Chapter 35

1.2K 74 15
                                    

         "Shh! Baka marinig ka ni Nanay." Hindi ako sure kung talagang tulog si Nanay o nagkukunwaring tulog lang. Pero sana naman wala siyang narinig. Nakakahiya kaya!

        "What time is it? I think I wanna drink Nanay's hot choco."

        "5 Am pa. Tulog pa si Nanay. Ako nalang. Pero magtatanong muna ako sa Nurses Station. Magtatanong ako kung pwede kana bang kumain."

        Agad akong lumabas. Mabuti na rin at humihingi na siya ng pagkain. Sana naman okay na ang pakiramdam niya.

        Pagdating ko sa Nurses Station, walang taong naka stand-by. Naisipan kong bumili nalang muna ng hot choco-at least nakahanda na just in case makakapagpaalam na ako sa nurse at doktor niya.

       Agad akong bumalik sa kwarto. Pero bago pa ako makapasok may narinig na ako mula sa pintuan.

       "Should I tell your wife?" Sabi ng isang lalaking may boses mama.

      "No. No. I will tell her." Sagot naman ni Ed.

        Ano kaya ang gustong sabihin nila sa akin? Tungkol kaya sa kondisyon ni Ed? Pero baka si Ed nga ang magsasabi sa akin.

      Agad akong pumasok at nagkunwaring walang narinig. "Hi dok! Sorry, ngayon lang ako. Bumili pa kasi ako ng hot choco, hiningi niya. Pwede na ba siya nito?"

       Hindi mawala sa isipan ko ang pinag-usapan nila. Bakit tila wala pang gustong magsabi sa akin? Bakit parang gulat na gulat sila sa pagdating ko.

       "Hi, Mrs. Barber." Bati ng doktor. Mrs. Barber. Hindi ako sanay pero ang sarap pakinggan. "Yes, you may give him a little, just to make him taste. I'll see you around, Mrs. Barber. I'll come back later, Ed."

       Halatang magkakilala na sila. At ramdam ko, ramdam ng puso na may tinatago sila.

       Lumabas na ang doktor. "Sino siya, Mahal? May update na ba sa kondisyon mo?" Tanong ko kay Ed.

        "He said I need to rest and I'll be fine. He's Dr. Rodney. But he always insists to be called Dr. Heart."

Ahh. Kasi nga doktor siya ng puso. At habang ginagamot niya ang literal na puso ng asawa ko, dinudumog naman niya ang puso ko. Bakit pa kasi 'di sabihin sa akin. Bakit may sekreto?

Pero ayaw kong iparamdam kay Ed ang inaalala ko. Ayaw ko ring mag-umpisa ng away o magsalita ng negatibo. Panghahawakan ko na ang sinasabi ni Ed sa akin ay totoo.

"Ganon ba? Mabuti naman kung okay na ang lahat. Magpagaling ka na para.." Binulong ko ito, "gawa tayo ng baby pag may time."

Biglang pumasok ang nurse. "Ma'am, may schedule po pala ng check up si Sir Ed. Ilalabas po siya. Papunta na po ang mga lalaking maghahatid sa kanya sa Heart Center."

Bigla man akong kinabahan pero kailangan kong magpakatatag. "Sure! Sure! Salamat ha."

"O, Mahal, gusto mong samahan kita?" Tinanong ko muna kung komportable siyang samahan ko siya.

"You take a rest, Love. I'll be back. I promise."

Dumating na ang tatlong lalaki at agad inihanda si Ed at ang hospital bed niya para mailabas sa kwarto.

Paglabas ni Ed, agad na napaupo si Nanay Tere sa sofa bed niya. "May, narinig ko ang sabi ng doktor. Kailangan mong maging matatag, Anak."

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Agad nalang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. "Bakit ho, Nay? Kailangan kong malaman, gusto kong malaman. Sabihin niyo naman o."

"Gagaling naman daw si Ed pero maaaring ang susunod na atake ang magiging panghuli."

Abangan...

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now