Chapter 27

1.3K 83 30
                                    

          Dumating ang doktor na tulog pa si May. At ganoon pa rin ang sabi ng doktor, kailangan lamang niya itong ipahinga. Umalis muna si Ed ng bahay. Tila sinisisi na naman niya ang sarili niya sa nangyari kay May. Ang tanging gusto lang naman niya ay maramdaman ang pagmamahalan nila noon ng asawa niya. Gusto na niyang sabihin kung gaano niya ka-miss na makasama siya tulad ng dati na masaya silang dalawa.
         "Call me when she wakes up, Nay. I'll be downstairs, at the bar."
          Pumasok si Ed sa 10th floor para mag-wine at makapag-isip.

***

          Nagising ako na wala si Ed. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko pero konti nalang. Heto na naman ako, nagmamaganda sa bahay ni Ed. Sino ba talaga si Ed sa buhay ko? Bakit niya ako hinalikan sa noo? At Love? Tinawag ba niya talaga ako ng Love?

          Gusto ko sanang itsek ang bag ko na dala dala ko mula sa ospital, baka kasi may mahanap ako at maalala mula sa mga gamit ko. Hinanap ko sa mga cabinet pero hindi ko na mahanap nang bigla kong napansin ang isang pintuan na katabi lang naman sana ng bathroom. Bakit ngayon ko lang ito napansin?

          Binuksan ko ang pintuan. Wow! Walk-in closet mga bes!

          Nagulat ako nang makakita ako ng napakaraming damit, bags at sapatos. Ang damiii! Binili ba 'to lahat ni Ed para sa akin?

        Napansin ko na halos bago pa lahat at talagang kasya talaga sa akin. Sarap ng feeling bai ng buhay na ganito! Ramdam na ramdam ko naman ang pagkakataon. First time ko eh, pasensya!

         Hanggang sa napapunta ako sa mga drawers. Grabe! Pati undies mamahalin! May nanalo na talaga!

        Nang buksan ko ang panghuling drawer naroon ang mga bagay na hindi pamilyar sa akin. May maliliit na parang treasure boxes, mukhang luma pero 'di ako sure kung luma ba talaga 'yon o sinadyang magmukhang luma lang.

         Binuksan ko ang unang treasure box at may laman itong makikintab na 5-peso coins. Binuksan ko naman ang pangalawang treasure box at naroon naman ang isang singsing. Bakit isa lang?
        At sa panghuling box na pinakamalaki sa tatlo ay naroon ang veil at cord. Hala! Para sa kasal pala ang mga 'to! Ang ganda naman!

       May isang envelope rin na nakatago sa ilalim ng pangatlong box. Ano kaya ito? Sulat para kanino?

Ed Barber,

I thank the Lord for your life.
And I thank Him for choosing me as your wife.
From this day to forever,
I will be a faithful lover.
I will hold you when you need me,
I will take care of you, please trust me.
In sickness and in health,
for better and for worse,
Till death do us part.
I will be your forever...

May Entrata-Barber ❤️

   ***

        Hindi na nakapagsalita si May. At kahit di niya maalala, ngayon alam na niyang si Ed talaga ang totoo niyang asawa. Si Ed ang taong mahal ng puso niya kahit di ito maalala ng isipan niya. Ganon pa man, si Ed ang taong nag-alaga sa kanya kahit ilang beses pa niya itong iniwan at nasaktan. Paano kaya sasabihin ni May kay Ed ang nalaman niya?

ABANGAN...

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now