Chapter 22

1.2K 86 21
                                    

Sumakay ako sa sasakyan ng walang pagdadalawang isip. Masaya na sana eh. Akala ko okay na ang lahat.

"Let me get this straight to you, this is part of your job. Tonight I need you to work as my date." Ano? Nabuang! Ganito ba sa buhay ng mga mayayaman? Kahit date trabaho?

"Ahh... Mr. Ed Barber, este, SIR! Kung ganyan po pala ito so mahaba po pala ang working hours ko?"

"Are you complaining? That's not a problem, you'll get an overtime pay for any job beyond 8 hours." Arggghhh! Nakakaloka talaga ang ugali nito. Magbibiro at mang-iinis tapos biglang seryoso na naman. Nakakabuang siguro maging mayaman!

"So saan trabaho ko ngayon? Ha?!" Bigla akong nakaramdam ng pagod sa buong katawan ko. Sino ba ang excited magtrabaho? Waley! Kung meron man, ay, sila na yong magaling!

"I'll bring you to a shop first. Somebody will dress you up there. I'll wait here." Sagot ni Ed habang busy sa cellphone niya.

"Dress up. Dress up. Napapangitan kasi! Di sana si Heaven ang sinama mo!" Bulong ko.

"Did you say something?"

"Ah. Wala. Sabi ko ang gwapo mo ngayon." Palusot ko na medyo totoo.

"Here. Go and have fun."

"Have fun mo yang mukha mo!" Binulong ko nalang ulit.

Pagpasok ko sa isang mamahaling shop na tila mamahalin rin ang mga damit agad na may sumalubong sa akin. "This way, Ma'am. Same types of clothes?" Tanong niya.

"Anong same? Ah. Eh. Kahit ano." Sagot ko sa babae.

"Oh. Okay. This one, one your favorite styles." Ano kayang pinagsasabi ng babaeng ito? Ganito ba dito? Feeling close ang staff?

"Okay na sa akin yan."

Agad akong nagbihis at wala pang limang minuto tapos na ako.

"Ma'am, please sit down. Jai will come to fix your hair and freshen you up. Thanks for coming. See you next time." Sa tingin ko paalam na niya iyon at tapos na ang trabaho niya sa akin.

"Salamat."

"Mamu!!!" Sigaw ng baklang papalapit sa akin at may beso pa. Bakit Mamu? Parang iba yong dating ah! Hahaha!

"Mabilis lang 'to. Baka you know na, ma-inish ang Afam mo." Chika ng bakla.

"Oo nga eh! Ang hirap nga intindihin ng kasama ko." Naglabas nalang rin ako ng sama ng loob.

"Di bale, Mamu, inLavavoosh naman yon sa 'yo."

Ano raw? Ang hirap naman kasi makipag-usap sa bading eh. Hindi ko tuloy magets!

"Done! Simple, fresh and pretty as always. See you soon, Mamu." May beso ulit.

Nagmadali akong lumabas ng shop dahil alam kong naghihintay ang bossing ko sa labas. Nagulat ako nang makita ko si Ed sa labas ng kotse niya.

Naku! Pa-tay na! Nainip na siguro. "Sorry, Ser! Natagalan ba?"

Tinitigan ako ni Ed. Umikot naman ako para ipakita ang suot ko. Nakatitig pa rin siya. Ngumiti ako. Nakatitig pa rin siya. Grabe bai! Tunaw na agad make up ko nito!

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan ng walang sinabi. Pumasok naman ako at umupo ng naaayon sa damit ko. Tumabi si Ed at lumingon muli. "That's beautiful." Seryosong komento niya.

"Thank you." Bes! Nakakalaglag ng stockings yon, bes! Pramis!

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now