam ko ang sakit. Feels like my first heartbreak with no details-no memories. Pinipilit kong kalimutan ang aking panaginip. Gusto kong kalimutan ang sakit pero parang dandruff eh, 'di agad-agad mawala sa ulo ko.

Dahan dahan akong lumabas sa kwarto. Nagdarasal na sana hindi ko makita si Ed. Sa aking pagbaba naririnig ko na may bagong boses. May bisita. Sino kaya?

Nagmadali akong bumaba. Sa aking pagbaba may isang dalaga na sobrang ganda, nakasuot ng pulang damit. Grabe bai! Parang artista!

"Are you new here?" Tanong ng dalaga sa akin habang hawak-hawak niya ang isang box. Kung hindi cake, hula ko pagkain ang laman ng box na hawak niya.

"Opo..." Magpapaliwanag pa sana ako pero...

"Please help me bring this to the kitchen. Thank you!"

Naku! Napagkamalan pa akong katulong sa bahay na ito! Napadaan ako sa salamin patungong kusina, hindi ko nga siya masisisi. Mukha ko pa lang mapagkakamalan nga!

"Nay, pinapabigay po ng magandang babae sa labas." Binigay ko kay Nanay Tere ang box habang busy siya sa paghahanda ng malamig na inumin.

"Si Heaven 'yon, Nak! Palaging nakadikit kay Sir Ed yan. Hindi nga yan pinapansin ni Sir."

Sa konting sagot ni Nanay tila alam ko na ang style niya. Ginalingan masyado! Sa damit pa lang parang binibigay na ang lahat lahat kay Ed eh!

Nanalamin muna ako ulit, nag-ayos muna ng buhok bago ako bumalik sa sala. Ang ganda talaga ng mukha, hindi ko mabawi dahil totoo naman talaga. Nakangiti pa siya sa akin. Akala niya talaga siguro na katulong ako dito. Aba! Di pwedeng ganyan, Ma'am!

"Hi! I am May." Naku! Mapapalaban yata ang Ingles ko dito ah! "I am Ed's project. I live here." Palaban na sagot ko.

"Project? What do you mean? And you live with him?" Alam ko na nakaramdam siya ng inggit sa sinabi ko sa kanya. Alam ko rin na naguguluhan siya. Sino ba naman ang makakagets sa sinabi ko. Hahaha!

"Basta. Mahabang kwento." Gusto kong mag-isip siya at mainggit dahil dito ako nakatira-kasama ang lalaking gusto niyang makuha. Ewan ko nga ba bakit parang natuwa ako sa sinabi ni Nanay Tere. Buti nga at hindi siya pinapansin ni Ed, ginawa ba naman akong katulong. Judgmental lang, Te?

Tamang tama naman na bumaba na si Ed. Ayaw ko sana siyang makita pero mas gusto kong makita ang 'di niya pagpansin sa bisitang judgmental.

Tahimik lang ako. Kunwari iniiwasan na titigan si Ed na bumababa na naka boxers lang. Haaay! Grabe siya! An angel has fallen from heaven! Heaven? Ew! Not her!

Hindi na ako makapaghintay na makita kung paano niya iiwasan ang magandang judgmental.

Pero lumapit si Ed sa kanya at tila tuwang tuwa pa! "Happy to see you, Sunshine!"

Sunshine? Huh? Gabi na ah! Nanlaki ang aking mga mata nang biglang may beso pa sa kaliwa't kanang pisngi ni Heaven. Tila nagulat rin si Heaven kay Ed.

Nooooooooooo! Sino siya sa buhay ni Ed?

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang