Chapter 38

1.5K 76 28
                                    

"Mahal, bawal ka pang mapagod diba? Next time, next time." Paalala ko kay Ed.

Humiga naman si Ed sa kama. Dahan dahan pa nga. Alam kong pinipilit lang niyang maging okay para 'di ako mabahala.

           "Ipagpatuloy mo nalang ang kwento mo. Tapos? Sinamahan mo talaga ako sa school?" Inumpisahan ko agad ang topic bago pa kami ma-awkward.

          "Yes I went there with you, talked to your Dean and they considered when they knew it was me. Not to brag, I donated a building there. They know I was telling the truth."

           "Ahh. Alam nila na rude ka. Hahaha." Biro ko.

          "Everything changed with one incident. Tatay Dan had flat tires so he wasn't able to fetch us. I didn't bring my phone and wallet. Nothing."

         "Hala! Sumama ka sa akin? Sumakay ka ng jeep, ganon?"

           "Yes. But you were still mad at me. You said you'll go home and I should learn how to go home alone. I don't have any money at that time so I kept following you, and slept in your apartment. I had no choice."

          "Tapos? Anong nangyari?"

          Sasagot na sana si Ed nang biglang tumunog ang door bell. Nagulat nga ako na may ibang nakakaalam pala sa bahay ni Ed. "You take a rest. Ako na bahala." Sabi ko sa kanya.

          Bumaba ako. Tila sa sobrang pagod ni Nanay at Tatay Dan 'di na sila nagising.

         Agad kong tiningnan ang cctv screen na nasa hallway. May babae sa pintuan namin, hindi naman mukhang si Heaven. Sino kaya siya?

          Binuksan ko ang pintuan. "Sino po hinahanap ninyo?"

          "I don't understand Tagalog. Is May in here?" Aba! Mukhang mapapasubo akong mag-Ingles sa babaeng ito ah!

          "Ako. I mean I am May. Why? Do I know you?" Agad ko namang na-realize na kung magkaibigan kami, 'di sana alam niyang naaksidente at nagka-amnesia ako. So siguro 'di kami close.

         "I am K."

         Nagulat ako, first time kong makita at makausap siya. Pero alam kong may pinagdadaanan rin siya. Kaya naisipan kong makipag-usap sa kanya.

         "Ah. Come in." In my bisaya accent pa!

         Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda nga niya pero bakit parang wala siyang sugat mula sa aksidente. Drama lang din ba yong nasa ICU siya?

          "I'm here to ask you something." Umpisa niya.

          "What?" Ang hirap bes! Mas mahirap pa yata sa sitwasyon ang pagsalita ng Ingles. Buti nalang talaga nakakaintindi si Ed sa akin.

         "Do you need money? House? Cars? Cos if you need I can give you everything." Nakakaawa siyang tingnan. Yong parang mahirap na walang makain dahil walang pambili. Pero tsaka ko narealize parang nang-iinsulto siya. Ano kaya ang gustong mangyari ng babaeng ito?

          "I don't need what you are offering, Ma'am. I don't care if you have everything. I am happy with what I have now." Mabuti nalang at naglabasan ang Ingles sa utak ko. Matatarayan ko rin siya!

           "I know you are with Ed because he's rich. I'll give you everything. Just please, please let him go. I am sure he would come back to me." Hala! Grabe siya! Buti nalang at nagka-amnesia lang ako. Yong sa kanya iba rin ang tama eh, naging loka-loka na yata.

          "Aba! Sumusobra ka na ha! You can buy things but not me! I don't need more. I think I have everything you ever wanted and that's Ed! He is more than enough! Kaya tigilan mo kami, don't me!" Ayaw ko mang palakihin ang gulo pero nakakainsulto siya. Sobra na!

          Nagulat kami nang biglang bumaba si Ed sa hagdanan. "Love, what took you so long?"

         Natahimik kaming dalawa. Alam namin pareho na 'di dapat mastress si Ed.

That Should Be Me| CompletedWhere stories live. Discover now