Chapter 14

1.5K 105 20
                                    


Nagising ako at maliwanag na ang kwarto, hindi dahil sa ilaw-dahil sa araw. 

"Grabe bai! Ang ganda ng bahay na 'to!" Binuksan ko ang kurtina ng glass window. "Wow! Wow!" Tanging nasabi ko.

Nakaka-inlove ang lugar. Ang karagatan ay parang nagbibigay ng pag-asa, tila nagsasabi na malaki ang mundo at ito'y para sa iyo. Ang araw ay parang isang paalala na ito ay bagong araw para magbago.

"Good morning!" Biglang may boses mula sa likuran ko.

"Ay! Emotera!" Nagulat ako sa 'di inaasahang pagbati sa akin. Lumingon ako at naroon si Ed. Si Ed Barber na walang malay kung gaano siya kagwapo. Naku! Nanggigigil ako eh! Mukhang magandang tanawin rin! May laban sa karagatan at araw oh! 

"What?"

"I mean good morning too!" In my Bisaya accent para hindi mahalata ang pagtitig ko sa mukha niya.

"I've cooked breakfast, please join me." Pag-imbita ni Ed na halatang bagong gising rin, tanging white t-shirt at boxer shorts lang ang suot nito.

The bossy boss is not so bossy today! Agad naman akong sumunod sa kanya. Naku! Ang easy easy girl ko na! Hindi maari! 

Bumaba kami ng hagdanan at nagtungo kami sa dining area. Halatang gawa sa mamahaling mga bagay ang bahay ni Ed. 

"Grabe! Mas maganda pa sa nakita ko kanina sa kwarto!" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko na mapanganga. Sobrang ganda talaga ng view. Halos buong dining area ay naka glass wall pa!

"Nakaka-inlove." Bulong ni Ed.

Nagulat ako sa sagot ni Ed. "Ah. Eh." Nahiya pa akong lumingon sa kanya pero hindi ko napigilang tignan ang mukha niya. Bes! Nakatitig sa akin!

"Ahh... Yes! Nakaka-inlove ang dagat. Noh?" Mabilis akong napaupo sa dining table. Ayan na! Naging awkward moment na naman! Bakit ba kasi hindi ka tumahimik May! "You cooked this? Let's eat!" Napalaki at napabilis ang mga subo ko. Ang titig kasi eh! Parang biko, napakalagkit! Pero hindi! Huwag kang feeling May! Hindi bagay!

"By the way, I guess it's the right time..."

Hindi ko na pinatapos si Ed. "No! Not this time!" Natakot ako. Magpopropose na ba siya? Hindi ko yata kaya!

"I mean, you asked me yesterday about Tanner, didn't you?" 

Ahhh! Assumerang frog! Ayan hopia! "Ahh... Oo! Bakit sino ba siya sa buhay ko?"

"It is true, he was your fiance." 

"What???" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Yes. He was." Hindi na rin makatitig si Ed sa akin at agad nagbago na ang mood niya. Grabe siya! Daig pa ang mga babaeng may monthly period!  Pero ganon pa man, rinig na rinig ko ang WAS. Bakit past tense? 

"Was? So naghiwalay kami?" Bigla kong naalala ang napanaginipan ko sa araw na nakilala ko si Heaven sa condo ni Ed. Si Tanner siguro ang kausap ko. Akala ko panaginip lang, alaala ko pala yon. Nagmamakaawa pa ako na huwag muna akong iwan. Ramdam ko na ulit ang sakit.

"Yup. Your first heartbreak. But that's all I know. Let's eat." Halatang gustong putulin ni Ed ang usapan na yon! Nakakawala ng gana kasi. 

"OK." Tanging sagot ko sa kanya. 

Hindi na rin ako makatingin kay Ed. Hindi ko mapigilang mag-isip. Kung yon lang ang alam ni Ed bakit alam niya na FIRST HEARTBREAK ko si Tanner. Para malaman ng isang tao yon malamang matagal ang aming pinagsamahan. 

Sino ba talaga si Ed sa buhay ko?



ABANGAN...


Comment your thoughts pls! This update is for all who requested sa comment section at yong iba ng message pa talaga. Sana i-share niyo po sa iba! <3 Thanks!




That Should Be Me| CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin